Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: kwentong MRT starring Jay Sonza  (Read 2619 times)

Super Tapioca

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 24
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • gift from Jamaica
kwentong MRT starring Jay Sonza
« on: March 27, 2006, 11:08:03 am »
Share ko lang po mga pipz, gusto ko lng magkwento at naiinis ako!   >:(

March 27, '06; mga 6:45 pm; sa MRT Taft Station..

Nakaupo ako sa loob ng MRT nagiintay umalis yung train nang may tumabi sa akin na medyo malapad na lalaki. Syempre wala akong pakialam. Malay ko ba. Di ko alam kung sino katabi ko hanggang dumating kami sa Ayala Station. Nagtataka narin ako dahil yung kaharap kong babae e parang may kinukunan sa camphone nya. Pagdating sa Ayala, eto na ang stampede. Halos mapuno na yung train. Sa harap ko may nakatayong dalawang medyo matandang babae. Mga nasa 50's na siguro. Tumayo ako para makaupo ang isa sa kanila. Eto namang katabi ko naririnig na nag-uusap yung mga babae kung sino uupo e walang karea-reaksyon, nakatungo pa, babasa ng Pocket Pc na cel. Naasar na ako dahil sya nalang ang lalaking nakaupo sa upuan na yun di man lang mag-alok ng upuan sa babae. Nung nakita ko yung itsura ng malapitan, si Jay Sonza. Opo. Si Jay Sonza nga, d ako pwedeng magkamali dahil 2 beses na akong nakakapanood ng dating Mel and Jay ng live. (Ano na ba nangyari kay Jay Sonza, wala na akong balita sa career nya.. kung meron pa) Maya maya napansin ko yung mga kalapit kong nakatayo e nagbubulungan narin. GMA Kamuning Station ng bumaba yung 2 matandang babae, yung isa talagang di nakaupo, nakasandal na nga sa akin tuwing aabante yung tren kasi mahina yung hawak nya sa handle. North Ave., bumaba lahat, si Jay Sonza rin. Eto pa nakakainis.. dun sa may "ticket turnbuckle" di man lang pumila tong si Jay Sonza, nakita na nyang anhaba haba tlga ng pila. Blue yung card nya, meaning ordinary ticket lang. Di nga sya dun sa may guard lumabas. Basta pumunta sya dun sa harap at pinilit sumiksik, walang pakiusap o pasintabi  man lang. Hinayaan lang sya nung guard, nakilala ata.

Tingnan mo nga naman tong mga taong to, ibang iba pag walang mikropono't camera.. Grabeng manghinayang, manlumo, at magpakumbaba sa telebisyon pero sa totoong buhay, kabaliktaran. Kumandidato pa tong Senator mabuti't hindi nanalo. Naturingan kang pang "Public Servant." gayong di mo naman pala kayang magsakripisyo kahit sa pinakamaliit na bagay lang. Paano ka namin pagkakatiwalaan?! Oh well, paki ko nga naman sayo.. kahit kumandidato ka pa ng sampung beses mukang di ka naman mananalo..

KenjiSaintz

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 977
  • Karma 2
  • Spies Like Us
Re: kwentong MRT starring Jay Sonza
« Reply #1 on: March 27, 2006, 11:28:44 am »
Nasa untv37 na yan taong yan...... mayabang pala buti di ko binoto

Gat J.P. Rizal

  • Gold Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4930
  • Karma 76
  • Gender: Male
Re: kwentong MRT starring Jay Sonza
« Reply #2 on: March 31, 2006, 10:06:26 pm »
kaya ayun kulilat sa eleksyon... siguroo kahit kapitbahay kung meron man ay hindi bumoto sa kanya...

nice info.. tigas

TigerClaw

  • "The Watcher"
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3742
  • Karma 103
  • Gender: Male
Re: kwentong MRT starring Jay Sonza
« Reply #3 on: April 01, 2006, 12:25:22 am »
Nothing new....alam po nting lahat na kilala lang tayo ng mga yan 'pag may halalan or may gus2ng malaman mula sa'tin...

Pero pag nkuha na gus2 nila...ittapon nalang tayo...tsk.tsk.tsk.
Ang Tunay Na Matalino Ay Yung Hindi Lumalaki Ang Ulo At Ang Tunay Na Edukado Hindi Nanlalait Ng Ibang Tao.
Madaling Sabihin Pero Mahirap Gawin!

-Anti-BAYOTicâ„¢-

  • can2terorist PARACETAMOD MEDJAKOL
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1874
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • Basta count to ten laang ng count to ten
Re: kwentong MRT starring Jay Sonza
« Reply #4 on: April 14, 2006, 01:18:33 pm »
Sadyang myabang nga cguro yan..dati sa ABS-CBN yan ng cnuspende lumayas...nkapaka-unprofessional tlaga...kala mo kung cno...buti nlang nlaman ntin kung anu tlaga sya...isa lang msasabi ko dyan..GA..O Ka! JAy sonza...
Awake to righteousness,and do not sin; for some do not have the knowledge of GOD 1 corinthians 15:34


sanmina

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 22
  • Karma 0
Re: kwentong MRT starring Jay Sonza
« Reply #5 on: April 21, 2006, 03:20:44 pm »
mga plastic talaga ugali nyang mga taga tv tignan mo si corina ganyan din. ???

Knivez117

  • "Knight of Love"
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1061
  • Karma 21
  • Gender: Male
  • To show emotion is a sign of weakness.
Re: kwentong MRT starring Jay Sonza
« Reply #6 on: April 21, 2006, 03:24:53 pm »
Oo sabing ng friend kong nagwowork sa abs-cbn. napakasuplada daw ni korina sanchez. at nanglalait pag-galit.

ibang-iba sa pinuportray nya na image sa media. napaka-hypokrito!


I got ninety-nine problems but the bitch aint one!

You might win the battle but I will always win the war.. always.


NaUTi

  • "NaUTi Na WHoLESoMe"
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 966
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • "JuST CaLL Me NaUTi"
Re: kwentong MRT starring Jay Sonza
« Reply #7 on: April 21, 2006, 03:56:37 pm »
wow ganun pala si jay sonza sa tunay na buhay...kala ko pa naman maka-masa sya...iba talaga mga ugali nila pag nasa likod na ng camera..si korina alam ko talagang suplada yan at masungit... >:(


wendle

  • never die
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1374
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • beergin
    • mga kwentong sex / erotika
Re: kwentong MRT starring Jay Sonza
« Reply #8 on: April 21, 2006, 08:33:04 pm »
alam naman natin pag galing abs cbn mga ganyan tlga ugali :)) ::)