Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Cedula  (Read 8256 times)

nykhouston2003

  • Citizen
  • Posts: 4
  • Karma 0
Cedula
« on: January 27, 2009, 08:09:46 am »
I was wondering ..since i got a cedula nung dec 17 of 2008, i was wondering how long is it valid for? can i still that cedula for 2009 transaction or do i have to get another one na ?

Paprika

  • Melodramatic Fool
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6079
  • Karma 16
  • Gender: Male
  • Boy Haiku
Re: Cedula
« Reply #1 on: January 27, 2009, 08:12:56 am »
One year validity po yata yan. Correct me if I'm wrong.
I know a word that starts with F and ends in UCK. Firetruck.


screamshot

  • bootyiologist
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3596
  • Karma 21
  • Gender: Male
Re: Cedula
« Reply #2 on: January 27, 2009, 08:14:49 am »
One year validity po yata yan. Correct me if I'm wrong.

i agree....anung klaseng cedula ba kunuha mo ??? last kong kuha, pang estudyante pa ehh... 5 pesos lang..  ;D
        

"knowledge comes from finding the answers..."

critchfield99

  • tulong-tulong parasa kauswagan...
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1277
  • Karma 1
Re: Cedula
« Reply #3 on: January 27, 2009, 08:57:42 am »
kuha ka na nag bago....

simpleng_espiya

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 362
  • Karma 0
Re: Cedula
« Reply #4 on: January 27, 2009, 08:59:44 am »
1 year po alam kong validity ng cedula

Asiong Salonga

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 696
  • Karma 5
Re: Cedula
« Reply #5 on: January 27, 2009, 09:15:58 am »
wala na yan 2009 na ngayon.. pang-iwang mo na lang yan hahaha

2d2f

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 18
  • Karma 0
Re: Cedula
« Reply #6 on: January 27, 2009, 10:07:15 am »
base sa kakaunting nalalaman ko, ang bisa ng sedula ay hanggang sa matapos ang kabuuan ng taon kung kailan mo ito kinuha. dahil ang binayaran mong buwis ay para sa taon lang na nabanggit. kung kumuha ka ng 2008, kahit anong buwan pa, hanggang Disyembre 31, 2008 lang ang bisa nito. pagpasok ng 2009, dapat kumuha na naman ng bago.
pero may ilang pagkakataon na puwede nang tanggapin iyan, depende sa paggagamitan o sa hihingin ng ka-transaksiyon mo na mas malamang kaysa hindi ay gobyerno.
himayin natin.
kapag ipapakita mo ang sedula para lang patunayan na nasa legal na edad ka na (18-anyos) kaya hindi ka na sakop ng bagansiya (tulad ng curfew sa barangay) o maaari ka nang uminom sa mga gimikan, tatanggapin iyan kahit noong isang taon pa.
kung gagamitin mo sa pangungulekta ng pondong pampubliko (pondo ng barangay halimbawa), sa pagharap sa notaryo-publiko, panunumpa bilang halal (elected) o itinalagang (appointed) opisyal ng pamahalaan, hihingan ka ng pinakabagong (latest) sedula. pinakabago, ibig sabihin ay sedula na kinuha mo sa taon na sasaklaw sa panahon ng iyong transaksiyon. halimbawa, kukunin mo sa munisipyo/lungsod ang pondo ng barangay ninyo sa buwan ng pebrero 2009, hahanapin ang sedula mo para sa taong 2009 upang maging klaro lang at masuportahan ang ilang bagay-bagay.
kailangan ang pinakabago dahil bukod sa taon-taon dapat nagbabayad ng buwis, sa panahong nagdaan mula sa pagkuha mo ng sedula hanggang sa gamitin mo ito sa transaksiyong legal ay maaari kang nalipat ng tirahan, nabago ang iyong estado-sibil (nagpalit ng apeliyido dahil nag-asawa, nabiyudo/nabiyuda o naging single ulit), nabago ang nasyunalidad, o nag-iba ng hanapbuhay o pinagkakakitaan.
kahit minsan ay nakakalusot o sa bibihirang pagkakataon ay tatanggapin na ang hawak mong sedula na marso o disyembre 2008 mo pa kinuha, mas sigurado na iyong nakahanda ang bago mo.
kung gagamitin mo ang sedula bilang karagdagang dokumento (identificaction) sa aplikasyon mo ng pagkuha ng business permit mula sa inyong munisipalidad/siyudad, hahanapan ka talaga ng pinakabago. ito ang mga transaksiyon na magsisilbing pangunahing pagkakakilanlan ng iyong pagkatao (primary identification) ang sedula.
at hanapan ka man ng latest (taong kasalukuyan), hindi magiging pabigat sa panig mo dahil hindi naman mahirap kumuha ng sedula.
alalahanin lang natin na kahit madali at puwedeng ma-peke ang isasaad na impormasyon sa residence certificate, may kaakibat na parusa kapag napatunayang sinadya mong palsipikahin ang mga ganitong pampublikong dokumento.
---ito ay ayon lang sa aking kaunting pagkakaintindi. kung kuwestiyonable o mali, sana maliwanagan din ako.

