boss bat mo nasabi yan? enlighten us boss gardov.
eh kasi PTC site sya di ba...
tapos ang profit nila ay nakukuha lang sa mga advertisers. Kapag narealize ng advertisers na walang bumibili or kumukuha ng service nila tapos nagbabayad sila sa site na to, titiwalag sila.
kase alam naman nating lahat na ang mga nagjo join lang sa PTC sites ay walang pakialam sa mga products/services. karaniwan naka minimize lang yung window ng ad tapos naghihintay lang na matapos yung 15/30 seconds na alloted time ng advertiser.
unsustainable. ang kumikita lang yung may ari ng website sa pamamagitan ng registration fees.
yun lang ang sa aking opinyon. unless, kakaibang website tong ad-for, pero sa nakita ko parang katulad din ng mga ibang PTC sites.
sign up na lang kayo sa mga surveys. sa isang survey na website, sa six months naka 100 dollars ako. maliit pero ginagawa ko lang naman kapag nagchecheck ako ng email.