Author Topic: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?  (Read 9369 times)

Admiration

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #25 on: December 08, 2008, 07:26:33 pm »
for me its Dr.Jose Rizal....

wala si Andres Bonifacio kung wala si Dr.Rizal...
nainspire ni Rizal si Bonifacio nang mabasa nya ang mga nobela nito na Noli Me Tangere at El Filibusterismo...

panoorin nyo ang JOSE RIZAL the MOVIE yung si Cesar Montano ang bida..

malalaman nyo ang totoo..
If you are good at something don't make it for FREE

Why so serious?

GanabY

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #26 on: December 08, 2008, 08:02:33 pm »


ngayon mga kapatid, saan sa dalawa na ang pananaw sa atin ay hawig?
saan sa dalawang magigiting ang ating buhay ay pwedeng ihambing?
kung ako ang tatanungin? hmm...
si lapu-lapu ang dapat national hero...





okey na sana.. kaso biglang kabig kay lapu-lapu

naalala ko tuloy yun tuksuhan kung sino pumatay kay lapu-lapu.
ang sagot-- si kusinero.  isda pala pinag-uusapan.

Credit goes to the original owners of the  images herein posted.
======================================================


PLAY ARCADE GAMES @ http://pulot.net/arcade.php/

coated_pill

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #27 on: December 08, 2008, 11:43:51 pm »
Si Pepeng papel at lapis lamang ang hawak
Si Bonifaciong kagyat hawak ay tabak
Ang aking pananaw sa iyong katanungan
Ay aking lubos na pinagisipan

Talinong taglay ni Pepeng nasa piso
Isinulat ang tapang sa pamamagitan ng Libro
Mga isinulat na nagmulat sa Pilipino
Ay naging batayan ng bawat Rebolusyonaryo

Aking napagtanto bago magwakas
Makabagong aktibista sa dunong ang lakas
Kung wala ang Libro na kanilang binabasa
Saan ba ang batayan ng kanilang pag aalsa?

Para sa akin si Pepe ang pambansang bayani
Gawa yaring tapang ng kanyang pagmumuni
Inde lamang tabak ang nagpalaya sa Bayan nating mahal.
Kundi ang inspirasyon ng lapis at papel ni bayaning si Rizal!

deosh_pilyo

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #28 on: December 09, 2008, 09:57:18 pm »
Sumapit na’ng takdang oras na itupi yaring aklat
Nitong paksang balagtasan na sa akin ay nagbuhat
Kontribusyong inyong pili na dinaan sa panulat
Akin ngayong titipunin at isisiwalat

Alam kong hindi dito nagtatapos ang katwiran
Pagkat ito’y umpisa lang ng matinding balagtasan
Subalit ang panahon ay kaylangan ng magpaalam
Kaya ngayo’y sa puso ko ay akin ng huhusgahan

Sa bilang ng nagtanggol kay “KA ANDRES” na bayani
Masasabing siyang dapat na tumanggap ng papuri
Katipunang itinatag at ipinagpunyagi
Inisip ay Inang Bayan at hindi ang sarili

Hanggang sa huling hinga ng katipunerong sakdal tapang
Hindi niya alintana, kalipi man ang humarang
Katulad nya ay si Kristong ipinagkanulo ng kasamahan
Upang pikit na mga mata’y mamulat sa katotohanan

Minsan pang binuksan ko ang aklat ng kasaysayan
Hindi lang ng Pilipinas, kundi buong sandaigdigan
Doon ay nakuro kong mga bayaning tinuran
Ay yung humawak ng sandata at nagtanggol sa kanyang Bayan

Subalit di ko kayang ipangwalang-bahala
Ang ginawa ni “PEPE” na sa tingin ko ay dakila
Ginamit ay kanyang dunong at di talas ng sandata
Itinaya kanyang buhay upang tayo’y mapalaya

Basahin nyo sa ‘king tula ang sagot kong nilathala
Kung ito ma’y sadyang mali, huwag sanang ipangamba
Pagkat ito’y hindi buhat sa isip kong sadyang aba
Kundi sa mga katwirang kayo na rin ang humusga.

