Panalo si Pacquiao dito pag natuloy tong laban na to.
Pinapanood ko mga videos ni Valero sa YouTube.com ngayon. Ang style nya, parang Pacquiao din (nong hindi pa sya nag improve under Coach Freddie Roach). Malakas sumuntok, kaso pag bumitiw ng mga suntok parang bara-bara. Parang yong mga napapanood lang natin na suntukan sa Blow by Blow sa tv.
Kung ganyan pa rin ang style ni Valero pag kakalabanin nya si Pacquiao ngayon, di sya uubra kay Manny. Pero pag tinamaan naman si Manny ng mga haymaker punch nito ng sunod-sunod, maaring may kalagyan din to si Manny Pacquiao.
Gusto ko makita kalabanin ni Manny Pacquiao si Manny Poohcquiao. Bwahahaha... Nakakatawa yong tao na yon... di ko alam dati na bakla pala yong impersonator ni Manny na yon... hehehe... he's so funny!