Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: TULASERYE ni deosh_pilyo (Sa Aming Muling Pagkikita - Ikalawang Yugto)  (Read 1164 times)

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Sa Aming Muling Pagkikita (Kaibigan Kong Langgam – Ikalawang Yugto)
-orihinal na akda ni deosh_pilyo-


Naglaho’t nawaglit sa magulong isipan
Ang isang pangakong aking binitawan
Kung hagip nitong diwa lahat ng nagdaan
Siguro’y tanda mo pa ang “Kaibigan Kong LANGGAM”

Sa loob ng sandaling tagal na di pagkikita
Ako ay nagulat at lubhang nagtaka
Binusisi ng titig, kinusot ang mata
Saka ko nabanaag “Si kumpareng Langgam pala”!

Habang papalapit sa tabi ng punso
Kung saan si pareko’y doon nakatayo
Suot kanyang “Oakley” at polong “Giordano”
Pormang-porma pa lang, ala-“Joaquin Burdado”!

Dibdib ko’y napuno ng tuwa at inggit
Habang winiwika nya ang kanyang sinapit
“Pare ako’y sinwerte sa aking paghimig,
Sapagkat aming Reyna sa akin ay umibig!”


“Ngayon ako’y hari kung kanilang turing
Walang tumututol sa aking pasaring
Utos ko ay batas, anumang aking hiling
Kailangang masunod, kailangang tupadin!”


“Sa tingin mo kaya’y masaya yaring buhay?
Sa aking kasikata’t materyal na bagay?
Pagpapalang hiniling at sa aki’y binigay,
Bakit parang kulang pa rin, tila parang walang saysay?”


Kaya muli ako’y sa kanya may ibinulong,
“Sa mundong ibabaw, wala mang angking dunong
Kapag tunay na pag-big ang sa puso ay siyang baon,
Tiyak ang luwalhati at ligaya ang siyang kanlong.”


Bagama’t hanap ko pa ang pag-ibig na wagas
Hindi ako maiinip, hinding-hindi na tatakas
Ayaw kung sa Pag-ibig sumubok at mangahas
At ayaw ko rin naming abutan ng taglagas.

 smoking:: ;D smoking::