I couldn't really say it is a form of a harassment. Kasi nga everybody knows the connection of the Militants and the NPA. Even you believe in it. It was a rebellion case, they were accused of being part of the rebellion. And leaders sila ng mga militant groups. Imposible wala sila alam. Kaya lang naman kasi sinabi na harassment yun, pinalabas ng batasan 5 na fabricated lang daw ang mga evidences. Eh yung ebidensya nga laban sa kanila nasa youtube pa. Malinaw naman yung video ni Joma na dineclare niya na part ng NPA ang Bayan Muna etc.
About dun sa pork barrel, ok lang kung magagamit talaga sa mabuti. Pero siyempre may priorities din ang ibang agencies ng government at kung kukunin lang pang pork barrel ang pera, nadedelay ang mga priorities minsan na cacancel pa. In some way nakakasama parin. Pero siyempre takot din ang ibang tao na magtiwala sa military dahil nga sa mga corrupt officials.. Eh di naman natin pwede wag na bigyan ng pera ang mga yun dahil lamang sa fear ng corruption.
About dun sa National ID system, kung natatakot talaga kayo na ma wiretap or ma Espiya ng gobyerno. Let me remind na hindi na kailangan ng government ang national ID system para gawin yun. Wala pa nga national ID system si Gloria na wiretap haha. If your going to wiretap someone siguro ang data nalang na kakailanganin mo is isang phonebook na may telephone number mo at address. Nasa gobyerno na ang karamihan ng mga vital information na kailangan nito para hanapin ka. Now I don't know kung electronic na ID na swipe swipe ang gagamitin sa national ID system. Pero wala talaga logical na explanation para matakot sa national ID system. Masyado lang talaga siguro nakapanood ng spy movies ang mga pinoy. Ala enemy of the state. Kung gugustuhin ng gobyerno na mag spy. Di na kailangan ng National ID system kung pang espiya lang ang purpose. Mahirap kasi dito nahihinder ang growth at improvements over fears na wala naman gaanong basehan at puro speculations lang. Sayang yung idea.
Pinalabas and it was proven in a court of law na fabricated lang. Wala na sila sa jail di ba? Ang paggamit ng kapangyarihan ng gobyerno upang magpakulong ng tao kahit na wala siyang matibay na ebidensya laban dito ay paglabag sa kanyang karapatang pantao. Ito ang hindi sinang ayunan ni Chiz.
If it were true, the government, sa dami ng resources nito, ay naipakulong na talaga sila. Harassment kasi it was meant to inconvenience them, coming from the term harass. Alam naman ng government na walang pupuntahan ang kaso, just so makapangharass ng Batasan 5, they still filed these trumped up charges.
Again, I'm not an NPA sympathizer, ang point ko lang is there's no connection between Chiz and the CPP-NPA cause, yun kasi yung dating nung earlier post mo bro, na parang meron CPP-NPA agenda si Chiz. If you're willing to say na walang ties dun si Chiz, then wala pala tayong issue.
----------------------
Regarding the pork barrel issue, may common ground naman pala tayo, "di naman natin pwede wag na bigyan ng pera ang mga yun dahil lamang sa fear ng corruption." I hate pork, para sa kin isang paraan din ito ng pagkurakot ng pera ng bayan. Subalit ang sa akin lang, wag natin lalahatin ang mga mambabatas na gumagamit ng pork barrel. Mayroon din naman na sa maayos napupunta ang pork. Ang kagandahan din nito, mas napapabilis ang pagbigay ng tulong sa mga key sectors di tulad ng kung dadaan pa siya sa national bureaucracy sa regular agencies.
Kung ang paggamit ng pork barrel ang pamantayan ng kung sino ang pwede maging pangulo ng Pilipinas, eh di si Lacson na lang ba ang qualified para sa yo? Siya lang kasi ang nag waive ng pork barrel niya among the senators...
----------------------
Dun naman sa National ID system, ang problema ng nakararami dito ay ang paglabag nito sa right to privacy natin. Hindi naman dahil sa ayaw mo malaman ng gobyerno ang ginagawa mo ay "guilty" ka na.
