Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: naalala nyo pa ba?  (Read 9507 times)

PinagpalA

  • pagpalain nawa ang mga taong mapag kawang gawa!
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2590
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • mahalin ang dapat mahalin!!!!
naalala nyo pa ba?
« on: June 22, 2006, 10:00:31 am »
Naalala nyo ba nung ...

-piso lang ang pamasahe
-ang babae lang ang may hikaw
-ang preso lang ang may tattoo
-kilala mo ang lahat ng myembro ng Voltes V
-pinagtatawanan ang itim na rubbershoes at mahahabang shorts
-pinalayas ng mga Pinoy ang mga Marcos (pero ngayo'y pinabalik uli sa pwesto)
-kala mo'y magkakatuluyan sina Ate Sienna at Kuya Bodjie ng Batibot
-si Erap ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa
-ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud
-FACES ang in na gimikan
-SM City ang pinakamagandang mall sa bansa
-piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi    wala pang plastic cups no'n si manong magtataho
-tarzan, jojo, at tootsie roll at texas ang pinaggagastusan mo ng mga beinte singko mo
-trianggulo pa ang sunkist tetrapak (de hindi na tetrapak yon)
-nagkakakalyo ka dahil type writer pa ang ginagamit mo para sa mga school papers mo
kaya uso pa ang carbon paper at liquid paper
-VETO ang iyong deodorant o kaya MUM (kaya lumalakas ang loob mong maging MUMyayakap)
-at tancho gel ang pang-ayos mo ng buhok
-KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa'yo para inumin bago matulog
-nanliligaw pa lamang si Brod Pete kay Shirley sa John and Marsha
-sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon noon
-nakakapag-grocery ka na 100 piso lang ang dala
-anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo
at hirap na hirap kang tumawag mula sa public phone kasi limang dyis ang kailangan mong hagilapin
-sosyal si pareng Mon kasi naka-cell phone siya, ngunit hanggang kotse lang yon kasi mabigat bitbitin
-hinihingi mo yung computer cards (yung butas-butas) ni daddy mula opisina niya para gumawa ng saranggola para sa iyong school project
-pag narinig mo ang Every Breath You Take, si Sting at si Sting lang ang pumapasok sa utak mo
-si Helen Vela ang naririnig mo pag binuksan mo ang radyo mo sa OK 101
-dalawang piso lang ang songhits
-iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski kasi kuwarenta anyos na siya
pango pa si Vilma
-kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita
-25 sentimos lang ang baon mo sa iskwela, eh, happy ka na
-10 sentimos lang ang sarsi (sobrang tagal na 'yon ha!)
-Oras ng Ligaya ang pinagkakaguluhan ng lahat
-pagdating ng alas-sais, ready na yung tubig mo para mag-toning
-ang kapal ng pamada mo sa buhok para alalayan yung singko mong pinagpipilitang
ishoot sa maliit na garapa sa loob ng boteng may tubig
lagi kang nababalagoong sa tumbang preso
napakamura pa ng ubas at kastanyas
Milo at Ovaltine lang ang chocolate drink na iniinom mo, cocoa para sa mas matatanda
Nutribun pa ang baon mo sa eskwela
tex, jolen, patintero, tantsing, sipa, taguan, agawan base at syato lang ang sports na nilalaro mo
bitin at baston pa ang pantalon mo.
si Eddie Ilarde, Bobby Ledesma, Coney Reyes, Helen Vela, sama mo na si Malu Maglutac, JQ (Joe Quirino) at Ariel Ureta ang mga paborito mong tv host.
Top Sider, Robertson, Bla-bla, Haruta ang sapatos na pangarap mong bilin.
may dala-dala ka pang linoleum pag naglalakad ka sa kalye baka kasi may maka showdown ka ng break dancing.
Strut at Punk ang gusto mong sayawin bukod sa break dance.
napaka itim pa ni ate guy nun
gagamba ang paboritong mong pet.
Analisa at Flor de Luna lang ang pinanonood mo, ngayon Rosalinda na.
Khumbmella, Blazing Product, or attache case ang gamit mong bag sa school.
naka plastik na may straw lang ang binibili mong tag 75 sentimos, na melon, sago at gulaman. Wala pang plastik cups n'on.
pusa pa ang nilalagay ng iba sa siopao
hopiang munngo at hopiang baboy na may kasamang Pop o Sarsi ang meryenda mo.
sosyal ka pag umiinom ng Sarsi with egg.
may mabibili ka pa sa singko sentimos mo at may mamera pa n'on (1 cent)
There's nothing as nice as someone who shares,
your laughter, your secrets, your wishes n' cares,
someone who's there through your good times and tears, who stays by your side as your spy through the years.

