rejoinder lang ito sa topic last time, ngayong may nangyayaring kaguluhan sa sa isang parte ng mindanao, pinalalayas na nila ang mga tao doon dahil sa MOA tungkol sa ancestral domain na pipirmahan ng executives nitong si gloria arroyo, ano ang gagawin ng militar ngayong si esperon pa ang hinirang bilang isa sa negotiator sa peace process, bakit ngayon sa mga balita itinaboy na ng MI's ang mga inosenteng residente doon sinisimulan na nilang mang-braso dahil ba sa hindi armado itong mga residente, ano naman ang mangyayari kung mga armado naman ang paalisin ng mga MI's gulong malaki yan, kung sa punto ni sen gordon ng papuntang federalismo ang isang magiging daan na ito para magkaroon ng bangsamoro gov't or BJE (bangsamoro juridical entity) kung totoo ang sinasabi ni gov. pinol parungkol sa binaggit ni esperon sa kanya na na "hindi ka namin tutulungan kung magkagulo dyan ayaw naming masawi ang mga sundalo namin" tapos sasabihin mong let the military do their job, sinasabi ko na malaking gulo yan may TRO o wala delikado ang pinaggagawa ng ating pamahalaan lalo na nat di nila kinundulta ang mga involve na regions na mapapasama sa BJE ng MOA nila. nakapanood siguro kayo ng POSO video sa youtube naaalala niyo yung mga bata doon at inosente lalaban at lalaban ang mga iyan lalo na at lugar nila ang mapupunta sa BJE, nawa'y wag mangyari ang mga ito...