kani sa Showbiz Central sinabi may namboso kay Regine sa isang mall.
upskirt daw ang ginawa habang na sa escalator si Regine.
at akad naman to nahuli nang mga security guard sa nasabing mall.
pinabura nalang ni regine ung photo at agad ni release nang mga pulis yung suspect.
yung suspect kaya ay isang ESPIYA?
this news is not true..
here's the true storie..
October 12, 2008 06:48 PM Sunday Article read 3,449 time(s)
Regine, biktima ng ‘maniac’ sa mall!
By: Gerry Ocampo
HOT SHOTS
ISANG kaibigan ang tumawag sa amin para ibalita ang nakitang pambabastos ng isang maniac kay Regine Tolentino sa isang mall.
Nagsa-shopping daw si Regine sa Glorietta, Makati City, kasama ang mother niya nang biglang sumulpot ang isang lalaki’t kinunan ng video ang dibdib ng TV host gamit ang cellphone camera.
Buti na lang at may guwardiyang malapit sa kanila, kaya sinugod nito ang lalaki at dinala sa istasyon ng pulis para imbestigahan at sampahan ng kasong malicious mischief.
Pinatotohanan ni Regine ang nasabing insidente sa Unang Hirit at nagpasalamat sa mga guwardiyang tumulong sa kanya.
Sa susunod daw na mag-shopping siya, mag-iingat na para ’di maulit ang insidente.
http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2008-10-12&sec=3&aid=75496