Author Topic: Let us Preserve our Heritage (Ipamana sa mga Anak natin)  (Read 1201 times)

neckromancer

Let us Preserve our Heritage (Ipamana sa mga Anak natin)
« on: January 19, 2009, 10:09:58 pm »
Malamang lahat tayo dito sa espiya at least above 18 na (dito na ako titigil at baka magalit pa) toast::. Naaalala niyo pa ba ang kultura ng Pilipinong bata? Noong mga panahong wala pa si Prince Arthas ng Warcraft, hindi pa naririnig ang salitang "headshot" o "comsat".

Madalas nakakatanggap tayo ng mga e-mail (o nakakabasa ng libro ni Bob Ong) na ang sentimyento ay ganito. Gusto ko naman sanang tayo naman ang mag-contribute. Pakipost po ang mga laro (pakibigay ang pinaka-common na rules na ginagamit ninyo kasama ang mga variation), mga bansag (mga katawagan, mga insulto, mga pakanta-kantang nakakatuwa kung ikaw ay nakikinig lang, nakakainis kung ikaw ang pinariringgan), mga kanta (at binaboy na kanta o commercial jingle) at mga "necessary skills" tulad ng tamang paglalaro ng trumpo, sipa, jackstone, atbp. Iyung mga jokes pakilagay na lang sa appropriate thread (Humor).

neckromancer

Re: Let us Preserve our Heritage (Ipamana sa mga Anak natin)
« Reply #1 on: January 22, 2009, 06:31:19 am »
Sisimulan ko sa isang awit.

Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
Hindi ko na nakita
Pumutok na pala

Sayang ang pera ko
Pambili ng lobo
Kung pagkain sana
Nabusog pa ako

iamprinz

Re: Let us Preserve our Heritage (Ipamana sa mga Anak natin)
« Reply #2 on: February 13, 2009, 04:16:05 am »
weee masaya to hehe..gusto ko dati yung PUTBOL (football)

parang baseball yung rules nya..

kaya lang walang baseball bat at paa ang ginagamit na pang strike sa bola ;D

dalawang team din ang magkalaban(hindi ko na maalala kung ilang player sa isang team)

yung mga base naman eh drawing lang sa lupa gamit ang bato o kaya chalk!

masaya to dahil madalas kame magkapikunan pag mei tinamaan ng bola sa muka hehe..


solmyr

Re: Let us Preserve our Heritage (Ipamana sa mga Anak natin)
« Reply #3 on: February 13, 2009, 04:20:52 am »
Haha! Nakakamiss maging bata. Anyway, here's my favortie games.

Langit Lupa, Taguan, Agawan base at Moro-moro!

neckromancer

Re: Let us Preserve our Heritage (Ipamana sa mga Anak natin)
« Reply #4 on: February 13, 2009, 04:42:07 am »
Haha! Nakakamiss maging bata. Anyway, here's my favortie games.

Langit Lupa, Taguan, Agawan base at Moro-moro!

Bago ko lang narinig ang Moro-moro ah. Ano ba ang rules nito?

madcarabao

Re: Let us Preserve our Heritage (Ipamana sa mga Anak natin)
« Reply #5 on: February 13, 2009, 04:47:51 am »
diba ang moro moro is yung nagkaisa lahat sa isang desisyon? :D

iamprinz

Re: Let us Preserve our Heritage (Ipamana sa mga Anak natin)
« Reply #6 on: February 13, 2009, 08:01:44 am »
parang habulan din yata yun..kaya lang pag na "tag" ng taya yung hinahabol nya,dalwa na silang taya..
hanggang maging isa na lang yung hinahabol..parang ganun yata,kaya lang hindi ako sure hehehe..

screamshot

Re: Let us Preserve our Heritage (Ipamana sa mga Anak natin)
« Reply #7 on: February 13, 2009, 08:06:32 am »
trumpo ayaw nyo??? kakamiss yun... lalo na pagpinapaikot sa kamay... :D
        

"knowledge comes from finding the answers..."

Zornhau

Re: Let us Preserve our Heritage (Ipamana sa mga Anak natin)
« Reply #8 on: February 15, 2009, 02:57:33 am »
Kung sa heritage lang din,

Arnis De Mano ang ipapamana ko sa anak ko. (Kung magkaroon man that is...)

Tuturuan ko sila gumamit ng itak, baston at kutsilyo at kung paano makipag wrestling ang mga pinoy dati, na kung tawagin noon ay Harimaw Buno or simply Dumog.