King CARLOS I

  • cules, im not....
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2796
  • Karma 20
  • Gender: Male
  • -piR-
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #1 on: June 22, 2006, 12:25:27 pm »
hehehe....

pro may nakalimutan ka....

alapang 20 pesos ang gasolina....


visca el barca!

NaUTi

  • "NaUTi Na WHoLESoMe"
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 966
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • "JuST CaLL Me NaUTi"
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #2 on: June 22, 2006, 03:10:20 pm »
yung iba natatandaan ko...hehehe...kala ko si Pong Pagong at Kuya Bodjie ang magkakatuluyan kasi magkahawig sila... ;D


-Anti-BAYOTicâ„¢-

  • can2terorist PARACETAMOD MEDJAKOL
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1874
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • Basta count to ten laang ng count to ten
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #3 on: June 22, 2006, 06:43:35 pm »
hehe..alala ko pa nuon 75c pa ang pamsahe..may kanta pa nga eh "tatlong bente singko lng ang aking kelagn,tatlong beses ko rin maririnig sayong mga labi na mahal kita..mahal kita,haaa..wala ng iba,ohhhh" hehehe...tpos ang cubao buhay pa ang fiesta carnival at C.O.D..hay!!! sarap blik-blikan ang nkaraan..bibili ng waffle hotdog  ;D tpos ang bus na pumapasada sa EDSA eh kahoy pa... :D
Awake to righteousness,and do not sin; for some do not have the knowledge of GOD 1 corinthians 15:34


Seek N Strike

  • tribong tagasumbong
  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 341
  • Karma 1
  • Gender: Male
  • back to the primitive! wer everythin is simple!
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #4 on: June 22, 2006, 09:08:35 pm »
hahaahahha,,, :D :D :D :D nakakatawa nman yan.. pro ung iba jan di ko tlga maalala..
di pa nman ako gnun katanda.. ;D ;D ;D ;D, pro nakakatawa tlga to preng pinagpala..

the quick brown fox jump over the lazy dog!


Van Gogh

  • MENTALLY DISORDERED
  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1533
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • ROCK ON
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #5 on: June 23, 2006, 02:38:30 am »
Bakit natatandaan ko pa nman ang limang miyembro ng Voltes V ah! hehe! ;D



LEEYSEEEEEEEEEEEEEER  SOHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHRD!
YOUR NOT HARDCORE
UNLESS YOU LIVE HARDCORE


POSERS DIE!

Sepultorero

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 31
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #6 on: June 24, 2006, 02:46:21 am »
*my first post*


natatandaan ko lang nun,,, nag cu cut pa ako ng class para mag manuela lol

ala pa kaseng MEGEMALL nun eh

Yubi Akira

  • Paparazzi
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6055
  • Karma 115
  • Gender: Male
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #7 on: June 24, 2006, 03:00:48 am »
dami ko nde alam sa mga binanggit ni pareng pinagpala ah. d ko inabot mga yan eh.. hehe. nagkakahalataan nang edad dito ;D

greenjoseph

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1195
  • Karma 46
  • Gender: Male
  • "do unto others what u want others do unto you."
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #8 on: June 25, 2006, 01:00:27 am »


-SM City ang pinakamagandang mall sa bansa

[/quot

marami na talagang obsolete...pero hanggang ngayon SM pa rin ang pinakamagandang mall sa buong pilipinas hehehehe. 

