Author Topic: OVERSEAS FILIPINO WORKER  (Read 1564 times)

asanti

OVERSEAS FILIPINO WORKER
« on: February 27, 2009, 03:13:34 am »
Hindi mayaman ang OFW
We have this notion na pag OFW o nasa abroad ay mayaman na!  Hindi totoo yan!
A regular OFW might earn from P50K – P300K per month, depende sa lokasyon.
Yung mga taga Saudi or US siguro mas malaki ang sweldo, but to say that they’re rich is a fallacy.
Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-aboad. 
Maraming bibig ang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Pinas.
Madalas, ¾ o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

 
Mahirap maging OFW
Kailangan magtipid hangga’t kaya.  Oo, masarap ang mga pagkain sa abroad pero madalas paksiw at adobo at itlog lang tinitira para makaipon.  Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng dollar o rial o euro! Mas okay na magtiis konti kaysa gutumin ang pamilya.  Kapag umuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming Kamag-anak ang sumusundo sa airport o nahihintay sa probinsya.  Alam mo naman pag pinoy, yung tsismis! Pag OFW ka eh surely attracts a lot of kin.
Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na.  Well, hindi naman lahat pero I’m sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. 
Magtatrabaho ka sa bansang iba, iba rin ang tingin sa mga pinoy.
Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces.  Sige lang, Tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya pag umuwi.
   
Tumatanda rin ang OFW
Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na.  Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis.  Yet, they continue to work thinking about the family they left behind.  Marami ang nasa abroad, 20 – 30 years na, pero wala pa ring ipon.  Kahit anong pakahirap, sablay pa rin.  Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit.  Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT KUYA EDDIE”!.
 
Bayani ang OFW
Toto yan!  Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay.  Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion, Bayani in the truest sense of the word.  Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio.  Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay.  Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na’t kupal ang mga kasama sa trabaho.  Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Pinas dahil sa takot na mawalan ng sweldo.
 
Matatag ang OFW
Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo.  Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter attacks.  Tatagal ba ang OFW?  Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailang magbabago ang Pinas.   
Kailan nga kaya?  O may tsansa pa ba?   
Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw.  Nakikita mo mga anak mong lumalaki at  naaalagaan ng maayos.  Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka.  Masarap manood ng pelikulang pinoy, luma man o bago.  Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo.  Iba pa rin sa Pinas, iba pa rin kapag pinoy ang kasama mo (except ‘pag kupal at utak-talangka), iba pa rin pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo.  Iba pa rin ang tunog ng “Mahal kita!” “Day, ginahigugma tika!”  “Mingaw na ko nimo ba, kalagot!”  Inday, diin ka na subong haw?  Gahaman guid ko simo ba.”  Iba pa rin talaga. 
 
Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa. . . . .
**

GOD GIVE US TWO EARS, TWO EYES, and ONE MOUTH so that we may look and listen twice but talk only once

presario

Re: OVERSEAS FILIPINO WORKER
« Reply #1 on: February 27, 2009, 05:04:27 am »
ur post touched and moved me......

  im an OFW here in canada....  minsan may discrimination tlga lalo n ang mga kapwa asians... pero mas masakit pag kapwa pinoy mo pa ang nagpapahirap ng work mo or pag cla pa ang nag susumbong sa bisor....  isa pang mahirap pakisamahan dito ung mga pinoy n dito pinanganak.... muka lang pinoy pero ugaling puti rin...... 

  isa pang nakakaasar is ung pag nanonood k ng news tapos makikita mo lang ung mga govt officials puro non sense ang pinag gagagawa.......

  regarding sa pasalubong... ok lang kahit pasalubungan lahat ng relatives...... may dollar store nmn dito eh!

  sa mga govt people.... sana wag nyo nmn waldasin ang dollar reserve ng pinas......!!!!!  gusto n naming umuwi lahat kaya kung pwede ayusin nyo nmn ang pamamahala!

ugat

Re: OVERSEAS FILIPINO WORKER
« Reply #2 on: February 27, 2009, 05:55:28 am »
asanti dahil jan ito para sa iyo pinagaan mo ang mga damdamin naming mga OFW aka bangong bayani daw Pweh!

one word is enough to say OFW mean Sacrifice!

        Sacrifice for Family at all cost
 finger4u
Proud owner of PS3, Xbox360, PsP , PS2 Samsung 32" HD LCDtv
GAMES finished: DMC1, DMC3, Prince of Perisa 1,2,3 God of War 1 &2  Resistance Fall of Man, Heavenly Sword, Ninja Gaiden Sigma (Ps3) Def Jam Fight for NY, Gears of War, NBA Street V8
accepting friends

PSN ID: piNoyspyUgaT
XboxLive

brucewayne

Re: OVERSEAS FILIPINO WORKER
« Reply #3 on: February 27, 2009, 09:50:18 am »
nabasa ko na to sa nagpadala sa akin ng email. salamat sa pagpost mo.  finger4u

QuadCore

Re: OVERSEAS FILIPINO WORKER
« Reply #4 on: February 27, 2009, 10:11:35 am »
nabasa ko na to sa nagpadala sa akin ng email. salamat sa pagpost mo.  finger4u
nabasa ko na rin ito sa inbox ko.

