Espiya

Global Espiya - Regional Forums => International Forums => Middle East Forum => : TigerClaw October 07, 2013, 06:12:02 AM

: Clark International Airport
: TigerClaw October 07, 2013, 06:12:02 AM
Mga kaibigang nasa Dubai or kahit yung mga andito sa Saudi...ano pong masasabi niyo sa Clark International Airport or Diosdado Macapagal International Airport...safe po ba ang mga bagahe paglapag dun...

Last Oct 1 kasi nag-start na ang biyahe ng Emirates Airline from Dubai to Clark...may naka-try na po ba sa inyo?

Plano ko kasing magpa-schedule (booking) sa Emirates eh...from Dammam-Dubai-Clark (vise versa) sana....

May nakapagsabi kasi sa'kin na kinakalkal ng mga porters ang mga bagahe ng pasahero at minsan sinisira pa...
: Re: Clark International Airport
: madcarabao October 07, 2013, 08:53:41 AM
Safe naman yan. qatar air and emirates nandun na. Meron pa din atang airasia.. I think clark will have a big future.. Re: bagages, hindi mo masasabi. Kahit sa manila meron ganyang kwento. Depende lng yan sa aviation sec ng airport. Cguro as a precautionary measure, gamitnka nalang ng bag na nde madaling islash..
: Re: Clark International Airport
: TigerClaw October 07, 2013, 09:03:01 AM
May napanood akong video sa youtube pero hindi sa Pinas nangyari...binubukasan ang mga bagahe at ibinabato ng mga walanghiya...

And in NAIA...isang beses na uwi ko...binutas yung kahon na bagahe nadale yung mga baseball cap na gift ko sana sa mga kaibigan...

Buti na lang yung mga importanting gamit nakabalot sa bed sheet....
: Re: Clark International Airport
: madcarabao October 07, 2013, 09:07:03 AM
Mostly kasi naririnig kong kwento. Hindi ko nman nilalahat pero nanggaling sa some contractors. Ito yung mga nakikita niyong tao sa plane side na pwedeng ground handler. Since maliit lng kinikita nila, hindi naiiwasan makapagisip ng hindi maganda..
: Re: Clark International Airport
: Trigger Davao October 13, 2013, 02:52:39 AM
pwede ko rin magamit itong routa na ito kasi meron narin clark - davao. sa aking bagahe gamit ko yung hard case na luggage. kaso nga lang dapat mong punuin para hindi maalog at hindi mabiyak. marami kasi akong naririnig na kwento na nabibiyak daw hard case. sa aking caterpillar na hardcase yung luggage ko, yung isa nman ay samsonite. iwas laslas narin yan
: Re: Clark International Airport
: MiKeDaCuTe October 13, 2013, 07:05:29 AM
dapat sana kung galing middle east wag na nila higpitan lalo na kung galing saudi. di ka naman makakalabas ng saudi kung may kabalastugan kang ginawa...

: Re: Clark International Airport
: TigerClaw October 13, 2013, 07:09:07 AM
dapat sana kung galing middle east wag na nila higpitan lalo na kung galing saudi. di ka naman makakalabas ng saudi kung may kabalastugan kang ginawa...

Sa pagkakaalam ko kaibigan at base na rin sa experience ko...di naman nila hinigpitan mga galing middle east pag vacation lang...pero pag pabalik ka ng middle east...dun sila mahigpit... ;)