Haranahin na natin yan.
Ako una kakanta.
Ronnie Liang
Bigla na lang natulala
Na para bang bata
kapag nakakakita
Ng nahuhulog na tala
Naganap ang lahat sa isang iglap.
Isang saglit, isang tingin.
Ba’t ngayon lang napansin?
O, anong ganda,
Ako ba’y umiibig na?
Kung pwede lang ‘di pumikit.
Sayang ang sandali.
At baka pa makapuslit
ang karangyaang umakit
O, pwede bang hilingin ka sa langit?
Isang saglit, isang tingin.
Ba’t ngayon lang napansin?
O anong ganda,
Ako ba’y umiibig na?
Mundo ko’y umilaw.
Biglang luminaw.
Pangarap pala’y ikaw.
Isang saglit, isang tingin.
Ba’t ngayon lang napansin?
O anong ganda,
Ako ba’y umiibig na?