Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Paano ba mag-post dito  (Read 2271 times)

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Paano ba mag-post dito
« on: November 25, 2008, 09:35:33 pm »
Kamusta mga espiya
sa balagtasan kayo'y napunta
Tiyak iyong nakita
paano nga ba

Ito ba'y para sa mga Bulacan
na mahilig sa balagtasan
o lahat ng espiya
na gustong makibaka

Ang dila ay patalim
ang isip ay malalim
Huwag paloloko sa salita
ika'y magmumukhang kawawa

Tulong mga kaibigan
dito sa balagtasan
Paano ba sisimulan
Ang espiyang balagtasan




Lusok

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1448
  • Karma 27
  • Gender: Male
  • Wa ko mangahadlok ninyo mga CHICKEEENNNN!
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #1 on: November 25, 2008, 10:12:14 pm »
Ako man din ay nalilito
Parang masisira na ang aking ulo
pano nga ba dito simulan??
Upang sa gayoy ito'y ma umpisahan...

Baka ang forum na to ay lalangawin
at pagkatapos nitoy di nyo na babalikin
Maging si pareng idiot ay nagtataka
dapat natin syang tulungan mga espiya....

magreply at mangulit lang kayo ...
siguradong may magtuturo satin dito...
kung paano at para saan ang balagtasan
dito sa espiya ang number one!!!
Iring-Iring ta beh...Pakambrasa ko beh meowwww...

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #2 on: November 25, 2008, 11:00:59 pm »
Ang Panimula….
(Lakandiwa : deosh_pilyo)

AWIT o ang TULA

Wala mang angking dunong sa paghabi ng talata
Ay pinangahasan ko nang sa akin magsimula
Ano nga ba ang mainam na pang-amo ng dalaga,
Ito ba ay ang himig o ang tula ng makata?

Kaya’t ngayon ay bubuksan ang naudlot na balagtasan
Lahat ng ka-espiya’y malugod na inaanyayahan
Gawing punyal ang inyong isip, itarak ang nalalaman
Ang AWIT ba o ang TULA ang sa liyag ay mainam?

 ::investigate

IWM

  • Meet the real Mother F'r
  • MILF Negotiators
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6606
  • Karma 138
  • Gender: Male
  • Hide your moms...
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #3 on: November 26, 2008, 12:05:34 am »
Sir SG, pwede ba english dito?
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

Van Gogh

  • MENTALLY DISORDERED
  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1533
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • ROCK ON
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #4 on: November 26, 2008, 08:50:21 am »
walang pinag iba ang awit at tula
sa pag amo ng dalaga, alin man dito'y kikita
galing man ng himig, o tatas ng yong dila
ang uunawain parin ay ang laman ng balita

sa liriko at letra, walang itulak kabigin
ang laman ang basehan ng kanyang nanaisin
ipaliwanag sa mensahe, kung bakit ikay dapat ibigin
sa pagbigkas man ng tula, o sa saliw ng awitin..


(iwm di po yata pede tagalog.. balagtasan kasi eh)
YOUR NOT HARDCORE
UNLESS YOU LIVE HARDCORE


POSERS DIE!

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #5 on: November 27, 2008, 03:43:05 am »
sa unang siklab pa lang ng ating unang henyo
kanyang paliwanag ay mukhang pareho
tula man daw o ang awit na galing sa puso
anumang bagsik ng dalaga'y magiging isang santo

mga katoto kong dakilang makata
kay kaibigang van gogh ako'y napahanga
kaya't ang hiling ko sa ibang espiya
anupa't ilabas na ang tamis ng nyong dila

