Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE

Author Topic: sagot sa inyong mga katanungan  (Read 13519 times)

islam_way

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 0
sagot sa inyong mga katanungan
« on: November 11, 2011, 02:31:45 am »
nandito ako hindi para makigulo at nang aakit na umanib sa relihiyon ko. nandito muli ako para sagutin ang mga katanungan ninyo at ipahayag ang katotohanan. katotohanang makikita sa islam. alam ko hindi kayo naniniwala sa Qur'an kaya binabase ko rin sa inyong bibliya.
sa mga pinapahayag ko, andaming nagalit sa akin at humantong na nasuspended ako. ganito pala ang nagpapahayag ng katotohanan. daming magagalit sa iyo. parang si kristo, pinahuli at ipapako sa krus dahil sa pagpapayahag ng katotohanan.

andito ako muli para sagutin ang inyong katanungan na di ko nasagot dahil di ko nga makita ang mga ginawa kong topic. dahil na move pala sa theology board na di ko mapasok. sanay pagbigyan po ninyo ang kasagutan kong ito na ipahayag sa inyo.

jihad...

madalas ito ang binabato sa akin pag nagsasalita ako ng pahayag. ang mga muslim daw ay terorista dahil nasa Qur'an  ang kautusang yan at yan ang jihad.
ang islam ay relihiyon ng kapayapaan. ang tinutukoy na jihad sa Qur'an ay kapayapaan ang hangad. ang jihad at tumutukoy sa pagpapahayag at pagpapalaganap ng salita ng Diyos. kahit saan man mapunta at itoy hadlangan ng mga taong ayaw sa katotohanan. handang magpapakamatay para lamang sa salita ng Diyos. hindi ibig sabihin na suicide bomber o ano pa mang pamamaraang madugong paraan. katulad ni kristo na nagpapahayag ng katotohan, siya'y handang mamatay para lang sa salita ng Diyos. isa yan sa ibig sabihin ng jihad.
kung ang iyong paniniwala at binabastos ito ng mga tao. pwede kang magdeklara ng jihad kung ang salita ng Diyos ay hinaharangan at binabastos. Katulad noong nangyari ccp na pangbabastos sa larawan ni kristo na tinawag pang art. At itoy pinatigil ng mga kristyano, yan ay pamamaraan ng jihad.
maliban na lang sa mga shia, na iniba nila ang ibig sabihin ng jihad. at ito'y ginawa nilang madugong mapaparaan.at itoy hindi katanggap tanggap sa mga sunni muslim. kaya nga ang shia ay isang kulto para sa mga tunay na muslim o sunni muslim.
ang inyong paniniwala na ang jihad ay magsuicide. eh sana halos araw araw dito sa pilipinas may nag suicide bomber na muslim. pinatay na sana namin lahat ng kristiyano para lang mapunta kami sa langit. eh mas madami pa ata ang nag suicide sa mga kristiyano. nagpapakamatay dahil sa karelasyong bakla o sa walang makain.
katulad nga sa sinabi ko, ang mga kautusang nasa Qur'an ay hindi mga bagong kautusan. ito'y makikita at nakasulat din sa lumang tipan at bagong tipan. kung ano ang inutos ng Diyos sa pinaka unang propetang si adan, moses, abraham, david, kristo at lahat ng propeta hanggang kay mohammed (pbuh) ay pare pareho lang. kaya nga ang paniniwala ng islam ay si muhammad ang pinakahuling propeta. ang Qur'an ay klarong klaro ang utos. dito matatagpuan ang Tunay na salita ng Diyos. walang mali, walang nabago ni isang tuldok o kudlit. walang kontradiksyon.

ang jihad ay hindi bagong kautusan. kahit sa bibliya may jihad.

si kristo ang nagsalita...

lucas 19:27

Tungkol naman sa mga kaaway kong ayaw na ako'y maghari sa kanila, dalhin ninyo sila rito at patayin sa harap ko!'"

At sa lumang tipan.

