Di ko maintindihan ang sarili ko.
O.T.: This is my last new topic for the vacation as I will be leaving this Jan.3... Babalik na po ako ng academy...
There was this girl in my life na... well, let's just say na she's my final fantasy.(Let's call her "Mai")
As in, sya yung niligawan ko bago ako pumasok academy...
Dahil sa na buking ako sa simpleng panliligaw ko (and she rejected it), Naging isa na sya sa dahilan kung bakit pinag pursigi kong tiisin ang hirap sa academy. Dahil na rin siguro sa frustrations ko sa buhay (kasama na 'yun) kaya nagkaroon ako ng vigor to move on.
After my plebehood, napag isip isip ko na rin na di lang sya ang babae sa buhay ko. Marami naman iba diyan na mas deserving para sa akin daw (sabi ng friends ko.) . Since nagka buhok na 'ko (ang pangit ng hairstyle ng plebo), naging confident na akong mang chicks... (lol)
But still, di pa ko nakikipag usap kay Mai, nor does she replied my msgs thru YM even though she's online...
Christmas vacation na. Sabi ko sa sarili ko, ano kaya kung ligawan ko ulit siya?? "Yun... Sige Bax, magandang ideya yan", sabi nila.
Then came this christmas vacation. Dahil sabik sa facebook, nagbukas agad ako ng FB kahit kakarating ko lang sa bahay galing Bataan. Mafia wars. Farmville. Cafe World. Resto City. BArn Buddy. Buddy Poke. Friends For Sale.
Isang beses, nag chat sya sa kin thru FB. Buy ko raw siya sa Friends For Sale. Sabi ko, "Sige" Then kinamusta ko sya... Di nya ko nireplyan. Na frustrate ako. Sabi ko, ayoko na. Pagod na ko. Sa iba ko nalang ibabaling ang pagmamahal ko sa babae (aside from my mum)...
Kanina, bumili ako ng mga gamit na dadalhin ko sa academy... sa
E-Mart (oo, Dasma Cavite po...)...
Tapos, sa check out lane... Pagkatapos i-bag yung mga pinamili namin, nakita ko papasok yung kapatid ni Mai. Sabi ko... "Ah... si *****. Sigurado kasama nya si Mai."
Kasama nya nga. sabi na eh.. Kamustahin ko kaya??
Pero ano 'to? Ni hindi ko nga sya matignan eh... tapos biglang nag bliss... Ayoko namn na makita nya naman akong namumula.
Iniwas ko nalang paningin ko. Pag alis ko ng E-Mart, minura ko sarili ko. "t******** bat di mo sya kinausap?? or kinamusta?? Hello, bukas aalis ka na... pero di mo pa natutupad ang sinabi mo bago ka nag bakasyon. Anong klase kang tao?? 2nd year college ka na...
Ang hirap pala ng kausapin mo uli ang taong ayaw mo nang makita. akala ko madali.
Pero gusto ko talagang makipag ayos sa kanya. ewan. Kaya naisip kong....
Di ko alam kung mag bubulag bulagan ako sa nabasa ko (dahil sa galit) or ma totouch ako (dahil.. ewan)
Ang weirdo ng pakiramdam. Ano sa palagay niyo??