Sa palagay ko, lahat ng public communication ay propaganda. Gusto ko sanang pagusapan natin ang propaganda dito in general.
Tignan natin halimbawa ang mga successful at magagandang commercial sa TV. Note that ang emphasis ng mga ito ay madalang sa produkto, kung hindi sa mga emosyon na kanilang ipinapangako na mapapasaatin kung gagamit tayo ng product nila. Gumagamit sila ng mga situation, mood at minsan ang commercial model mismo. Mas halata ang propaganda kapag panahon ng election.
Cases in point: Axe (attention and admiration of the opposite sex, namely women), various SUVs (security ang pagmamarket nito sa US, dito sa Pilipinas, prestige, status at power), anything featuring Robin Padilla (machismo). Take note, iba ang pagtingin sa pagkalalake ni Robin Padilla at ni Derek Ramsey. Mas maton ang dating ni Binoy, habang si Derek ay macho rin pero mas nakatuon sa pagiging athlete at healthy (ang concept ng pagiging "healthy" ay nabago mula sa pagiging malusog lang papunta sa pagkakaroon ng magandang katawan, namely six-pack abs at firm pecs). Chocolate, halimbawa. Kapag may babae sa commercial, madalas ay makakarinig tayo ng salitang TEMPTATION, lalo na kung dark chocolate. Kung may bata sa commercial, FUN.
Iiwan ko kayo ng homework para italakay: mga seasoning mix.