2 Cronica 15: 12-15

12   Gumawa sila ng kasunduan na buong puso at kaluluwa nilang sasambahin si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, 13   at papatayin ang sinumang hindi sasamba sa kanya, maging lalaki o babae, matanda o bata. 14   Pasigaw na nanumpa sila kay Yahweh. Nagsigawan sila kasabay ng pag-ihip sa mga trumpeta at tambuli. 15   Masayang-masaya ang buong Juda sa kanilang pagkakaisa sapagkat buong puso silang nangakong sasamba kay Yahweh. At ang kanilang masayang pagsamba ay tinanggap ni Yahweh; nalugod siya sa kanila kaya binigyan sila ni Yahweh ng kapayapaan sa lahat ng panig.

The Prophet Muhammed (saw) said "The best Jihad is to speak a word of justice to an oppressive ruler"

also said

"Whoever harms a non-Muslim citizen has harmed me"

di ba nasa bibliya din ang jihad? bago. alam mo ba ang laman ng bibliya at Quran? paano mo maikukumpara kung di mo alam ang laman ng dalawang bibliya, at paano mo masasabi kung ano ang tunay na Salita ng Diyos sa dalawa?

tanong nyo uli, bakit ang terorista o abu sayaf sumisigaw ng allahu akbar! terorista nga ang mga muslim?
mali po kapatid, mahahalintulad mo yan sa taong nag susugal o tumataya ng lotto. nagdadasal sa Diyos para manalo. eh kasalan yun dahil nagsugal siya. Kung pupunta ka sa sabungan at sa simbahan, mas maraming nagdadasal sa sabungan. Lahat sila nagdadasal na sana manalo manok nilang tinatayaan.

at pansinin ninyo ang nangyayari sa INC at dating daan, nagpapatayan dahil sa paniniwala. di ba jihad yan? Yan ang maling jihad tulad ng ginagawa ng mga shia!

doon naman sa nagsasabing hindi pinapayagan ang relihiyong christian sa lugar ng arabo.

mali po kayo kapatid. kung di pinapayagan ang reliyihong christian sa middle east, bakit maraming simbahang christian doon? bakit nagpapadala ng mga pastoral priest doon?

ang di pinapayagan sa bansa ng mga muslim ay ang gawaing kristiyano. anu-ano yun? yung ang pagsusuot ng maiikling damit ang mga babae. ang pagdi-date ng babae at lalaki na hindi kasal., ang pasusugal, ang paglalasing sa publiko, at marami pang mga immoral na gawain. yan ang di pinapayagan ng bansang arabo.

may nagtanong uli. bakit ang mga muslim, tumutuwad kung sumasamba?

ang pagsamba ng mga muslim ay hindi imbento ni muhammad. ginagawa at sinusunod lang namin ang pamamaran ng pagsamba ng mga naunang propeta. minsan ginawang kantyaw ng mga kristyano ang pagtuwad ng mga muslim. eh di nila alam na yan ang tunay na pagsamba. ang pagpapatirapa (paghalik sa lupa o pagtutuwad) , at maghugas muna ng paa at kamay bago magsamba. ginawa ba yan sa kristiyano?
mula sa unang propeta hanggang kay kristo at hanggang sa huling propetang si muhammad(pbuh). lahat sila sumasamba katulad ng pagsamba ng mga muslim.

Maghugas (wudu) muna bago pumasok sa simbahan at magsamba.

http://youtu.be/3Y5Fj70b27M

gAnito po magsamba ang mga muslim.

http://youtu.be/kScrL8m1qMs

si propetang David(pbuh) kung magsamba ayun sa bibliya.

2 Samuel 12: 20

Pagkarinig nito, bumangon si David, naligo at nagbihis. Pumasok siya sa bahay ni Yahweh, nagpatirapa at nanalangin. Pagkatapos, umuwi siya at humingi ng pagkain.

si propetang moses(pbuh) sa bibliya. naghugas muna ng kamay at paa bago sumamba.

Exodo 30: 21

Kailangan ngang maghugas muna sila ng paa't kamay upang hindi sila mamatay. Ito'y tuntuning susundin nila at ng kanilang lahi habang panahon."

Exodo 40:31-32

31 Doon naghuhugas ng paa't kamay sina Moises, Aaron at ang kanyang mga anak. 32   Tuwing papasok sila sa Toldang Tipanan o lalapit sa altar, naghuhugas sila tulad ng iniutos ni Yahweh kay Moises.

