Tagal na ng thread na to pero makisingit na rin...
Hindi na man masama palagi mag-reformat ng disk. Para ka rin lang nag read/write sa harddisk nyan. Gawin mo na lang "quick format" instead ng "full format". Yung "quick format" kasi hindi na ginagalaw yung ibang portions ng disk mo (yung 'partition table' lang mino-modify ng program) compared to "full format" kung saan nilalagyan ng "zero" lahat ng sector ng hdd mo. Eto dati ginagawa ko. 5 to 7 times a year ako mag-format ng harddisk
(programmer kasi ako, kelangan 'clean' yung system to check for "dependency" problems tsaka test ng installer sa ginagawa kung programs).
Ngayon, iba yung approach ko. Naka-dual boot yung system ko (actually "triple-boot": dalawang Windows XP Pro tsaka isang Linux partition). Ginawa ko, nag-install ako ng Windows XP sa dalawang partition (separate partition). Sa isang partition nag-install ako ng Acronis Disk Director (pwede rin Norton Ghost) tapos gumawa ako ng image ng kabilang Windows installation. Every time gusto kung mag-"reformat", ginagawa ko lang is nire-restore ko yung image ng partition. Less than 5 minutes, parang new installation na ulit ang kabilang Windows.
No need to reformat. Restore lang yung image. Dun ako sa kabilang partition nagi-install ng games/programs, yung isang Windows partition hindi ko ginagalaw.