Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Kung Pinoy si Noah  (Read 1518 times)

greenjoseph

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1195
  • Karma 46
  • Gender: Male
  • "do unto others what u want others do unto you."
Kung Pinoy si Noah
« on: April 13, 2006, 07:54:45 am »
Subject: "Kung Pinoy si Noah....
 
Ganito ang mangyayari sa arko. Read along.
 
Taong 2006 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah.
 
Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas.
 
Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't- ibang kapuluan." Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.
 
Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyangtinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?"
 
Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."
 
At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.
 
Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.
 
Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission.
 
Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.
 
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).
 
Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.
 
Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng jueteng.
 
Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.
 
Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.
 
Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.
 
Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.
 
Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic".
 
"Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah.
 
Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."



what can you say?

pEaNuT bItEr

  • Pioneer
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 329
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: Kung Pinoy si Noah
« Reply #1 on: April 13, 2006, 11:51:10 am »
ha ha ha! bravo!!!

tumpak na tumpak yan kapatid. hehehe...
It is odd, is it not, that a person's worth to society is measured by their wealth, when instead their wealth should be measured by their worth to society. <A. Cygni>

-Anti-BAYOTicâ„¢-

  • can2terorist PARACETAMOD MEDJAKOL
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1874
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • Basta count to ten laang ng count to ten
Re: Kung Pinoy si Noah
« Reply #2 on: April 13, 2006, 02:39:14 pm »
hehehe..nice post...Hinde na tlaga kelagn crain ng diyos ang pilipinas dahil eto ay sira ng tlaga at patuloy pang masisira...kelagn ntin ng mtinding pagbabago...ang iyong storya ay akmang-akma sa pnahon ntin ngaun...hope hinde lng dito mababasa yang kwentong kenkoy pero may laman..sana mabasa din ng gobyerno ntin...ok yan greenjoseph..Mabuhay ka,bro!!!
Awake to righteousness,and do not sin; for some do not have the knowledge of GOD 1 corinthians 15:34


wendle

  • never die
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1374
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • beergin
    • mga kwentong sex / erotika
Re: Kung Pinoy si Noah
« Reply #3 on: April 13, 2006, 06:04:49 pm »
ahahehheheheh thats funny ;D

Gandalf the white

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1026
  • Karma -8
  • Gender: Male
  • Oooooooooh yeeeeeaaaaahhhhh!!!
Re: Kung Pinoy si Noah
« Reply #4 on: April 16, 2006, 02:39:35 am »
Sana pinoy na lang si noah para masaya. ;D
Let's get it on!!!