Paprika

  • Melodramatic Fool
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6079
  • Karma 16
  • Gender: Male
  • Boy Haiku
Re: Cedula
« Reply #7 on: January 27, 2009, 10:10:55 am »
Ayan ha kay haba-haba na ng salaysay ni 2d2f pati ako nahilo
I know a word that starts with F and ends in UCK. Firetruck.


bErtOldO

  • POLICE
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2344
  • Karma 12
  • Gender: Male
  • NO_To_PIRACY! YES_To_FILE_SHARING!
Re: Cedula
« Reply #8 on: January 27, 2009, 10:57:29 am »
Haba pre ah. Tamad ko magbasa. Hehe!

Renew ka na ng cedula kasi hinde na yan pwede sa 2009. Sayang sana January ka nalang nagkuha. :D

Don't forget, unemployed ang status para maliit ang babayaran. :p

Paprika

  • Melodramatic Fool
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6079
  • Karma 16
  • Gender: Male
  • Boy Haiku
Re: Cedula
« Reply #9 on: January 27, 2009, 10:59:49 am »
Pwede din student na lang.  ;D
I know a word that starts with F and ends in UCK. Firetruck.


Yuuko

  • SpyGirl
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 644
  • Karma 0
  • Gender: Female
  • Bloody Mary, Bloody Mary appear before me
Re: Cedula
« Reply #10 on: January 28, 2009, 06:20:30 am »
Sigurado ako na 1 yr validity. Pumunta kasi ako, bago lang, sa city hall. sept 08 pa yung cedula ko pero tingangap nila.

dirty sanchez

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1335
  • Karma 8
  • Gender: Male
Re: Cedula
« Reply #11 on: January 28, 2009, 06:23:06 am »
I was wondering ..since i got a cedula nung dec 17 of 2008, i was wondering how long is it valid for? can i still that cedula for 2009 transaction or do i have to get another one na ?

kukuha ka ng bago. maganda diyan every January kumuha ka. That's the 1st thing I do after New Years hehe.

