Espiya

Member Reviews / Recommendations => Reviews/Ratings => Avoid This Place => : BOYBALASIK September 11, 2011, 11:15:02 PM

: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: BOYBALASIK September 11, 2011, 11:15:02 PM
Mga kaespiya magingat sa mga sumasakay ng jeep bandand qiapo, nabiktima ako byernes un 4pm sa recto aq sumaky sa tabi ng driver inaakala ko na pinakasafe na pweSto sa jip. Nakapambahay lang ako noon at may sumakay sa tabi ko na lalaki bandang mendiola paglagpas ng jollibee legarda tinutukan nalng aq sa tagiliran kinuha pera,cp at relo ko wala na q nagawa haba ng balisong eh. Bumaba xa bago umakyat ng tulay ng nagtahan. May kawork aq ganun din nabiktima din sa recto mga 9pm.
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: bakekong12345678 September 11, 2011, 11:16:51 PM
tsk tsk. salamat sa babala
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: g_spot_stimulator1 September 11, 2011, 11:19:46 PM
thanks dude, madami talaga sa lugar na yan...pero matindi yan ah kahit sa harap na mismo eh tumitira parin
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: ~Muska~ September 11, 2011, 11:22:08 PM
Hayop talaga mga yan eh. Kaya kailangan pag nahuli todasin na agad.
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: BOYBALASIK September 11, 2011, 11:27:28 PM
E2 pa masaklap nagsign of the cross pa ang holdaper pagsakay ng jip.
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: voyager_ September 11, 2011, 11:28:40 PM
E2 pa masaklap nagsign of the cross pa ang holdaper pagsakay ng jip.

sign kasi ng ano yun e.... alam mo na  ::lmao ::lmao ::lmao
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: BOYBALASIK September 11, 2011, 11:31:55 PM
Sana putulan sila ng kamay para ndi na mangholdap. Masyadong magaan ang parusa sa mga holdaper kulong lang..
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: g_spot_stimulator1 September 11, 2011, 11:38:37 PM
at madali pang nakakalabas...kaya paulit-ulit lang nilang ginagawa, wala kasing pangil ang batas sa atin kaya lalong dumadami yung mga ganyang klaseng tao.
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: icarus15 September 11, 2011, 11:47:03 PM
Malapit na kasing mag-Pasko. Siyempre may mga inaanak din yan. But kidding aside, buti di pa nila natatarget yung Punta-Divisoria jeeps. O kaya yung San Juan-Recto.
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: pspyrock September 11, 2011, 11:54:15 PM
E2 pa masaklap nagsign of the cross pa ang holdaper pagsakay ng jip.

sign kasi ng ano yun e.... alam mo na  ::lmao ::lmao ::lmao

Deboto ng Itim na Nazareno ang karamihan sa mga magnanakaw at holdaper. Dalawa yung dahilan ng sign of the cross nya na yun, yun ay para maging successful yung pakay nya at walang mangyaring hindi maganda sa sinuman(yung masaksak ka nya o mahuli sya ng pulis), kasama ka na dun sa ipinalangin nya. Weird ano? Pero ganyan yung tipo nila, magdadasal pa bago gumawa ng masama. Isang kalokohan yung mga debotong ganyan ang gawi.

