@zero
hindi ako atheist mis-interpreted kase ang bible
kung titignan mo nagpagaling si Jesus sa mga hindi naniniwala at naniniwala sa kanya. Hindi ba nakapagtataka ang daming nyang ginamot pero pinapako pa rin sya
Check, not an Aetheist. Believer? O may ibang belief?
About dun sa pagpasok ng explanation mo kay Jesus, di ko maintindihan san papunta yang sinabi mo sir? Parang na OT ata.
kung sasabihin ng pari, pastor, ministro, or Faith Healer kaya hindi ka gumagaling dahil hindi ka niniwala kalokohan yun.
psychological effect lang yun.
Mahirap kasi magsalita sa ganyang usapin at i-generalize lahat na iisang case lang yan ng psychological effect ng mind over matter. Kasi personally ako naniniwala na hindi lahat ng tao na pumila para pagalingin ay umaasa agad na gagaling sila right after, yung mga iba pa nga siguro nabigla pa. Mahirap pa dun pag nag generalize tayo na, Ah wala psychological effect lang yan" para narin natin sinabi na sinungaling na agad yung kabilang kampo. Kung pwede nga lang sana ma test ang lahat ng mga taong magpapa heal during the process. Maari din kasi may ibang factor kung bakit may gumagaling o hindi gumagaling. Other than the mind over matter theory...
Yung mga ibang Christiano napapansin ko din, iwas pusoy sa faith healing at nagpapaka sceptical.
Yung mga iba naman nag stick sa tradisyonal at naniniwala parin.
It's either uto-uto ang labas mo o you lack in faith...
Kung iisipin ko, conditioning of the mind lang pala kailangan para pagalingin ng tao ang sariling katawan in some certain ailments? Gaano kaya ka totoo to?