Asiong Salonga

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 696
  • Karma 5
Re: Cedula
« Reply #12 on: January 28, 2009, 07:42:20 am »
base sa kakaunting nalalaman ko, ang bisa ng sedula ay hanggang sa matapos ang kabuuan ng taon kung kailan mo ito kinuha. dahil ang binayaran mong buwis ay para sa taon lang na nabanggit. kung kumuha ka ng 2008, kahit anong buwan pa, hanggang Disyembre 31, 2008 lang ang bisa nito. pagpasok ng 2009, dapat kumuha na naman ng bago.
pero may ilang pagkakataon na puwede nang tanggapin iyan, depende sa paggagamitan o sa hihingin ng ka-transaksiyon mo na mas malamang kaysa hindi ay gobyerno.
himayin natin.
kapag ipapakita mo ang sedula para lang patunayan na nasa legal na edad ka na (18-anyos) kaya hindi ka na sakop ng bagansiya (tulad ng curfew sa barangay) o maaari ka nang uminom sa mga gimikan, tatanggapin iyan kahit noong isang taon pa.
kung gagamitin mo sa pangungulekta ng pondong pampubliko (pondo ng barangay halimbawa), sa pagharap sa notaryo-publiko, panunumpa bilang halal (elected) o itinalagang (appointed) opisyal ng pamahalaan, hihingan ka ng pinakabagong (latest) sedula. pinakabago, ibig sabihin ay sedula na kinuha mo sa taon na sasaklaw sa panahon ng iyong transaksiyon. halimbawa, kukunin mo sa munisipyo/lungsod ang pondo ng barangay ninyo sa buwan ng pebrero 2009, hahanapin ang sedula mo para sa taong 2009 upang maging klaro lang at masuportahan ang ilang bagay-bagay.
kailangan ang pinakabago dahil bukod sa taon-taon dapat nagbabayad ng buwis, sa panahong nagdaan mula sa pagkuha mo ng sedula hanggang sa gamitin mo ito sa transaksiyong legal ay maaari kang nalipat ng tirahan, nabago ang iyong estado-sibil (nagpalit ng apeliyido dahil nag-asawa, nabiyudo/nabiyuda o naging single ulit), nabago ang nasyunalidad, o nag-iba ng hanapbuhay o pinagkakakitaan.
kahit minsan ay nakakalusot o sa bibihirang pagkakataon ay tatanggapin na ang hawak mong sedula na marso o disyembre 2008 mo pa kinuha, mas sigurado na iyong nakahanda ang bago mo.
kung gagamitin mo ang sedula bilang karagdagang dokumento (identificaction) sa aplikasyon mo ng pagkuha ng business permit mula sa inyong munisipalidad/siyudad, hahanapan ka talaga ng pinakabago. ito ang mga transaksiyon na magsisilbing pangunahing pagkakakilanlan ng iyong pagkatao (primary identification) ang sedula.
at hanapan ka man ng latest (taong kasalukuyan), hindi magiging pabigat sa panig mo dahil hindi naman mahirap kumuha ng sedula.
alalahanin lang natin na kahit madali at puwedeng ma-peke ang isasaad na impormasyon sa residence certificate, may kaakibat na parusa kapag napatunayang sinadya mong palsipikahin ang mga ganitong pampublikong dokumento.
---ito ay ayon lang sa aking kaunting pagkakaintindi. kung kuwestiyonable o mali, sana maliwanagan din ako.


ikaw na ang magaling ikaw na ang pwedeng mayor o presidente.. ang haba ng sinabi mo! walang kuwenta hahahahha

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Re: Cedula
« Reply #13 on: January 28, 2009, 09:35:32 pm »
@asiong

cool ka lang


@nykhouston2003

kung hindi naman importante huwag ka ng kumuha kase medyo latest naman yung cedula mo kase sabi mo december 2008 mo kinuha e ilan araw lang e 2009 na sayang naman yan

pero kung importante transcation mo gagamitin kumuha ka tulad ng sinabi ni 2d2f


coated_pill

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 2099
  • Karma 30
  • Die before you get killed.
    • Ultimate Software Source
Re: Cedula
« Reply #14 on: January 28, 2009, 10:04:34 pm »

ikaw na ang magaling ikaw na ang pwedeng mayor o presidente.. ang haba ng sinabi mo! walang kuwenta hahahahha
dhaeye nasaan ka ba.?? iba ka tlaga bumanat asiong.. hehehe.. cool lang!! ;D