Pero hindi lahat ng katoliko at deboto ay ganyan, voyager_.   ;D

Matyetyempuhan din yang mga demonyo na yan. Ingat na lang dahil dadami pa yung mga ganyan dahil sa pagiging materyalismo ng ibang mga tao tuwing padating ang pasko.
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: sikensangwits September 12, 2011, 01:08:53 AM
kasabwat ang tsuper panigurado.  >:(
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: puneta September 12, 2011, 01:31:43 AM
buti ka espiya hindi ka niya tinuluyan, at buti hindi ako nagagawi diyan. makati at pasig lang pinaka malayo kong napuntahan tsaka yung bar na Circa yun lang pinakamalayo na napuntahan ko. woo. Thank God. sana mag iingat ka parin ts dahil hindi mauubos ang mga taong ganyan pag patuloy ang paghihirap nila. God bless you!
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: BOYBALASIK September 12, 2011, 01:55:38 AM
Salamat kaespiya binigay ko na lang kikitain ko din nmn un mahirap na kung magripuhan ka mahirap na kumita
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: spinach September 12, 2011, 02:28:48 AM
Matapang yung hold upper bro. Kasi mendiola at university belt maraming pulis dyan dahil puro estudyante. Pangalawa malapit sa malakanyang yan kaya nga madalas marami dyan nag ra-rally, pangatlo pag gabi may checkpoint dyan sa arellano university. Matindi siguro pangangailangan nun kaya ganun or baka kaya ikaw ang tinabihan para isipin ng makakakita na mag kakilala kayo kase kung estudyante at naka uniform ang tinabihan nun mahahalata sya. Siguro sa mga ganyan na lakad at di mo kabisado ang lugar much better wag na mag dala ng maraming pera.. yung sakto lang dapat..
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: meteor freak September 12, 2011, 02:51:33 AM
Salamat kaespiya binigay ko na lang kikitain ko din nmn un mahirap na kung magripuhan ka mahirap na kumita
tama ang ginawa mo kaibigan, mabuti nalang at hindi ka sinaktan, ingat nalang sa susunod, maganda siguro gawin lagay mo yung pera mo sa lahat ng bulsa wag sa isang bulsa lang at kung may secret pocket ka dun mo itago yung iba para kung sakali mangyari yung ganyan insidente hindi lahat ng pera mo makukuha kung may wallet ka man mas maganda idea siguro kung 2 yung wallet mo pero dapat yung hindi masyado malaki para hindi masyado halata sa bulsa, kung may tumabi sayo na holdaper at pasimple ka tinutukan ng balisong pasimple mo din iabot yung isang wallet mo na walang laman na importante dukumento lagyan mo kahit konting pera dahil baka tingnan nya yun at makita walang laman baka kapkapan ka at makita may isa ka pang wallet, yung mga ganyang holdaper palagi nagmamadali yan mabilisan lang ang atake nyan para walang ibang makahalata, kaya dapat kung lalabas tayo ng bahay at pupunta tayo sa mga delikadong lugar mag laan na tayo  o ihanda na natin yung pang bigay natin sa mga holdaper kung sakali mangyari man ang hindi inaasahan. Sa panahon ngayon talamak na talaga ang mga ganyang klase ng gawain lalo na ngayon malapit na mag pasko kanya-kanyang diskarte na yan kanya kanyang modus solo man o grupo wala na din pinipiling lugar yang mga yan at mahirap na i-identify kung sinu ang matino o hindi kaya tayo na mismo ang gumawa ng paraan para makaiwas sa mga ganitong klase tao, kung hindi man makaiwas atleast nka handa tayo, sa totoo lang madali magsalita kung anu dapat gawin pag na holdap pero pag andyan na hindi mo na alam ang gagawin mo hanggang sa ibigay mo na lahat ng nasa iyo wag ka lang saktan, dapat maging malakas lang ang loob natin at samahan ng dasal tuwing lalabas tayo ng bahay. ingat lang lagi mga ka espiya.

Sana lang walang holdaper na miyembro ng espiya para hindi nya mabasa yung teknik ko  laffman:: sa panahon ngayon hindi malabo na upgraded na din ang mga tulad nila, sigurado may facebook din mga yun.
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: potpotenfriends September 12, 2011, 04:38:48 AM
dude nakikita naman ni bro ang mga ginagawa nila may karma naman yan atleast safe ka
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: comsci24 September 12, 2011, 04:51:04 AM
talagang chambahan lang pag ganyan, kaya ako ayokong sumasakay sa harap dahil madali kang ma tutukan dun, pinaka magandang sumakay parin lagi sa dulo ng jeep para kung sakasakali eh madaling maka takas.
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: monkey d luffy September 12, 2011, 05:19:43 AM
Anak ng teteng sumasakay pa naman ako jan sa area na yan nadtrip ah. . .
salamat tol, ingat ingat
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: dma1008 September 12, 2011, 05:21:57 AM
Sana putulan sila ng kamay para ndi na mangholdap. Masyadong magaan ang parusa sa mga holdaper kulong lang.

para sakin sana bulagin na lang sila, tignan ko lang kung may magawa pa sila pag bulag na sila! badtrip talaga mga ganyang tao

buti walang nangyari masama sa kaespiya natin.

nga pala about sa pag-upo sa dulo ng jeep, mahirap din ung pwesto na yun, may nagkwento na sakin nahold-up din

ingat at dasal na lang. advice lang, wag na tayo pumalag lalo na't may deadly weapon silang dala, kasi hindi natin alam kung anu nasa isip nila. natataranta din minsan ang mga holdaper at pag di na alam gagawin kaya nilang pumatay or saktan ang biktima.

