Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Muling Pagbangon  (Read 1512 times)

sapik75

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 19
  • Karma 0
  • Gender: Male
Muling Pagbangon
« on: June 12, 2009, 10:33:49 am »
Sa aking pansamantalang pagkariwara
Sa mundong sarili kong katha
Sana sa pagbabalik, galak at tuwa
Sa akin ay maging sagala

Sa dilim ng aking kinalagyan
Mga impit kong dalangin
Sa Kanya ko ipinarating
Mga usal kong adhikain
Sa Kanya ko na ipinalilim.

Ningas ko man ay panandaliang nanamlay
Munting baga ay nanatiling buhay
At sa aking pagnilay-nilay
Pag-aalabin muli apoy na aking taglay
Bagong Pag-asa aking pinapanday.

Sana akda kong ito ay hindi ang huli
Datapwat naisin mang manatili
May mga bagay na di pwedeng Itali
At ang tangi ko lang masasabi
Salamat sa lahat na sa tabi
ko ay nanatili...

simpleng_espiya

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 362
  • Karma 0
Re: Muling Pagbangon
« Reply #1 on: June 12, 2009, 11:35:47 am »
nice para sa yo tol


 finger4u


it's not how many times you fall down..it's about how you get back up  toast::

manyakihiro

  • I Am a Night Creature ......... I crawl at night.
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1143
  • Karma 0
  • Not Intrested w/ d Status Quo, I'll Overthrow it..
Re: Muling Pagbangon
« Reply #2 on: June 13, 2009, 03:10:07 am »
Galing mo "FRancisco". ;D
 finger4u

sapik75

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 19
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Muling Pagbangon
« Reply #3 on: June 13, 2009, 09:08:06 am »
Salamat mga bagong kaibigan..

at di man kagandahan ay inyong naibigan...

Sana sa mga susunod kong akda

kayo ay palaging masumpungan.




manyakihiro

  • I Am a Night Creature ......... I crawl at night.
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1143
  • Karma 0
  • Not Intrested w/ d Status Quo, I'll Overthrow it..
Re: Muling Pagbangon
« Reply #4 on: June 21, 2009, 08:38:31 pm »
Salamat mga bagong kaibigan..
at di man kagandahan ay inyong naibigan...
Sana sa mga susunod kong akda
kayo ay palaging masumpungan.

Huwag magpaumanhin kung di kinakailangan...
Ang iyong susunod na katha, aking paka-aabangan.
Magpatuloy ka kapatid,
Ang pluma ng paglikha ay iyong padaluyin....

 toast::