Wala naman scientifically proven reason kung bakit hindi pwede mag-shower immediately after workout. Most professionals would suggest that because it is the fastest way to cool down. So since cool down ang goal, it is usually better to do it immediately after workout.
Ang ubo at sipon ay dala ng virus at hindi nakukuha sa paliligo. Well, unless na lang may dumura o humatsing dun sa tubig na ginamit mong pampaligo or dun sa twalya mong pinambanlaw. Ang hindi alam ng karamihan e at any one time, may tsansang may flu/cold virus kang dala-dala sa katawan mo at either immune ka dito or unti-unti pa lang sila dumarami kaya hindi ka pa humahatsing or umuubo.
Ice baths are becoming popular among pro-athlethes at marami sa kanila ang nagsasabing effective 'to, pero ngayon pa lang ito sumisikat at wala pang extensive studies sa effectiveness nito. In fact, even experts recommending this couldn't agree kung paano nagw-work, pero may dalawang general ideas.
Yung isa, may harmful toxins na nap-produce ang katawan during exercise at pababagalin ng ice bath ang daloy ng dugo sa katawan. Pagkatapos ng ice bath (ung iba nags-suggest pa ng hot shower after an ice bath), biglang papasok ang fresh dugo para ma-flush out ung toxins.
Yung isa naman, parang katulad ng compression clothes daw ang effect. Kapag nag-e-exercise kasi, hindi nakikita ng mata, pero at a cellular level, na-banat-banat na ung muscles natin. Paglusong sa ice bath, nagk-contract ang mga muscles, mas nagiging tight, kaya mas mabilis maka-recover. Or para mas madali imagine-in, isipin mong pumutok ung magkabilang kilay mo. Yung isa tinahi, yung kabila pinabayaang nakabuka. Mas mabilis gagaling ung tinahi kasi ung kabila laging nababanat.