maraming salamat sa pag share ng experience mo ka-espiya
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: kikorecto September 12, 2011, 10:16:19 AM
experience ko biyaheng pier-qc, sa unahan din ako nakaupo. sumakay ako sa intramuros at sumakay mga holdupper sa pier. nagdeclare sila ng holdup pag-baba ng jeep sa (underpass) tapat ng isetan recto. partida mga kaespiya kasi may pulis na nagbabantay sa kanto. pinayuko lang ako ng katabi kong holdupper. sinabi pa sa akin n pangtubos lng daw sa kasamahan nila na nahuli. may pulis pa siya na binanggit na kasabwat daw nila. 7:30pm lang un. kuha lahat ng pera ko, celphone, ipod. di ako nakapalag kasi ang haba din ng balisong. sa likod hinoldup din lahat ng pasahero at may dala pa raw na baril ung isa. doble ingat tayo mga tol. alerto tayo, sa hirap ng buhay sa pinas, may mga tao talagang away lumaban  ng patas sa hamon ng buhay.
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: morrismo September 12, 2011, 01:06:49 PM
Ingat nalang mga kaespiya lalo na ngayon at magpapasko....
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: spider08872 September 12, 2011, 04:18:58 PM
Nadali din ako ng mga mukong na to... Ganun din nakasakay ako sa harapan tabi ng driver. same thing ngyari sau. Ingat Ingat kau coespy.
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: The Dark Knight September 12, 2011, 04:34:35 PM
yan din ang byahe ko....pati si Mrs....kaya ingat-ingat lang at mapagmatyag....and tama ka, pinaka-safe na dapat yung malapit sa driver...pero pasalamat ka na lang, hindi ka tinusok...at ewan ko ba bakit pag "ber" months dumadami krimen....
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: praeto_RYAN September 12, 2011, 04:59:14 PM
kasabwat ang tsuper panigurado.  >:(

hindi naman siguro.  hindi na lang umimik yan para huwag na lumala ang sitwasyon.  kasi kung kasabwat yung tsuper and lagi nila gagawin yun, eh magiging markado yung driver sa mga pulis. 

lumihis ng kaunti sa topic - dagdag ko lng, mga insidenteng ganito, mas lumalabas ang kainaman ng concealed carry na pinapatupad sa mga ibang estado ng amerika.  taliwas kasi sa pinapakita sa media dito sa atin, mga responsible gun owners ay bibihirang masangkot sa mga karahasan at kung anu-ano pa.  kung ipapatupad ang mas "aggresive" concealed carry dito sa pinas mas malaki ang posibilidad na isa sa mga pasahero sa mga jeep ay may dalang legal na baril, mas magdadalawang-isip ang mga kawatan na gumawa ng ganyan.  ang media kasi dito sa pinas ay iniisip at pinapalabas na mga licensed gun owners din ang sangkot sa mga nangyayaring krimen, which is very unlikely.  ang dapat na tugisin at ipitin ay mga nagdadala ng ilegal na armas, hindi mga responsible gun owners.  more responsible gun owners = more force to react against crime and violence = lesser incidence of crime.  ngayon pag nabaril ng licensed gun owner ang isang kriminal habang ito ay nagsasagawa ng isang krimen, eh di dumaan sa proceso ang licensed gun owner para ipakita na hindi siya nagmalabis sa kanyang mga ginawa at ito ay pagtatanggol lng sa kanyang buhay, etc.  ang tingin dapat ng media sa ganitong pangyayari ay isang matagumpay na pagpigil sa isang krimen dapat.  mas mabuti pa na masugatan ang kriminal, or kahit mapatay pa, kaysa naman mga walang kamalay-malay na biktima niya ang masugatan or mamatay.

as i always say, better to have a gun and not need it, than need a gun and not have it. 
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: Idiot September 17, 2011, 07:51:15 PM
kasabwat ang tsuper panigurado.  Angry

may sigurado kapa sinabi ba sayo nung tsuper hahahhaha bopologs hahahahahha
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: XProbert October 23, 2011, 01:15:18 AM
Thanks sa info bro!  8)
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: biraboyz October 25, 2011, 08:06:31 PM
hinde k nag try na habulin o kya sundan...?
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: julvera23 October 26, 2011, 03:22:14 AM
salamat kaibigan sa impormasyon.. iiwas na ako sumakay sa harap.
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: bugsymalone December 14, 2011, 06:05:42 PM
ingat talaga kayo sa divisoria at baka mabangga niyo tong tao nato  ::lmao
(http://i42.tinypic.com/357k7xl.jpg)

mabigyan ka pa ng sabon pag nabangga mo  ::lmao ::lmao ::lmao
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: JAKE_Artista December 14, 2011, 06:37:00 PM
sign kasi ng ano yun e.... alam mo na  ::lmao ::lmao ::lmao

sign ng ka . . . . ::lmao
: Re: Mag ingat Recto pasig-qiapo jeep at divisoria-recto
: balanar016 December 14, 2011, 07:19:02 PM
ang pinakasafe yung sa pinakadulo kung sakaling magkaroon ng holdapan madali kang makakaeskapo ;) ingat na lang magpapasko na eh