 ::investigate

IWM

  • Meet the real Mother F'r
  • MILF Negotiators
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6606
  • Karma 138
  • Gender: Male
  • Hide your moms...
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #6 on: November 27, 2008, 03:45:21 am »
OT: pareng deosh, post ka rin ng mga originals mo dito gaya ng pinopost mo dun sa pad ;D

ang sarap kasing basahin
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #7 on: November 29, 2008, 04:26:03 pm »
Awit o tula sa dalagang kay ganda
Ito'y walang kaso sa banat ng isang macho
Sinsiridad ng aking tono, taas baba't kanyang noo
Pagka't nasamit ko, ang kanyang matamis na oo
Kaya't deos_pilyo basta't ikaw ay nagsepilyo
Awit man o tula, tyak! kuha mo ang tropeyo! :D :D

IWM

  • Meet the real Mother F'r
  • MILF Negotiators
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6606
  • Karma 138
  • Gender: Male
  • Hide your moms...
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #8 on: November 29, 2008, 04:51:19 pm »
Dalagang marikit ang aking nakita,
Tulungan nyokong alamin kung sino sya.
Gumawa ng tula tungkol dito,
Mga kaibigan, pindot kayo dito:

http://espiya.net/forum/index.php/topic,85694.0.html
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #9 on: December 01, 2008, 06:30:06 pm »
ako ay natulala sa aking nabasa
ito palang si leightot ay matinik na makata
kapag siya ang ninais ng marilag na dalaga
walang luhang papatak sa malamlam na mga mata

kung kayo'y may ibig pang idagdag na katwiran
ngayon na ang panahong ilatag ang nalalaman
ka-espiya... sa susunod na bisita ko sa tahanan
akin ng isasara ang paksa ng balagtasan

 ::investigate

chavit

  • rai gad la....
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 563
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • kulaos makaret, kulaos maanyag
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #10 on: December 04, 2008, 01:25:07 am »
ke gaganda ng aking mga nabasa,
galing sa mga kaibigang ka-espiya;
napakagaling na ideya,
upang mapanatili ating pagiging makata.

kung ating tatantuhin,
himig at tula ay pareha mandin;
ang mahalagay intensyong malinis,
upang dalagang ninanais maki-isang bigkis.

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #11 on: December 04, 2008, 03:26:40 am »
noon akala ko'y ang kaibigang si chavit
ay sa pulitika lang magaling na humirit
subalit ng tantuin ko ang laman ng isip
surmaryosep, sa tula nya'y pati ako'y napa-ibig!

ngayo'y alam ko na kung ano ang syang nais
ng nagtampong dilag sa binatang makisig
maging tula pala o ang awit, kapag kanyang narinig
susuko siya't maglalambing, mawawala kanyang galit.

pansamantala lamang na aking isasara
paksa nitong balagtasan na sa aki'y nag-umpisa
kapangyarihang ibinigay bilang isang lakandiwa
ang hatol ko'y kapwa ubra, ang awit at ang tula.

abangan ang susunod na yugto ng balagtasan sa villa espiya...

 toast::

Paprika

  • Melodramatic Fool
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6079
  • Karma 16
  • Gender: Male
  • Boy Haiku
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #12 on: December 17, 2008, 12:15:37 am »
ano tong aking napuntahan
puro kalokohan
akala ko puro chick
puro pala titik
walang kwenta
makalipat nga sa FEMA
tatawa ako ha?
hahahahaha
I know a word that starts with F and ends in UCK. Firetruck.


leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: Paano ba mag-post dito
« Reply #13 on: December 28, 2008, 12:25:16 am »
ano tong aking napuntahan
puro kalokohan
akala ko puro chick
puro pala titik
walang kwenta
makalipat nga sa FEMA
tatawa ako ha?
hahahahaha

hoy paprika lagi ka na lang fema
pindot ka ng pindot baka ikaw ay matuyot
wala kang patawad, rapidshare iyoy hinarurot
kaya ka ba laging nakatawa,
nakapanood ka nanaman ng bomba ;D

pagod sa iyong mukha aki'y nakikita
dala ng kalbaryo ng ikay mangubeta
hirap sa gitna ng dilim ay iyong tiniis
palad mo'y may kalyo sa malubhang pag kiskis ;D