kasabwat ang tsuper panigurado.
hindi naman siguro. hindi na lang umimik yan para huwag na lumala ang sitwasyon. kasi kung kasabwat yung tsuper and lagi nila gagawin yun, eh magiging markado yung driver sa mga pulis.
lumihis ng kaunti sa topic - dagdag ko lng, mga insidenteng ganito, mas lumalabas ang kainaman ng concealed carry na pinapatupad sa mga ibang estado ng amerika. taliwas kasi sa pinapakita sa media dito sa atin, mga responsible gun owners ay bibihirang masangkot sa mga karahasan at kung anu-ano pa. kung ipapatupad ang mas "aggresive" concealed carry dito sa pinas mas malaki ang posibilidad na isa sa mga pasahero sa mga jeep ay may dalang legal na baril, mas magdadalawang-isip ang mga kawatan na gumawa ng ganyan. ang media kasi dito sa pinas ay iniisip at pinapalabas na mga licensed gun owners din ang sangkot sa mga nangyayaring krimen, which is very unlikely. ang dapat na tugisin at ipitin ay mga nagdadala ng ilegal na armas, hindi mga responsible gun owners. more responsible gun owners = more force to react against crime and violence = lesser incidence of crime. ngayon pag nabaril ng licensed gun owner ang isang kriminal habang ito ay nagsasagawa ng isang krimen, eh di dumaan sa proceso ang licensed gun owner para ipakita na hindi siya nagmalabis sa kanyang mga ginawa at ito ay pagtatanggol lng sa kanyang buhay, etc. ang tingin dapat ng media sa ganitong pangyayari ay isang matagumpay na pagpigil sa isang krimen dapat. mas mabuti pa na masugatan ang kriminal, or kahit mapatay pa, kaysa naman mga walang kamalay-malay na biktima niya ang masugatan or mamatay.
as i always say, better to have a gun and not need it, than need a gun and not have it.