Bilang 20: 3

Nagpunta sina Moises at Aaron sa may pintuan ng Toldang Tipanan at nagpatirapa roon. Nagningning sa kanila ang kaluwalhatian ni Yahweh.

si propetang abraham(pbuh) sa bibliya.

Genesis 17: 3

   Pagkarinig nito'y nagpatirapa si Abram. Sinabi pa sa kanya ng Diyos
si joshua sa bibliya.

Josue 7: 6

Pinunit ni Josue at ng pinuno ng Israel ang kanilang kasuotan dahil sa matinding paghihinagpis. Nagpatirapa sila sa harap ng Kaban ng Tipan ni Yahweh. Naglagay din sila ng abo sa ulo bilang tanda ng kalungkutan hanggang sa paglubog ng araw.

sa panahon ni propetang solomon.

2 Cronica 7: 3

Nasaksihan ng buong Israel nang bumaba ang apoy at nang ang Templo'y mapuno ng kaluwalhatian ni Yahweh. Kaya't nagpatirapa sila, sumamba at nagpasalamat kay Yahweh, at nagsasabing, "Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman

at si kristo at ang kanyang mga disipolo paano sumasamba sa Diyos?

Mateo 26:39

Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin

Mateo 17: 6

Nang marinig ng mga alagad ang tinig, labis silang natakot at nagpatirapa.

http://youtu.be/dx-UrA3qkNM

sino ang tumutupad sa tamang pagsamba na pamamaraan ng mga propeta? kinakantyawan nyo ba o sinusunod ang pamamaraan ng mga propeta?

Anu-ano ang mga gawain sa islam na patibay na nasa bibliya?

minsan nagtanong ako, may talata ba sa bibliya na pwede na mag ahit ang isang mangangaral?
akala nila eh nagbibiro ako. at sanhi pa ng pagka suspended ko dito. tsk tsk na man. ang tunay na nagpapahayag na salita ng Diyos hinaharang ninyo. kung madi-delete itong ginawa kong paksa, sigurado ako Diyos na bahala sa atin dito. baka magdeklara siya ng jihad sa espiya. nagka problema na nga site natin, siguro resulta ng paghaharang natin sa nagpapahayag ng salita ng Diyos.

levitico 19:27
   Huwag kayong pagugupit nang pabilog at huwag magpapaahit o magpapaputol ng balbas.

akala nyo kasi nagbibiro ako. tingnan nyo ang mag mangangaral ninyo? kung may balbas ba? kung walang balbas, eh pekeng mangangaral yan. simpleng utos ng Diyos di pa magawa.
di bali ang mga kaanib na walang balbas. may free will ang tao. pero ang mangangaral dapat unang tumutupad sa utos ng Diyos. kung tunay siyang mangangaral!

pati ang pag-iimbalsamo sa patay at ang pagpapa tatto ay isang kasalanan.
pero puro yan gawain ng mga kristiyano.

levitico 19:28

Huwag kayong maghihiwa sa katawan dahil sa isang namatay ni maglalagay ng tatu. Ako si Yahweh.

Bakit ang patay sa islam inilibing agad?
Lumang kautusan na po yan ng Diyos. Nasa lumang tipan yan.

Deuteronomio 21:23

hindi dapat abutan ng gabi ang bangkay na iyon sa ganoong kalagayan. Kailangan siyang ilibing sa araw ding iyon , sapagkat ang ibinitin sa punongkahoy ay isinumpa ng Diyos. Kapag hindi ninyo inilibing agad, madadamay sa sumpa ang lupaing ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Yahweh.

Ang babae ay hindi dapat mamuno  o lalamangan ang lalaki!