2 Witness 3

Re: OVERSEAS FILIPINO WORKER
« Reply #5 on: February 27, 2009, 01:18:37 pm »
ur post touched and moved me......

  im an OFW here in canada....  minsan may discrimination tlga lalo n ang mga kapwa asians... pero mas masakit pag kapwa pinoy mo pa ang nagpapahirap ng work mo or pag cla pa ang nag susumbong sa bisor....  isa pang mahirap pakisamahan dito ung mga pinoy n dito pinanganak.... muka lang pinoy pero ugaling puti rin...... 

  isa pang nakakaasar is ung pag nanonood k ng news tapos makikita mo lang ung mga govt officials puro non sense ang pinag gagagawa.......

  regarding sa pasalubong... ok lang kahit pasalubungan lahat ng relatives...... may dollar store nmn dito eh!

  sa mga govt people.... sana wag nyo nmn waldasin ang dollar reserve ng pinas......!!!!!  gusto n naming umuwi lahat kaya kung pwede ayusin nyo nmn ang pamamahala!
mas ma sakit nga bro kung kapwa mo pa ang aapi sa iyo. pero di naman lahat. kaya nga ako inupakan ko kaagad isang taon na pakisama mo tapos apihin ka pa. smoking::

asanti

Re: OVERSEAS FILIPINO WORKER
« Reply #6 on: February 28, 2009, 01:13:11 am »
i am an OFW also but now here in phil... sa africa ako .... 5 years ... kaya malapit sa puso ko lahat na pinoy na nagpahirap sa labas ang pinas ......... six in the family kami ang apat nasa labas hanga ngayon iba't- iba lugar ang nagpadala ay sister ko sa ireland

Talagang mahirap mag OFW
**

GOD GIVE US TWO EARS, TWO EYES, and ONE MOUTH so that we may look and listen twice but talk only once

brucewayne

Re: OVERSEAS FILIPINO WORKER
« Reply #7 on: February 28, 2009, 04:04:23 am »
i am an OFW also but now here in phil... sa africa ako .... 5 years ... kaya malapit sa puso ko lahat na pinoy na nagpahirap sa labas ang pinas ......... six in the family kami ang apat nasa labas hanga ngayon iba't- iba lugar ang nagpadala ay sister ko sa ireland

Talagang mahirap mag OFW
baka kilala ko yan. taga Tallaght ba?

asanti

Re: OVERSEAS FILIPINO WORKER
« Reply #8 on: March 01, 2009, 01:32:26 am »
baka kilala ko yan. taga Tallaght ba?


st john connoly hospital, dublin

nurse siya doon
**

GOD GIVE US TWO EARS, TWO EYES, and ONE MOUTH so that we may look and listen twice but talk only once

Kcatral

Re: OVERSEAS FILIPINO WORKER
« Reply #9 on: March 10, 2009, 06:48:47 pm »
we are a rich country pretending to be poor kaya marami sa atin ang lumalabas sa bansang ito para kumita nga malaki well what do you expect kung ang kikitain natin sa isang buwan ay pwede pala nating kitain sa ibang bansa just for a and also being paid double by the overtime and being paid in holidays kahit mahirap alang-ala a sarili ko basta maka-ahon sa kahirapan 

gonzbaste

Re: OVERSEAS FILIPINO WORKER
« Reply #10 on: March 13, 2009, 12:15:48 am »
this article of yours really hit the spot sir..... i am a seaman and every time i'm going out of the country tears are just constantly dropping out of me. if it's not really for the money i might be staying here and i can have all the benefits and luxury of seeing my kids run, play, grow right before my eyes. i was supposed to be writing an article regarding my experiences and heartaches of seeing and hearing my colleagues on board on how they have missed 20 years of their kids lives, how they ended up being a stranger from their own sons, even a simple accompanying their son to the doctor for circumcision which all the fathers do have been failed because they are sailing the waves out there. and the promise of tomorrow that they'll soon have a better life and then dad would start up a business and then dad will stay here and be a father.............. but apparently because of our economy, and the problem of our country, dad will think of going on board again to help their kids get that future, be a stranger again soon. accept the fact that there's another second, minutes days, months and years which will be slashed from their kids memories that they should have been together and happy. imagine how our government is taking away the lives of every OFW.

asanti

Re: OVERSEAS FILIPINO WORKER
« Reply #11 on: March 13, 2009, 03:07:08 am »
let me tell you about a story of my fellow OFW working in africa ... U.N.

he was assign in russia for 6 years and during that stint he never went home , only his wife visit him in russia... while visiting there the wife got pregnant and went home where she bore a son..


when the son was about 4 -5 years old my friend went home.... upon arriving in the on thier house, the son open the  door look at my friend and shouted to his mom " mama, may tao sa pinto" .... it brought tears to my friend's eyes and he told the boy gently " i am your father "

that's OFW life for you
**

GOD GIVE US TWO EARS, TWO EYES, and ONE MOUTH so that we may look and listen twice but talk only once