Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Bawal magsabi ng totoo  (Read 1256 times)

Prince Barry

  • Prinsipe ng Korokan
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1536
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Prinsipe rin ng kalokohan!
Bawal magsabi ng totoo
« on: August 01, 2006, 08:35:55 am »
Pinagalitan si Ambassador Francis Al Bichara ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sinabi niya na kaya mabagal ang evacuation ng mga overseas Filipino workers (OFW) mula Lebanon dahil kinukulang sila ng pera.

Siyempre magagalit talaga ang DFA at Malaca?ang dahil sinabi ito ni Bichara, isang araw matapos magyabang si Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang State-of-the-Nation Address na "May pera na... may pera tayo".

Itong pamamayagpag ni Arroyo na "May pera tayo" ay kasama sa kanyang propaganda na magaling siyang pangulo kaya raw "may pera na tayo."

Kailangan rin ni Arroyo ibando na marami siyang pera na pamumudmod para hindi siya iwanan ng mga kongresista na boboto sa impeachment. Parang sinasabi sa kanila na "May pambayad ako sa inyo. Magkano ba ang gusto mo." Ganu?n rin ang mga local officials na siyang tumutulak ng Charter Change.

Nabuking sila ngayon ni Bichara na kailangang magsabi ng totoo dahil siya roon ang nag-oorganisa ng evacuation ng mga OFWs. Kailangan ang pagkain para sa mga Filipino workers na nasa evacuation center.

Kailangan din ni Bichara mag-hire ng mga bus na sasakyan ng mga OFW paalis sa Lebanon hanggang sa Syria. Harang daw ang presyo ng mga bus ngayon sa Lebanon ngunit wala namang magawa at ganu?n talaga sa panahon ng krisis.

Sa pagsabi ni Bichara na wala silang pera, ?di parang sampal ?yan kay Arroyo na katatapos lang magyabang na "may pera na tayo. Walang pinag-iba ?yun kay dating Department of Education (DepEd) acting secretary Fe Hidalgo na nagsabi na kulang ng sobra 6,000 classrooms sa pasukan samantalang pinagyayabang ni Arroyo na dahil magaling siya, nabigyan na niya ng solusyon ang kakulangan ng classrooms. ?Yun nga, siniksik niya ang 100 estudyante sa isang classroom.

Hindi yata alam ni Bichara na bawal magsabi ng totoo rito sa administrasyon ni Arroyo. Bagong ambassador si Bichara. Dati siyang gobernador ng Albay. Nasa partido siya ng Nationalist People?s Coalition ng negosyanteng si Eduardo "Danding" Cojuangco.

Humingi na raw ng paumanhin si Bichara sa DFA at sinabing nagkamali siya sa pagsabing walang perang panggastos sa mga OFW. Parang katulad rin noon kay Hidalgo na pinabalik sa DepEd at nang bumalik sa Malaca?ang, sinabi niyang wala ng classroom shortage.

Ngunit nanganak na ang kanyang pagbulgar ng totoong sitwasyon dahil magkakaron ng imbestigasyon sa Senado. Tinatanong na ngayon kung saan napunta ang walong bilyon (P8 billion) na kinakaltas sa mga OFW na dapat hawak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Mabuti naman at nang mahalungkat na ?yun pati pa ?yung ginamit noong 2004 election.