1 timoteo 2: 11-14
11 Ang mga babae ay hayaang matuto sa kanilang pananahimik at sa lubos na pagpapasakop. 12 Hindi ko sila pinapayagang magturo o sumabat habang ang mga lalaki ay nagtuturo, kundi dapat silang manahimik. 13 Sapagkat si Adan ang unang nilalang bago si Eva, 14 at hindi si Adan kundi si Eva ang nadaya at nagkasala

[1 Corin 14:34]
ang mga babae ay kailangang manahimik sa mga pagtitipon sa iglesya. Sapagkat hindi ipinapahintulot sa kanila sa ganoong mga pagtitipon ang magsalita; kailangang sila'y pasakop, gaya ng sinasabi ng Kautusan

may nagtanong uli sa akin. si muhammad ba ang nagtatag ng islam?

hindi po! dahil ang islam ay relihiyon po ng mga naunang propeta hanggang kay kristo. hindi lang po na tukoy ang salitang islam sa bibliya dahil ito'y salitang arabic. noong panahon ni propetang moses ay hebrew ang kanilang salita at sa panahon ni kristo ay aramaic. kaya di mo makikita ang salitang islam. pero ang ang kahulugan ng islam ay nababanggit sa bibliya.

ano ba ibig sabihin ng islam?

Ang Islam ay isang katagang Arabik na hinango sa salitang ugat na “Salam” na nangangahulugan ng Kapayapaan. Ito ay nangangahulugan din ng Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Tunay na Diyos.
maraming mababasa yan sa bibliya.

Santiago 4:7
   Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos....

Mateo 5:19
..... Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit
si jesus nagsalitA.

lucas 11:27-28
27   Habang nagsasalita si Jesus, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan, "Mapalad ang babaing nagbuntis at nag-alaga sa iyo."
 28 Ngunit sumagot siya, "Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!"
ayun! si kristo mismo nagsabing mas mapalad ang nakikinig sa salita ng Diyos at tinutupad ito.
sa salitang arabic ay "ISLAM"

may nagsasabi pa nga dito na false prophet daw si muhammad.

Walang problema po yan. Kung yan ang paniniwala ninyo. Di nyo kasi nabasa ang laman ng Qur’an. Kung paano namin pinaniniwalaan si Muhammad. Kung gaano katibay at paniwalang paniwala kami kay muhammad. Yan ay mababasa at mapaptunayan namin sa pamamagitan ng Qur’an. Basahin nyo muna ang Qur’an. May talagalog translation po tayo nyan.

 http://www.akoayisangmuslim.webs.com/

Prophet Muhammad's final speach to mankind before his death

http://youtu.be/62xHNvvGsFU

sino ba si Allah?

Minsan may nagsabi dito na alam daw niya ang Allah ng mga muslim. At si kristo daw si Allah.
Mali po, hindi po tinuturing na Diyos si kristo nang mga muslim. Sugo o propeta lang po si kristo para sa mga muslim. Kahit sa bibliya maraming talata yan na makikita. Kailan man hindi sinabi ni kristo na siya ang Diyos at siya ang dapat sambahin.

Bilang 23:19
Ang Diyos ay di sinungaling na tulad ng tao.
Anumang sabihin niya'y kanyang gagawin,
kung mangako man siya, ito'y kanyang tutuparin.

Deuteronomy 18:19 
Almighty GOD tell us to listen to his words spoken by his prophet.

Ang Allah(Diyos) na sinasamba ng mga muslim ay ang Diyos ding sinasamba ng lahat ng propeta na nasa lumang tipan at bagong tipan. Kaya nga naawa ako minsan, na pinagtatawanan at kinakantyawan ang binabanggit na Allah ng mga muslim. Para silang mga hudyo na nagpapako kay kristo!

hindi po ako nanghihikayat sa inyo para maging muslim. wala pong inuutos sa islam na manghikayat kami. kundi ipapahayag lang namin nag katotohanan. katotohanang salita ng Diyos. pangalawa yan sa importanteng utos ng Diyos na ipapahayag ang katotohanan. at yan din ang ginawa ni Kristo. maraming beses mo mababasa sa bibliya na ang gustong ipahiwatig ni Kristo ay katotohanan, katotohanan at katotohanan!

