halaw sa totoong pangyayari sa buhay ni
deosh_pilyo isang larawang kuha mula sa parke dito sa korea
… banayad na pagkagat ng dilim ang unti-unting lumamon sa pusong puno ng lumbay…
at sa dagling pag-ikot ng kamay ng orasan ay binalot ng makapal na hamog ang isang payapang hatinggabi…
mula doo’y aking hinimay ang pagal na diwa… tinanong ang sarili kung hanggang saan ang kayang lakbayin ng aking pag-iisa… hanggang dumating
KA.
matagal na kitang kinalimutan… bagama’t mula pa noong pagkabata ay
minahal na kita… binigyan mo ng maliligayang kulay ang aking kabataan… subalit naagaw ka ng iba.
akala ko’y naging maligaya ka… akala ko’y napuno ng rosas ang iyong buhay sa natagpuan mong bagong pag-ibig…
mula noong lumisan ka at iniwang tigib ng luha ang aking mga mata… noong ang aba kong puso’y nasadlak sa dalamhati ng iyong pagkawala… itinago ko ito… at hindi mo nabanaagan…
sapagkat ayaw kong ako’y iyong kaawaan… ang hiling ko’y ako’y iyong mahalin.
Kahapon… nagtagpong muli ang ating landas… hindi maiwasang ungkatin ang mga nakaraang naging lubid na nagdugtong sa ating mga puso… noong ating kabataan… sinabi mo sa aking hindi naging matagumpay ang iyong naging pag-ibig… ang pag-ibig na naging sanhi ng aking pagkabigo.
Tinanong mo ako… kung bakit bigla akong nawala at tumigil sa pagsuyo sa iyong naghihintay na pagmamahal… nagulat ako’t nagtaka sa iyong naging tanong… at sinagot ito ng isa ring katanungan…
“minahal mo ba ako noon?â€ÂÂÂAt sa bahagyang siwang ng pinto ng iyong puso’y dumaloy ang mga kimkim na damdamin ng pagsuyo… doo’y nabatid ko na sa
simula pa’y minahal mo na ako… na
wala kang ibang minahal kundi ako… hinihintay mo lang ang katagang mamumutawi sa aking bibig…
subalit ako’y huminto sa maraming maling “akala†at di na muling nagpakita pa… Ako pala ang nagkulang…
natakot… sa sariling multong ako rin ang may kagagawan. Napipi ang aking mga dila at ‘di nabigyang katuparang mailabas ang aking tunay na damdamin para sa iyo.. noon. Sapagkat sa aking sariling interpretasyon ng iyong mga kilos ay naramdaman kong wala akong hinihintay na pag-asa… sa aking tapat na pagsuyo… noon.
Sinisi mo ako sa mga nangyari… sa pagiging
manhid ko… sa
katorpehan ko… sa maraming
negatibong “akala†na itinanim ko sa aking puso… sa
kawalan ko ng lakas ng loob… sa
katangahan ko! Sinisi rin kita sa
pagtatago ng damdamin mo sa akin…
Maraming sisihan ang nangyari… maraming
“SANA†ang pinanghinayangan …ngunit sa bandang huli’y batid natin… na
pareho pa nating mahal ang isa’t isa.Ngayon… humiling ka ng
karampot na pagmamahal mula sa akin… at ibinigay ko kahit alam kong
mali… kahit alam kong
bawal… subalit ang pagmamahal na ibinibigay ko sa iyo’y nagiging sanhi lamang ng lalong matinding pasakit… para sa iyo… at para sa akin. At habang nag-uumpisa pa lang tayo ay
lalagutin ko nang muli ang lubid… upang wala nang marami pang masaktan. Makakatagpo ka rin ng tapat na pag-ibig… kagaya nang natagpuan ko.
Basta asahan mong andito pa rin ako para sa iyo… bilang tapat na kaibigan…Sapagkat kailanman ay hindi na ako magiging sa ‘yo… sa kadahilanang may nagmamay-ari na ng aking puso… ang TUNAY KONG MINAMAHAL… SIYA… ang INA ng aking mga ANAK.“PAALAM HAMOG NG PAG-IBIG!†deosh_pilyo1:10PM
12 Pebrero, 2009
Seoul, South Korea