-para sa akin ay pareho silang dapat tawaging “PAMBANSANG BAYANI”

ANDRES BONIFACIO – 6
JOSE RIZAL – 5
PAREHO – 4
PACQUIAO – 1
LAPU-LAPU – 1
WILLIE REVILLAME – 1
BAYANI/PACQUIAO – 1

vaynard

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #29 on: December 09, 2008, 10:14:53 pm »
Ang aking palagay ay si Andres dapat
ang ilagay sa ituktok ng pagkamatapat
Sapagkat kung ating susuriin ang salitang bayani
sa kanya itong perpektong maihahambing.

Ating balikan kung sino ang nagsabi
na si Pepe dapat ang maging bayani.
Ito ay ang mga amerikano na sa atin ay sumalisi
at mga mestizo na naging tuta ng manunupil.

Si Pepe ay isinisigaw ang kapayapaan
si Andres naman ay kalayaan ng bayan
kaya sino ang papanigan
ng mga nakaluklok sa pamahalaan?

Maaring maraming sasalungat sa akin
ngunit ito ay akin lamang saloobin
si Andres dapat ang ating Pambansang Bayani
tulad ng sabi ng aking butihing guro sa History.



zugstwit

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #30 on: December 10, 2008, 07:15:30 pm »
Sa mga ka-espiyang matatas managalog, ipagpaumanhin ang mga salitang nagnanasang maging magiliw, ngunit ito'y mula sa dilang Ilonggo, kaya't pagpapasensyahan na ninyo:

Mula't sapul nang magising ireng diwa
Bonifaciong Andres and nakikita
Sey nga ni Titser nagbulagbulagan ka ba
Itak na hawak di mo pa nakikilala?

Itakwil ang pagkagupiling, sey ni Ka Andres
'wag matakot sa putok, kasarinlan ay kay tamis
Ang duwag puntang bundok, di mami-miss
Andito ang sigalot sa lungsod, order ni Mrs.

Andiyan na yan at tatagal pa
Korapsyon sa gobierno karumaldumal ang mukha
Kailangan bagong bayani, inspirasyon ng mga bata
Tularan si Ka Andres, dangal ng ating bansa.
"It only hurts when I laugh."

deosh_pilyo

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #31 on: December 10, 2008, 08:14:05 pm »
sapagkat turing lamang ang pagka-lakandiwa
wala akong karapatang balagtasan ay isara
kaya ka-espiya't magiliw na mambabasa
aklat na nakatiklop, bubuksang muli ang pahina

hanggat mayroon pang sa inyo ay nananalig
sa bayaning pipiliin, itaas yaring bisig
baka nga sakaling boses natin ay marinig
bilis... kaibigan, ilagay na ang 'yong titik!

 ::investigate

X-Flip

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #32 on: January 01, 2009, 09:25:01 pm »
kung katapangan lang ang siyang basihan
si andres bonifacio ay ating papurihan
kung dunong at talino naman ang pag-usapan
si Gat. Jose Rizal ay di dapat pagdudahan


Violations: Flaming, flame baiting, disregard for forum moderation.

Van Gogh

Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« Reply #33 on: February 02, 2009, 08:54:16 am »
Kung ang yaring basehan,
ay ang pakikipaglaban para sa bayan.
si kaibigang andres ang madalas masugatan
pero kung ang titingnan naman
ay ang malawak na kagitingan
angkin yan ni gat. rizal, maging sa dayuhang bayan.

Kung ako ang tatanungin
walang dapat pagpilian
pareho silang naging daan
para sa tinatawag na kalayaan
kaya't ang hiling ko lamang
ay patas na pasasalamat
sa dalawang magiting na bayani
at sa kanilang naiwang alamat!
YOUR NOT HARDCORE
UNLESS YOU LIVE HARDCORE


POSERS DIE!