Pasensya na mga kapatid. Pero ito lang masasabi ko sa pangyayari dito sa espiya. Dahil nga sinususpeded ang nagsasalita ng katotohanan katulad ni kristo na pinarusahan dahil sa pagsasabi ng katotohanan. Parang Diyos na ang may gawa na i-down pansamantala ang espiya. At ewan ko kung may pangyayari bang binigay ang Diyos sa mga taong nagsasalita ng masama laban sa mga sinasabi kong katotohanan. Sa nagsuspended? Pwede mo rin akong ulit i-suspended. mga kapatid, hindi ko pakay dito na makikigulo. Wala kasi akong laban sa mga banat ninyo kasi di ko nakikita yung mga banat ninyo. KatotohanaN  lang po ang pinapahayag ko! At malinis na talakayan lang po sana ang mangyayari dito. Salamat po.

 ::dontflame

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #1 on: November 11, 2011, 03:50:05 am »
wrong board.

bakit di ka muna mag ikot ikot sa ibang board para tumaas ang post count mo, tapos kapag may access ka na sa theology board, saka ka magpakasawa sa hindi mo panghihikayat at mga makabuluhan mong posts tungkol sa iyong relihiyon at mga adhikain sa buhay.

simpleng rule lang naman, sundin mo na.

islam_way

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 0
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #2 on: November 11, 2011, 04:41:56 am »
wrong board.

bakit di ka muna mag ikot ikot sa ibang board para tumaas ang post count mo, tapos kapag may access ka na sa theology board, saka ka magpakasawa sa hindi mo panghihikayat at mga makabuluhan mong posts tungkol sa iyong relihiyon at mga adhikain sa buhay.

simpleng rule lang naman, sundin mo na.

pagpasensyahan na po, pansamantala lang naman po ito habang di pa ako makapasok sa theology board.
tulad po ng sinabi ko, hindi po ako nanghihikayat na umanib kayo sa aming relihiyon, wala po yan sa aming kautusan.
naglalahad lang po ako ng katotohanan at paniniwala ng aming relihiyon.

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #3 on: November 11, 2011, 05:30:06 am »
pagpasensyahan na po, pansamantala lang naman po ito habang di pa ako makapasok sa theology board.
tulad po ng sinabi ko, hindi po ako nanghihikayat na umanib kayo sa aming relihiyon, wala po yan sa aming kautusan.
naglalahad lang po ako ng katotohanan at paniniwala ng aming relihiyon.

kaya nga. Ilahad mo ang iyong katotohanan sa tamang paraan.

alam mo naman palang maling board, bakit mo pa rin pinipilit. magikot ikot ka muna. pag may karapatan ka nang mag post sa theology, saka ka magpakasawa.

islam_way

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 0
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #4 on: November 11, 2011, 05:38:27 am »
kaya nga. Ilahad mo ang iyong katotohanan sa tamang paraan.

alam mo naman palang maling board, bakit mo pa rin pinipilit. magikot ikot ka muna. pag may karapatan ka nang mag post sa theology, saka ka magpakasawa.

aanhin mo ang damo kung patay na ang kabayo?

matagal pa siguro bago ako makapasok sa board na yan. pwede naman i-move ng mod. wala naman problema.

wag po sasakit dibdib mo kapatid ng dahil lamang sa maling board nailagyan ko. pagpasensyahan mo na.

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #5 on: November 11, 2011, 05:44:50 am »
aanhin mo ang damo kung patay na ang kabayo?

matagal pa siguro bago ako makapasok sa board na yan. pwede naman i-move ng mod. wala naman problema.

wag po sasakit dibdib mo kapatid ng dahil lamang sa maling board nailagyan ko. pagpasensyahan mo na.

eh di maghintay ka at magpost sa iba. ganun lang naman kasimple.

bakit kailangan pang imove kung pwede namang sundin mo na lang ang rules. tulad ng sabi ko, alam mong mali ang ginagawa mo sa pagpo post mo pero pinipilit mo pa rin ang gusto mo.

also, wag ka magworry. hindi sasakit dibdib ko. sinasabihan lang kita dahil mukhang hindi ka marunong sumunod sa mga rules and regulations.

islam_way

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 0
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #6 on: November 11, 2011, 05:50:43 am »
eh di maghintay ka at magpost sa iba. ganun lang naman kasimple.

bakit kailangan pang imove kung pwede namang sundin mo na lang ang rules. tulad ng sabi ko, alam mong mali ang ginagawa mo sa pagpo post mo pero pinipilit mo pa rin ang gusto mo.

