Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Sa Likod ng Iyong Ngiti  (Read 1586 times)

namster

  • Living under the ESPIYA blood in my veins....
  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3942
  • Karma 365
  • Gender: Male
  • Espiya Loyalista Forevah!!
Sa Likod ng Iyong Ngiti
« on: May 18, 2009, 08:46:50 pm »
Sa Likod ng Iyong Ngiti


Sabi nila, masayahin ka,
sabi nila, palangiti ka
pero alam ba nila?
ang katotohanan sa likod ng ngiti?

isang puso ang nagdurugo,
puso na balot ng sakit
lubog sa luha, nagdaramdam
naghihinakit

pero lahat ay di nakikita
sa likod ng iyong ngiti

pero sa akin,
di mo ito maitatago
dahil sa bawat patak ng luha mo
tanging balikat ko ang karamay mo
sabi mo noon, sana ay nagkakilala na tayo
para ang pag-ibig mo ay ako

pero di lahat ng bagay ay aayon..
lalo pa ngayon...
ako ay isang ama, isang asawa
na tanging hangad ay mabigyan ligaya
di lang sarili kungdi pamilya

wag ka na lumuha,
kahit di natin nabigyan ng buhay
ang pag-ibig na nais mo, narito pa rin ako
pero bilang isang KAIBIGAN MO..
[/font][/color][/i]

---Vincent Bernard aka namster---
Let the real blood of an espiya live once again in my veins...

Kik0y_Dakila

  • Malibog man daw at Magaling.. Nakakaraos din..
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 875
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • 8s nt d size tht counts.8s d performans tht counts
Re: Sa Likod ng Iyong Ngiti
« Reply #1 on: May 18, 2009, 09:47:53 pm »
galing pre salamat...na inspired ako..

spungus

  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 338
  • Karma 5
Re: Sa Likod ng Iyong Ngiti
« Reply #2 on: May 19, 2009, 01:27:46 am »
ang galing mo pala pare! hehehe...
hindi ko akalaing mahilig ka pala magsulat ng mga ganyan. toast::

ang ganda!