Hindi rin siya as simple as getting a phone book and looking for a person's number. Ganito kasi ang argumento ng mga supporter ng National ID system, kung inosente ka naman, bat ka magtatago? Alam na naman ang impormasyon na yan, icecentralize lang. Para makatipid lang ang gobyerno... para mapabilis ang transactions!
It's more complicated than that.
Ganito kasi yan, kung walang national ID, ang mga transactions/ impormasyon natin ay nakakalat sa iba't-ibang ahensya ng government. Specialized naman sila kaya rare lang ang pangangailangan for information sharing. Kung may kailangan na may malaman na impormasyon, kinakailangan dumaan sa mga proper channels tulad ng hukuman para isubpoena ang records. Ang korte ang nagmamanage ng kapangyarihan ng executive (GMA) na mangkalkal ng pribadong impormasyon.
Kung may national ID, maisasama-sama ang mga impormasyon na ito sa iisang database at mawawala ang checks and balance na naibibigay ng judicial branch or mga korte. Bakit? Kasi nga executive na ang nagmamanage, malalaman niya na lahat in an instant. Maaring posible na nga ito ngayon, ngunit bakit naman natin padadaliin ang pagkalkal ng gobyerno sa buhay natin at aalisin pa ang proteksyon ng hukuman?
Ngayon kasi, kung makuha ang impormasyon through illegal means, hindi pwede gamitin laban sa yo. Tawag diyan invasion of privacy, di pwede na ebidensya sa korte yan. Ito ang dahilan kung bakit pag walang search warrant, hindi ka pwede kapkapan, or yung letter mo hindi pwede basahin at gawing ebidensya kung walang utos ng hukuman.
Bawat maliit na transaksyon sa gobyerno ay pipilit sa yo na mag apply para sa national ID. Magkakaroon na ng unregulated access ang executive (GMA) sa impormasyon ng mga tao.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga mambabatas ay di sang ayon dito.
Sinubukan na kasi na brasuhin ni FVR ang national ID system sa pamamagitan ng isang executive order through the DILG. Sabi ng korte, hindi pwede yun, dahil masyadong makapangyarihan ang information na makukuha sa pamamagitan nitong national ID system kaya sa pamamagitan ng isang batas (yung dumaan sa senate at house) lamang ito pwedeng gawin.
Ito po ang mga sinabi ng korte suprema sa kaso ng Ople vs. Torres...
"This system falls short of assuring that personal information which will be gathered about our people will only be processed for unequivocally specified purposes. The lack of proper safeguards in this regard of A.O. 308 may interfere with the individual’s liberty of abode and travel by enabling authorities to track down his movement; it may also enable unscrupulous persons to access confidential information and circumvent the right against self-incrimination; it may pave the way for “fishing expeditions†by government authorities and evade the right against unreasonable searches and seizures. The possibilities of abuse and misuse of the PRN, biometrics and computer technology are accentuated when we consider that the individual lacks control over what can be read or placed on his ID, much less verify the correctness of the data encoded.
They threaten the very abuses that the Bill of Rights seeks to prevent."
In short, sinabi ng korte na malalagay sa alanganin ang karapatang pantao natin kung maipapasa itong national ID system. Wag tayo makikinig sa press release ng gobyerno at alamin muna natin ang mga specifics nitong system na ito.
May 3 sangay ang government. Ang executive, legislative at judiciary.
Ang executive lang ang nagpipilit magkaroon nito. Ang legislative, ayaw ibigay sa executive ang ganitong kapangyarihan.
Nang hindi niya makuha sa pamamagitan ng batas, sinubukan ng executive na sa pamamagitan ng isang Administrative Order na lamang ito ipasa, sabi ng Supreme Court (judiciary), hindi pwede, bawal yan.
2 out of 3 branches ang nagsabi na may mga tamang rason upang iwasan natin itong national ID system. Paniniwalaan pa din ba natin ang salita ni Gloria na kumakatawan sa executive? "Hello, Garci?"