Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Kirei na Hana (Pretty Flower)  (Read 1809 times)

Pierro7

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 4340
  • Karma 59
  • Gender: Male
Kirei na Hana (Pretty Flower)
« on: February 13, 2009, 06:57:46 am »
para sa babaeng tinitibok ng aking puso

Oo nga...ako'y nahihimbing pa rin,
Sa panaginip na di malimutan.
Sa gitna ng kalaliman ng gabi,
Nais makita ang ngiti sa labi.

Sa pagmulat ika'y hindi makita.
Kaya't pinikit muli aking mata.
At kaya sa umaga...sa umaga,
Sarili'y nakita sayo'y masaya.

Gusto kitang isayaw kasama ng mga bulaklak.
Kasabay ang hangin, iwagayway iyong mga pakpak.
Sa ilalim ng magandang araw, liwanag ng buwan,
Hanggang sa lilim ng makikinang na mga bituin.

Ang puso ko'y parang mababasag...mababasag,
Dahil sa bilis ng pintig at sa lakas ng kabog.
Ito ang damdaming sa aki'y bumabagabag.
Sabihin mo sa akin na ito nga'y pag-ibig.

Hindi ko na rin kayang ngumiti ngayon,
Dahil sa king pangungulilang tuluyan.
Ako'y nakatingin lamang sa bintana,
Iniisip sana'y nasa mabuti ka.

Ngayon ako'y naglalakbay.
Munting sisidlan ang tangay.
Ika'y hanapin...aking pasyang tunay
Hanggang mga binti'y nais bumigay.

Tulad ng mga magagandang bulaklak
Namumukadkad sa ilalim ng araw
Gaya rin ng isang hardin ng bulaklak
Iyong nakakasama sa bawat galaw.

Pupunta ako sa isang burol tangay ang sisidlan.
Magagandang bulaklak ang doo'y aking isasapin.
Nandito ako...nandito ako...dito'y 'yong puntahan.
Ako ay maghihintay dito upang iyong gisingin.

At sabay tayong...

Sumayaw at magsaya kasama ng mga bulaklak.
Kasabay ang hangin, iwagayway ating mga pakpak.
Sa ilalim ng araw, ng buwan, ng mga bituin,
Ako'y laging nasa piling mo kahit kailan pa man.
A person becomes strong by accepting their fears.

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Re: Kirei na Hana (Pretty Flower)
« Reply #1 on: February 13, 2009, 09:14:16 pm »
very nice hiyutsuke.... punong-puno ng damdamin ang iyong mga tula. mabuhay ka isang dakilang makata!  finger4u

Pierro7

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 4340
  • Karma 59
  • Gender: Male
Re: Kirei na Hana (Pretty Flower)
« Reply #2 on: February 14, 2009, 05:49:18 am »
salamat po...finger-in ko rin kayo... finger4u
A person becomes strong by accepting their fears.

IWM

  • Meet the real Mother F'r
  • MILF Negotiators
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6606
  • Karma 138
  • Gender: Male
  • Hide your moms...
Re: Kirei na Hana (Pretty Flower)
« Reply #3 on: February 14, 2009, 07:05:41 am »
Napakagaling pre...habang binabasa ko, parang ineexpect ko na may mababasa akong "Repeat Chorus until fade" hehehe :D

Parang kanta kasi ang mga tula mo bro. Not that it's a bad thing, ang galing nga eh. Keep on posting.
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

Pierro7

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 4340
  • Karma 59
  • Gender: Male
Re: Kirei na Hana (Pretty Flower)
« Reply #4 on: February 15, 2009, 01:28:45 am »
Napakagaling pre...habang binabasa ko, parang ineexpect ko na may mababasa akong "Repeat Chorus until fade" hehehe :D

Parang kanta kasi ang mga tula mo bro. Not that it's a bad thing, ang galing nga eh. Keep on posting.
pasensya na sir... music::
nadadala kasi ako sa emosyon ng kanta habang gumagawa ako kaya nagiging ganyan yung gawa ko...ehehe...
A person becomes strong by accepting their fears.