maraming salamat kay kapatid na leightot
ako'y magsisimula na ng hindi maudlot
akoy si kaespiyang tops sa bansang arabiya
lugar ng disyerto, at kamay lang ang pampaligaya!
ako'y nagaanyaya halikayo at magbalitaktakan
mga pangunahing usaping ukol sa ating kapaligiran
lalo na ang mga isyu tungol sa kasiyahan
na dito'y lubos na inaabangan
kahit matatanda'y akoy pinagpayuhan
pagiging mapalad sa bansang dadayuhan
literal na palad lamang ang paraan
internet man ay may nakaambang na harang
pagtingin sa kababaihan ay hindi pinapayagan
pag hindi'y todas ang iyong kinabukasan
uuwi ka ng luhaan at may kakulangan
sermon kay mrs ang iyong aabutan
ngunit kahit mapalad sa bansang malayo
kailangan magtiis kailangan kumayod
kung hindi makatiis sa tawag ng libido
tiyak ay putol o sira ang pamilya mo
kay daming kabayan na aking nakikita
mga hindi tunay na kabiyak ang kasama
upang maibsan ang pangungulila
kailangan maghanap ng iyong makakasama
legal, ilegal, sa kanilay balewala
basta maligaya ang araw na lumipas sa kanila
hindi na alintana ang kanya kanyang pamilya
kapalit ng sarap, pinagpalit ang lahat!
kaya sa mga kapatid kong mga kaespiya
wag mabulag sa pagibig sa laya
isipin natin ang ating mga prioridad
upang lahat tayo ay kapwa umunlad
busugin na lang ang ating mata
sa mga ibinabahaging litrato d2 sa espiya
kalyuhin man ang ating palad sa kakaisip
garantisadong iwas gulo at siyang matipid!