saan kinuha?...nagtatrabaho kaba sa gobyerno o sa pribado, may kapatid ka ba, nanay, tatay, pinsan, kaibigan na OFW, may maliit ka bang negosyo, ikaw ba'y nagwawalis dyan sa kalye, naghahakot ng basura, ikaw ba'y isang sundalo, pulis, security guard IKAW BA'Y NAGBABAYAD NG IYONG BUWIS SA TAKDANG ORAS AT HALAGA...kung ang sueldo mo halimbawa ay 7,000 ang naiuuwi mo basa pamilya mo ay 7,000 kasi kung HINDI at ang sagot mo sa iba kong tanong ay OO... SA INYO GALING ANG MGA IBINIBIGAY NG MGA TAO SA PALASYO...
ito ang bagay sa mga taong yan:
MAGNANAKAW by: ASIN
Ayon sa kasulatan, ayon sa mga nakaraan
Ayon sa mga nangyayari noon at sa nangyayari ngayon
Tayong mga Pilipino raw ay may ugaling magnanakaw
Mula pa no'ng unang panahon hanggang sa kasalukuyan
Ito kaya'y totoo, ito kaya'y nangyayari
Ito kaya'y nangyayari noon, nangyayari din kaya ngayon
Ito kaya'y dahil na rin sa ating katamaran
Hindi tapat sa gawain at sa iba'y nakikinabang
Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang iyong ginagawa
Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha
Ginagamit ang galing sa hindi tamang gawa
CHORUS
Ang magnanakaw ay mapagsamantala
Magaling magkunwari, madaling makilala
Balat-kayong ginagamit kahit hindi sa pirata
Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya
May nagnanakaw ng oras, talino at pawis
Pati ang galing kung minsa'y ninanakaw rin
Ano kaya ang dapat gawin ngayong alam na natin
Dahil na rin ba sa katamaran, hahayaan na lang ba natin
Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang 'yong ginagawa
Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha
Magnanakaw ng oras, galing at pawis ng iba