Bubut na bubot pa kung edad ang pag-uusapan. Pero, hinug na hinog na, kung itsura at ganda ang pagbabasehan.Ganiyan ang deskripsiyon ng marami kay Empress Schuck, ang isa sa mga bida sa Super Inggo ng ABS-CBN. Si Empress ang gumaganap bilang Aba Abaniko.Anyway, kung makikita mo nga si Empress, iisipin mong dalaga na ito. Mahinhin na kung kumilos, bagama?t madalas pa ring bumungisngis.Malaking bulas sa edad niyang 13, at marunong na ring magdala ng damit at mag-ayos ng buhok at mukha.Sabi ni Empress, bagama?t bata pa siya, pero dahil puro dalaga na ang mga nakakasama niya, pakiramdam niya ay dalaga na rin siya, at hindi na bata."Marami na rin kasi akong na-experience sa buhay, eh. Like sa family, alam na alam ko kung ano ang takbo ng buhay namin. Sinasabi sa akin ng parents ko `yon. Marami na rin akong nalalaman tungkol sa buhay-buhay," sabi ni Empress.Karamihan sa mga bata na kaedad ni Empress, manika pa lang ang madalas na hawak-hawak. Pero si Empress, cellphone, alahas at boys na rin ang nasa isip niya.