hoy

  • magzenVE
  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1271
  • Karma 6
  • Gender: Male
    • Finest Сasual Dating - Legitimate Girls
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #9 on: June 25, 2006, 11:27:18 pm »
meron pa..libre ang text sa globe

riothaus

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 36
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #10 on: June 25, 2006, 11:34:55 pm »
dami ko nde alam sa mga binanggit ni pareng pinagpala ah. d ko inabot mga yan eh.. hehe. nagkakahalataan nang edad dito ;D

aba aba tsong hehehe wag ka naman ganyan hehehehe alam mo first sign ng pagtanda is denial of your true age hehehe ;D
What I do and why i do it is my business

riothaus

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 36
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #11 on: June 25, 2006, 11:35:59 pm »
meron pa..libre ang text sa globe

pag sinabi mo ngang text noon eh laro yun....................... tsob akin!!!
What I do and why i do it is my business

SpyTamers

  • The Hitch-Hiker-Hunter 2006
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2323
  • Karma 43
  • Gender: Male
  • Tamers Simply Amazing !
    • Tamers Homepage !
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #12 on: June 26, 2006, 12:33:57 am »
Isang peso pala pamasahe naabutan mo pareng pinagpala? hehehehehhe ! ;D

Ang sa akin ang natatandaan ko medyo 50 centavos pa ata yong pamasahe, at ang piso noon ang laki ng hugis..... Nyahahahhhahahahah !


PinagpalA

  • pagpalain nawa ang mga taong mapag kawang gawa!
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2590
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • mahalin ang dapat mahalin!!!!
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #13 on: June 29, 2006, 04:41:46 am »
dami ko nde alam sa mga binanggit ni pareng pinagpala ah. d ko inabot mga yan eh.. hehe. nagkakahalataan nang edad dito ;D

di naman ako ganoon katanda pareng yubi, marami din akong natatandaan

sa mga iyan, naririnig ko kasi sa mga matatanda sa amin

kapag nagkukwentuhan sila..
There's nothing as nice as someone who shares,
your laughter, your secrets, your wishes n' cares,
someone who's there through your good times and tears, who stays by your side as your spy through the years.

renesaure

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 106
  • Karma 0
  • idem terra firma
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #14 on: July 03, 2006, 11:47:50 pm »
parang nakaka-relate ako ah...
Idem Terra Firma

Van Gogh

  • MENTALLY DISORDERED
  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1533
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • ROCK ON
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #15 on: July 06, 2006, 04:05:08 am »

pag sinabi mo ngang text noon eh laro yun....................... tsob akin!!!

cge sado na pati pato tsaka panabla! ;D
YOUR NOT HARDCORE
UNLESS YOU LIVE HARDCORE


POSERS DIE!

Prime Suspect

  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 352
  • Karma 4
  • Gender: Male
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #16 on: July 06, 2006, 11:42:22 pm »
Ito pa pahabol sa isang bagohan dito sa espiya

Pwede ka maka send ng msg sa Globe at smart na Walang 0919 at 0917 pero ngayon hindi

majoreugene

  • Citizen
  • Posts: 2
  • Karma 0
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #17 on: July 22, 2006, 02:14:34 pm »
Ito idagdag mo..

inaarkelahang bisiklita sa PICC
BOOM na BOOM sa tabi ng Star City
Black and White na TV ang pinapanoud
Lima lang ang kulay ng sasakyan
maliit pa ang taxi (wala pang FX)

hindi pa bawal ang driver na may potuk
butete pa ang tawag sa pulis noon na malaki ang tiyan (ngaun buwaya na...)
maikling short pa ang ginagamit sa P.E.
Jawo pa ang bida sa court
telepono na may party-line
love letter para sa irog
scandal na ang tawag sa nakahubad (ngaun art)

zaraki kenpachi

  • self improvement is masturbation...self destruction is the answer
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1371
  • Karma 14
  • Gender: Male
  • pagmulat ng mata...langit nakatawa...
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #18 on: July 22, 2006, 02:43:58 pm »
OO NGA!

at ang piso noon, singlaki pa ng hopia...