2d2f

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 18
  • Karma 0
Re: Cedula
« Reply #15 on: January 29, 2009, 11:08:05 am »

alam mo ang ibig sabihin ng OT?
hahaha natawa naman ako dun! sa 200 na naisagot mo, as of this posting, eh parang may sustansiya kang nasabi. gusto mo isa-isahin ko? puro basyo! basyo, walang laman. tamang tama sa pangalan mo, basyong salongganisa. basyo, walang pakikinabangan.
ganito na lang. tumira ka muna ng may katuturan, tapos tsaka ka bumanat.  sumama tayo sa EB nila bukas, doon tayo mag-usap at magkakinlanlan. kung ayaw mo naman, sabihin mo lang kung kailan, saan at kung paano. daratikng ako. call?

Nosferatu

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 818
  • Karma 2
  • Gender: Male
Re: Cedula
« Reply #16 on: January 29, 2009, 03:56:50 pm »
Nahilo ako sa post ni 2d2f, parang pang public speaking ang banat ah!  finger4u

My advice sa thread starter mag renew ka nalang ng bagong cedula, hindi na kasi vaid yan for 2009. Tama si 2d2f kahit anong date mo pa pingawa yan ng 2008 valid lang yan hangang Dec. 31, 2008. So Kumuha ka nalang ng bagong cedula.

Kaka-renew ko lang kasi, ang ba-it ng ma-ma na gumawa ng cedula ko akalain nyo dapat ang Community Tax ko ay P. 120 ginawa nyang P.30.  ;D

sinnerman

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 577
  • Karma 1
  • i love the mac
    • My Flickr
Re: Cedula
« Reply #17 on: January 29, 2009, 04:12:35 pm »
alam mo ang ibig sabihin ng OT?
hahaha natawa naman ako dun! sa 200 na naisagot mo, as of this posting, eh parang may sustansiya kang nasabi. gusto mo isa-isahin ko? puro basyo! basyo, walang laman. tamang tama sa pangalan mo, basyong salongganisa. basyo, walang pakikinabangan.
ganito na lang. tumira ka muna ng may katuturan, tapos tsaka ka bumanat.  sumama tayo sa EB nila bukas, doon tayo mag-usap at magkakinlanlan. kung ayaw mo naman, sabihin mo lang kung kailan, saan at kung paano. daratikng ako. call?


relax... it's not worth it.

kahit saan, makaka meet ka ng mga taong iba't iba ang pag uugali. wala tayong karahasan dito.


cheers!
If you can't take the heat, get out of the kitchen!
          The kitchen is not a democracy...

Asiong Salonga

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 696
  • Karma 5
Re: Cedula
« Reply #18 on: January 29, 2009, 11:33:33 pm »
alam mo ang ibig sabihin ng OT?
hahaha natawa naman ako dun! sa 200 na naisagot mo, as of this posting, eh parang may sustansiya kang nasabi. gusto mo isa-isahin ko? puro basyo! basyo, walang laman. tamang tama sa pangalan mo, basyong salongganisa. basyo, walang pakikinabangan.
ganito na lang. tumira ka muna ng may katuturan, tapos tsaka ka bumanat.  sumama tayo sa EB nila bukas, doon tayo mag-usap at magkakinlanlan. kung ayaw mo naman, sabihin mo lang kung kailan, saan at kung paano. daratikng ako. call?


wow nakakatakot ka naman hahahahahaha

Asiong Salonga

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 696
  • Karma 5
Re: Cedula
« Reply #19 on: January 29, 2009, 11:36:10 pm »
ikaw na ang matapang ikaw na lahat pati gwapo ikaw na din hahahaha. wag ka lang magmaktol.. haba nanaman ng sinabi mo eh ;D

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Re: Cedula
« Reply #20 on: January 30, 2009, 10:35:22 pm »
mga mods paki moderate ang yopic ang may nag-aaway na rito