Based sa personal experience ko when minsan pumunta kami ng wife ko, nung gf-bf days pa namin, ay ok naman ang sevice nila, medyo nakakatuwa pa ung mga wig nung mga empleyado nila, parang cosplay ang mga datingan. Maayos sila kausap, aksyon agad. Naalala ko pa yun eh, medyo malakas ang ulan nun, kakatapos lang namin magsimba, we decided to try nga dun kasi affordable siya.. Ang style ng kwarto nila para talagang nasa loob ka ng spaceship. May cabletv sila, nakakatawa nga lang kasi pagbukas mo, porno channel agad... ewan ko baka ung nahuling gumamit siguro bago kami.
Tip lang po, kung natatakot kayo sa mga hidden cameras ng motel, dala lang kayo ng lighter, ung pinakaapoy, itapat ninyo sa salamin, padaanin ninyo lang, kapag nawala ang reflection sa salamin, takpan ninyo po... posible na nasa likod nun ay lente ng cctv or kung ano man, madalas ung mga ganyan sa mga motel sa sta. mesa. ung mga affordable dun po. Good luck sa mga susubok sa astrotel.
Yung tip na po na yun ay galing sa isang roomboy na nakakwentuhan lang namin ng wife ko dati sa Prince Hotel sa may sta. mesa.