ngayon singlaki na lang ng peklat
my country is the world and my religion is to do good

kinjikitatani

  • lover boy
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 613
  • Karma 2
  • Gender: Male
    • kinji's hideout
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #19 on: August 01, 2006, 10:24:30 am »
hehe..alala ko pa nuon 75c pa ang pamsahe..may kanta pa nga eh "tatlong bente singko lng ang aking kelagn,tatlong beses ko rin maririnig sayong mga labi na mahal kita..mahal kita,haaa..wala ng iba,ohhhh" hehehe.:D

meron pang mas luma dyan. yung apo hiking society na " pumapatak na naman ang ulan" ....at kung meron kang tatawagan, trenta sentimos ika'y makakaltasan, wawawaaaa...
I don't judge other people.  I just laugh at their mistakes.

foreveryoung

  • Rev the Power Within You
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1196
  • Karma -13
  • Gender: Male
  • Cognitio Potentia Est : KNOWLEDGE IS POWER
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #20 on: August 03, 2006, 12:34:09 am »
yung makaalala nito, ciguradong kaedad ko...

alagad ni kalantiaw...
Zimatar
Yagit
Wonderful world of disney tuwing biyernes
Dance Fever...
The A Team
Kahapon lamang ni Eddie Ilarde, katumbas nito ung MMK
Back Rogers
The nature of a breakthrough is for you to stand on what you have gotten.On what's been
important to you,
what's touched you,
what's inspired you,
what's turned you on.
To stand on that value you've already created for yourself and look out at the possibility
for being alive that opens up.

spiesboy

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 368
  • Karma 3
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #21 on: August 06, 2006, 07:05:30 am »
Naalala ko nun parang graduation lang ako bibili ng top sider hehehe.  Tapos nahuli yung Ma Mon Luk sa Quaipo na nag lalagay ng pusa sa Syopao.  Bukas pa kaya yun?
Bakit ka gagawa ng masama sa kapwa kung pwede ka namang gumawa ng mabuti.

foreveryoung

  • Rev the Power Within You
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1196
  • Karma -13
  • Gender: Male
  • Cognitio Potentia Est : KNOWLEDGE IS POWER
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #22 on: August 07, 2006, 01:59:53 am »
Naalala ko nun parang graduation lang ako bibili ng top sider hehehe.  Tapos nahuli yung Ma Mon Luk sa Quaipo na nag lalagay ng pusa sa Syopao.  Bukas pa kaya yun?


Yah Ma mon luk sa Quiapo, yah especailly the Siopao at Mami, sarap talaga..... sarado na yata... may isang branch cila sa Arranque....

Top sider,,,,,, idagdag mo na rin ung T-Shirt na Top 40....
The nature of a breakthrough is for you to stand on what you have gotten.On what's been
important to you,
what's touched you,
what's inspired you,
what's turned you on.
To stand on that value you've already created for yourself and look out at the possibility
for being alive that opens up.

spiesboy

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 368
  • Karma 3
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #23 on: August 07, 2006, 01:17:09 pm »
yung makaalala nito, ciguradong kaedad ko...

alagad ni kalantiaw...
Zimatar
Yagit
Wonderful world of disney tuwing biyernes
Dance Fever...
The A Team
Kahapon lamang ni Eddie Ilarde, katumbas nito ung MMK
Back Rogers
Sigurod medyo medyo malaki ang agwat natin bcoz aside from the Ateam wala na ako maalala - flordeluna, annaluna, batibot at dayuhan yung naabutan ko-
Thundercats
Voltron - yung lion please
Transformers   - may movie nga pala sila ngaun 2007 for info
ano pa ba, madami I will add kapag may naalala ako. 
Isa pa bukod sa Ma Mon Luk may lumang luma na Jollibee sa may Ronquillo yung first Franchise nila tapos meron din sa avenida yung Jollibee Universal at Galaxy sa tapat ng Philippine Rabbit na malapit sa Ruben Cinema hehehe bukas pa kaya ang mga yun.
Bakit ka gagawa ng masama sa kapwa kung pwede ka namang gumawa ng mabuti.

zaraki kenpachi

  • self improvement is masturbation...self destruction is the answer
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1371
  • Karma 14
  • Gender: Male
  • pagmulat ng mata...langit nakatawa...
Re: naalala nyo pa ba?
« Reply #24 on: August 07, 2006, 04:04:27 pm »
wow! walang nakaka alala sa agila???

at sa libreng laruan na alphabot sa colgate?
 
my country is the world and my religion is to do good