Pwede kang mag I love you sa kanya pero wag kang umasa na magsasabi din sya sa iyo ng I love you. Pwedeng maging positive o negative yung reaction nung guy dito, ihanda mo yung sarili mo sa kahit anong magiging kalalabasan ng pagshare mo ng emotion mo sa kanya.
Positive:
mahal ka din nya at mag i love you din sya sa iyo, level up na yung relationship nyo
Negative:
hindi ka nya mahal tapos lalayuan ka na nya
or worse ay mapipilitan syang mag I love you din sa iyo kahit hindi naman yun yung tunay na nararamdaman nya para sa iyo and he will take advantage of your feelings for him
Baka ikaw nga lang ang nakakaramdam ng ganun sa MU relationship nyo (sa ngayon) since 3 months pa lang naman yan, baka nag-eenjoy lang sya sa hugs and smacks mo.
Why not ask him first kung ano ang status ng relationship nyo before saying I love you to him, mas mabuti siguro na maliwanagan mo muna kung ano kayo bago ka magsabi ng nararamdaman mo sa kanya. (Playing safe na kung playing safe pero ikaw yung babae, mas maraming mawawala sa iyo kapag nagtake advantage yung guy sa true feelings mo for him.)
Kapag napag-isipan mo na gusto mo talagang sabihin yung mga words na yun sa kanya at walang makakapigil sa iyo, ingatan mo din yung sarili mo kasi baka magtake advantage sya sa iyo(although kahit bf mo naman na sya andun lagi yung risk na the person you love will take advantage of you).
Saka naghug and smack na kayo ng ilang beses sa pagiging mag MU nyo pa lang, mahiyain pa ba yung guy kapag nagagawa nya yun sa iyo na hindi ka naman nya gf?
Kahit gaano ka-mahiyain ang isang guy, kapag may physical contact na kami sa mga girls, kung mahal namin kayo, makakaya naming sabihin yun sa inyo lalo na kung gusto talaga naming sabihin yun sa inyo at kung yun yung nararamdaman namin sa inyo. Kasi kahit papaano meron na kaming security and assurance na hindi kami mababasted kasi meron nang kaunting intimacy sa relationship. Mahihiya lang kami kapag alanganin pa yung estado ng relationship pero sa tingin ko sa inyo you are beyond that stage.
Posible din naman na kaya nya hindi sinasabi yun sa girl dahil hindi naman gf material yung girl(sorry, posibilidad lang ito and I'm not saying na ganyan yung girl) since MU lang naman sila and maybe he will only say those three words to his gf and not someone na ka-MU nya lang.
Baka nga iniisip nung guy na bakit nya pa kelangan magsabi ng I love you and take the relationship to another level of bf-gf kung nakakarami naman sya ng hugs and smacks from this girl. Para sa akin kasi, once you utter those three words, kasama na dun yung pagiging mag bf-gf nyo pati na yung exclusivity ng relationship nyo kasi kapag nag I love you ka tapos MU pa din ang bagsak nyo at hindi mo alam kung ano yung status ng relationship nyo ay parang pinapayagan mong lokohin ka nung sinabihan mo ng I love you.
Ang tingin ko ay hindi mahiyain yung guy, in love lang talaga yung girl sa guy at yung guy naman ay hindi (pa?) ganun kalalim yung nararamdaman nya sa girl, baka nga play time lang ito dun sa guy while sineseryoso naman ito ng girl. I could be wrong.
Anyway, that is just how I see it.
Good luck sa susunod na action nung girl.