also, wag ka magworry. hindi sasakit dibdib ko. sinasabihan lang kita dahil mukhang hindi ka marunong sumunod sa mga rules and regulations.

sir, tingnan mo muna ang mga nakaraan mong reply o topic kung naging perpekto po ba tayo? di po ba tayo naging ot minsan? lahat bang ginagawa ninyo ay 100% di lumalabag sa rules?

bago mampuna ng mukha ng iba. tingnan muna ang sariling mukha sa salamin. check nyo muna po ang mga past reply ninyo.

uli, pasensya na po kung wrong board ako. wala akong ibang maisip kung saan ko ilalagay to. gusto ko lang naman sagutin ang mga dating katanungan na di ko nasagot. dati sa espiya cafe ako nag post mali pa rin board ko. kaya ito alng naisip ko. sesnya na po uli.

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #7 on: November 11, 2011, 05:55:04 am »

obviously, walang perpektong tao. pero that's beside the point.

alam mong mali ang board at alam mo ang rules. bakit hindi mo gawin at sundin. napakasimple.

meteor freak

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 918
  • Karma 46
  • Gender: Male
  • "Live free" ('5')
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #8 on: November 11, 2011, 05:56:55 am »
eh di maghintay ka at magpost sa iba. ganun lang naman kasimple.

bakit kailangan pang imove kung pwede namang sundin mo na lang ang rules. tulad ng sabi ko, alam mong mali ang ginagawa mo sa pagpo post mo pero pinipilit mo pa rin ang gusto mo.

also, wag ka magworry. hindi sasakit dibdib ko. sinasabihan lang kita dahil mukhang hindi ka marunong sumunod sa mga rules and regulations.

oo nga naman TS, pano ka paniniwalaan kung simpleng rules lang hindi mo pa masunod? hindi ka naman pinagbabawalan mag post ang samin lang dapat marunong tayo sumunod sa rules dahil pare-pareho lang tayo dito at hindi natin pag aari ito kaya hindi natin pwedeng ipilit ang gusto natin mangyari, kung kasama sa rules dito na ma reach mo yung tamang number of post para magkaron ka ng access dun sa section kung saan pwede mo ilahad ng gusto mo sabihin kailangan mo muna maghintay. Rules are rules TS at kahit saan meron nyan kung hindi ka marunong sumunod pasensyahan nalang. Parang PBB lang, kung hindi ka marunong sumunod sa rules ni Big Brother sigurado automatic eviction. Gets mo?
Life is not about the people who act true to your face,

It's about the people who remain true behind your back.

sajangnim

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 638
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • HAR-HAR-HAR
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #9 on: November 11, 2011, 09:01:36 am »
mga ka-espiya hayaan na natin si islam_way magbigay linaw sa mga katanungan ayon sa paniniwalang islam. anyway it's up to the mods, wag nating pangunahan ang mga moderator. imu-move nila ito kung marapat. sa mga inilahad naman ni ts na kasagutan, bagamat gumamit sya ng mga talata sa bibliya, may napakalaking bagay na nilaktawan sya. ang mga batas sa lumang tipan ay ibinigay ng Diyos sa bansang israel lamang. napapaloob ito sa isang covenant o kasunduan sa pagitan ni Yahweh at ng Israel. kung susundin ng mga hudyo ang mga batas ayon sa kasunduan, pagpapalain sila ng Diyos (Exodus:19:5). Subalit ayon sa propeta Jeremiah, nilabag ng mga hudyo ang batas dito kaya sinira na ng Diyos ang kasunduan (Jer. 31:31-33). Kailan man hindi napapaloob ang mga hentil sa nasirang kasunduan. Subalit ng dumating ang Panginoong Hesus, siya ay nagbigay ng bagong covenant/kasunduan (Mk 14.24; Lk 22.29). Ang bagong kasunduang ito ay nakabase sa habag at pag-ibig ng Diyos. Pakibasa na lang ts ang aklat ng Mateo 12:15-21, 22:41-46, 26:57-68.

