Ang maganda sa SOGO, professional sila. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa econorooms nila kasi hindi na ako makapasok at lagi daw puno. Pero mukhang may igaganda pa sana ang Premium rooms nila. Good, basic, kapag nagtitipid ka pero gusto mo pa rin ng quality. Super discreet. Ang sogo sa V. Mapa sa tabi ng SM maraming entrance! Although walang entrance directly from the SM building, pwede kang umikot sa likod (na kunyari papunta ka sa Gardenville condominium), pwede ring pumasok ka sa pasukan sa LRT station pero dumiretso ka sa direct entrance sa hotel (meron sa baba at meron sa itaas). Despite maraming nakakakilala sa akin sa area, since kabisado ko ang neighborhood, lagi akong walk-in.
Sa VC naman, ang napapansin ko sa mga branch nila puro naka-taxi ang pumapasok. So mukhang wala namang problema.
General rule of thumb: Doon ka sa lugar na maraming competing businesses. Ikaw ang magbebenefit.