Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Huling Yugto ng Taglagas  (Read 1511 times)

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Huling Yugto ng Taglagas
« on: December 01, 2008, 10:10:35 pm »
Hayaan mo hirang na ako’y mag-isa
Sapagkat ang diwa ko ay sadyang balisa
Ang puso kong sadyang biyak sa hapdi at dusa
Tahimik kong ibubulong sa tabi ng lawa

Sa lamig na dulot ng huling taglagas
Hayaan mo hirang na dibdib ko’y maagnas
At pagdalaw ng nyebe... init ko man ay tumakas
Tandaan mo hirang… ako’y sa iyo hanggang bukas.

-deosh_pilyo
 ika-2 ng disyembre, 2008
 sa lawa ng Ilsan, So. Korea


Kabute

  • Proud member of K.K.K.E. Clan
  • Banned - Terms Violation
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3115
  • Karma 157
  • Pagkakaisa ng lahat ng magka-Brad
Re: Huling Yugto ng Taglagas
« Reply #1 on: December 02, 2008, 02:41:07 am »


honestly..sa poem ako naaantig hindi sa litrato..mahusay ka brader!  toast::