2 Witness 3

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1735
  • Karma 3
  • Gender: Male
    • [URL="http://www.creepygif.com/image.php?i=919"][IMG]http://www.creepygif.com/images/thumb/919.jpg[/IMG][/URL]
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #10 on: November 11, 2011, 09:32:21 am »
Islam way doon sa FEMA mo i post daming bumibisita doon. ;)

DjDaveTrance

  • "A real man gives up one night stands, for a woman he can't stand one night without"
  • Regional: Cebu
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4890
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • Pioneer/VIP/Staff/Moderator
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #11 on: November 11, 2011, 11:10:03 am »
Yes, I have a question.

 Are you in the right Board?

 smoking::

SimpleMetry

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 422
  • Karma 230
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #12 on: November 11, 2011, 01:22:02 pm »
Bible- tao nagsulat

Koran-tao din ang nagsulat

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #13 on: November 11, 2011, 01:58:29 pm »
mga ka-espiya hayaan na natin si islam_way magbigay linaw sa mga katanungan ayon sa paniniwalang islam. anyway it's up to the mods, wag nating pangunahan ang mga moderator. imu-move nila ito kung marapat. sa mga inilahad naman ni ts na kasagutan, bagamat gumamit sya ng mga talata sa bibliya, may napakalaking bagay na nilaktawan sya. ang mga batas sa lumang tipan ay ibinigay ng Diyos sa bansang israel lamang. napapaloob ito sa isang covenant o kasunduan sa pagitan ni Yahweh at ng Israel. kung susundin ng mga hudyo ang mga batas ayon sa kasunduan, pagpapalain sila ng Diyos (Exodus:19:5). Subalit ayon sa propeta Jeremiah, nilabag ng mga hudyo ang batas dito kaya sinira na ng Diyos ang kasunduan (Jer. 31:31-33). Kailan man hindi napapaloob ang mga hentil sa nasirang kasunduan. Subalit ng dumating ang Panginoong Hesus, siya ay nagbigay ng bagong covenant/kasunduan (Mk 14.24; Lk 22.29). Ang bagong kasunduang ito ay nakabase sa habag at pag-ibig ng Diyos. Pakibasa na lang ts ang aklat ng Mateo 12:15-21, 22:41-46, 26:57-68.

alam mo pareng sajangnim maraming beses na syang sinabihang 500 posts para makapagstart ng thread sa theology, at mali ang board nyang inuumpisahan ng thread.

kung alam nya ang rules, e di ibig sabihin alam nya ring nilalabag nya ito.

2fear!

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6846
  • Karma 44
  • Gender: Male
  • Espiya - tapukanan sa DDS!
Re: sagot sa inyong mga katanungan
« Reply #14 on: November 17, 2011, 03:09:36 am »
mga ka-espiya hayaan na natin si islam_way magbigay linaw sa mga katanungan ayon sa paniniwalang islam. anyway it's up to the mods, wag nating pangunahan ang mga moderator. imu-move nila ito kung marapat. sa mga inilahad naman ni ts na kasagutan, bagamat gumamit sya ng mga talata sa bibliya, may napakalaking bagay na nilaktawan sya. ang mga batas sa lumang tipan ay ibinigay ng Diyos sa bansang israel lamang. napapaloob ito sa isang covenant o kasunduan sa pagitan ni Yahweh at ng Israel. kung susundin ng mga hudyo ang mga batas ayon sa kasunduan, pagpapalain sila ng Diyos (Exodus:19:5). Subalit ayon sa propeta Jeremiah, nilabag ng mga hudyo ang batas dito kaya sinira na ng Diyos ang kasunduan (Jer. 31:31-33). Kailan man hindi napapaloob ang mga hentil sa nasirang kasunduan. Subalit ng dumating ang Panginoong Hesus, siya ay nagbigay ng bagong covenant/kasunduan (Mk 14.24; Lk 22.29). Ang bagong kasunduang ito ay nakabase sa habag at pag-ibig ng Diyos. Pakibasa na lang ts ang aklat ng Mateo 12:15-21, 22:41-46, 26:57-68.

banned na ata si islam way.. hehhe

pero ako sasagot pre ha... iba ata ang kasunduan sa kautusan...