Eto ang personal observation ko sa situation na to. Una hindi talaga gusto ng SAF ang reward dyan sa terrorist na yan. Kasi kung ma huli man yan o ma KIA, hindi naman ang reward maibigay sa mga member ng PNP/AFP na kasama sa Operation. Siguro ang plan ng ng Gov't is gaya ng Operation ng Navy Seals sa pag huli kay Osama. Kaso ang mali nila, na underestimate nila ang mga kalaban kaya ganun ang nangyari, plus wala din air support. Hindi gaya nun sa US na pag plan nila eh may F16 sila na backup kung sakali mo retaliate ang Pakistan Airforce.
Hindi rin ako maniniwala na di alam ni Roxas yan. Unang tanong, ano nga ba talaga ang ginagawa ni Mar sa Maguindanao? I think ang ginagawa nya is to confirm kung sakali naging ok ang resulta ng mission. Sya ang mag sabi sa pangulo ng ganito. Tipong pang election na kasi yan ni Mar.
Kung napansin nyo na marami nga ang member ng SAF kasi naka station yan sila sa iba't ibang place, parang blocking force kung sakali. Kaya di sila lahat naka sali dun sa actual na putukan. Ang iba din di na din maka re-enforce kasi baka ma misencounter na nila kasama nila.
Di rin ako naniniwala na akala ng MILF na BIFF ang kalaban nila kasi parang wala pa akong narinig na nagka encounter ang MILF o anuman mga breakaway group ng mga forces dyan sa Maguindanao, Sulu, o Zamboanga. At kung di nga nila intentionally na ganun ang mangyari eh OVERKILL naman ang ginawa nila.
Kung justice lang hintayin ng mga Government Forces dyan, eh kalimutan na lang nila, kasi HINDING, HINDI magkaron ng justice sa mga ganyan. Isipin nyo, kung may justice na ba talaga sa Masacre din sa maguindanao. Yan lang ang opinyon ko.
Naawa ako sa mga nag sacrifice dito. Kung matalino ang nag plan nito, hindi to ganito ang ending. Kaso mali talaga.