Espiya

Motoring and Automotive => The Garage/Gulong => : lawrencium December 06, 2014, 03:17:42 AM

: Nadisgrasya ko yung luma naming kotse
: lawrencium December 06, 2014, 03:17:42 AM
2 months na akong nag dadrive at nitong hapon lang nagpapractice akong magdrive gamit ang luma namign kotse sa subdivision namin at sa isang kantong masikip may nakasalubong akong jeep na kasalubong ko dun sa mismogn kanto at tinamaan ng rear door ko yung likuran ng jeep, at parang wala lang  since  halos nag uumpisa palang ako na unexperience at alam kong kasalanan ko hinayaan ko na lang, at pagkatapos non tumabi ako tinignan ko kung ano yung damages nakita ko nga yung minor scratch sa pintuan ng kotse , parang linya na about 10 inches ang haba. frustrated ako kasi may mga taong nakakita at nahihiya at the same time kinakabahan.
: Re: Nadisgrasya ko yung luma naming kotse
: estavio December 06, 2014, 03:22:16 AM
pa latero mo nalang sir
: Re: Nadisgrasya ko yung luma naming kotse
: leightot December 07, 2014, 09:18:51 AM
hehe move on na lang.
: Re: Nadisgrasya ko yung luma naming kotse
: naruto789544 December 07, 2014, 10:17:17 AM
hehe move on na lang.

that is right... parang bisikleta lang yan, hindi ka matututo hangga't hindi ka sumesemplang... lol..
saka mo na ipaayos pag marunong ka na talaga...

but don't overdo it... ingat lang sa pagmamaneho... malamang hindi mo natantiya ang pagliko mo... practice practice pa before you venture sa mga major roads natin..
: Re: Nadisgrasya ko yung luma naming kotse
: meteor freak December 07, 2014, 11:22:58 AM
Charge it to your experience sir buti nga minor scratches lang, mas marami ka pa ma encounter na accident habang tumatagal ka sa pagmamaneho at dun ka matututo kaya dapat palagi ka nag iingat hindi porket matagal na nagmamaneho magaling na at malayo na sa aksidente minsan nga sila pa ang prone sa accident dahil sobra bilib sa sarili. Tandan mo ang pagmamaneho hindi dapat hinahaluan ng yabang at init ng ulo para iwas abala pakikipag areglo.
: Re: Nadisgrasya ko yung luma naming kotse
: bigbanggoo December 07, 2014, 12:30:09 PM
Ok lang yan bro muka namang practice car mo lang sya. Ang importante walang nasaktan.