palagay ko pare hindi ka niloko ng computer technician na sinasabi mo, kasi tinulungan nya kayo para makahanap ng mga parts and peripherals sa manila, kung iko-compare mo talaga ang price sa batangas sa manila or sa greenhills eh talaga namang malaki ang diprensya. kung kasama naman ang mama mo nung binili nila ang mga parts para makabuo ng isang pc eh siguro naman hindi sya makakapagpatubo doon.
computer technician din ako eh, kaya nabalitaan ko din yang na imbestigador na pc quarters, that was year 2002 to 2003, nasa pagitan nun. talagang pag nagbenta ang pc quarters na yan noon, kung ikukumpara mo sa ibang pc store sa greenhills, eh bagsak presyo sila, kasi nga may ginagawang anomalya. madalas luma or refurbished ang binebenta nilang mga parts ng pc at pinalalabas nila na bago ito. siguro dahil sa nagka canvass ang technician at ang mama mo, doon sila napabili. so pare-pareho kayong nabiktima ng pc quarters, including the technician.
about naman sa dalawang CD Drive na sinasabi mong pinapabili ng papa mo sa quotation, nung panahon na yon wala pang DVD Writer. nakita ko ang DVD Writer dito sa Pilipinas year 2004 na, ayon sa kwento mo, nasa pagitan ng 2002 at 2003 kayo bumili ng pc. ang mali lang ng technician dapat isang DVD Combo na ang binili nya para nakatipid kayo (DVD-Combo, isang drive lang yun na pwede kang mag read ng DVD at the same time pwede ka mag burn ng CD's at VCD's).
ang tanging serbisyo na ginawa sa inyo ng technician ayon sa kwento mo at sa pagkakaintindi ko, ay nag assemble ng cpu, nag install ng pirated software, at nag configure, kaya yun lang ang binayaran nyo sa kanya. so ang warranty ng pc ninyo eh sa pc quarters na, labas na talaga technician dun!
kung lolokohin kayo nung technician eh sya na dapat ang nagbigay ng quotation sa inyo ng isang pc tapos mag isa syang bibili ng parts, kasi nga pwede sya mag mark up pag mag isa sya di ba?
and last but not the least, sabi mo pag nakakasalubong mo sya di ka nya pinapansin, siguro di ka na masyado tanda kasi nga ang tagal na nung ginawaan ka nya ng pc at hindi lang kayo ang customer nya, dahil madalas nangyayari din sa akin yan.
kawawa din naman ang tao e... tinulungan na nga kayo sya pa lumalabas na masama.
peace man... opinyon ko lang kasi nga technician din ako at kung sakaling mabasa nya ang posted thread mo na ito eh alam kong sasama din ang loob nya sa yo.