>>Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang
>> kanyang ina na
>> nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa
>> kamahalan ng pamasahe
>> pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na
>> lang niya ang
>> kabaong ng kanyang ina na mag-isa.
>>
>>
>>
>>
>>
>> Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya
>> na nakadikit ang
>> mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy
>> ang isang anak, "Ay,
>> naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong
>> mag-ayos ng bangkay sa
>> Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."
>>
>> Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang
>> kabaong. Aba! May sulat
>> na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at
>> binasa. Ang nilalaman
>> ng liham na mula kay Bebeng:
>>
>>
>>
>> Mahal kong tatay at mga kapatid:
>>
>> Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa
>> pag-uwi riyan sa
>> Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos
>> ko pa lang sa kanya
>> ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang
>> eksaktong halaga.
>> Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga
>> sumusunod...
>>
>> Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na
>> karnenorte at isang dosenang
>> spam.
>> Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang
>> limang pares ng
>> de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na
>> backpack na inuunan
>> ni nanay. Tig-iisa kayo.
>>
>>
>> Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa
>> puwetan ni nanay.
>> Para sa mga bata ito. Bahala na kayong
>> magparte-parte. Sana'y hindi
>> natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni
>> nanay ay para sa
>> bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang
>> itim na Esprit bag
>> ay para kay Nene.
>>
>>
>> Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese
>> version ng pokemon
>> trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang
>> tatlong Ralph Lauren, apat
>> na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay
>> para kay Kuya at
>> tig-iisa ang
>> mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa
>> fiesta.
>>
>> Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong
>> warmer para sa mga
>> dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang
>> dosenang NBA caps sa
>> may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya,
>> dikong, Tiyo Romy. Bigyan
>> nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at
>> 'yong isa ay kay Pareng
>> Tulume.
>>
>>
>> Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee
>> caps na suot-suot din
>> ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na
>> nagbabasketball. Tigdadalawang
>> ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa
>> pagitan ng mga hita ni
>> nanay.
>>
>> Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang
>> dishwashing liquid, isang
>> Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua
>> Fresh ang nakasiksik
>> sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag
>> mag-aagawan.
>>
>> Isang dosenang Wonder bra (Victoria's Secret ata ang
>> tatak)gustong-gusto
>> ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni
>> nanay. Alam kong
>> inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang
>> ang kasya sa bra. Ang
>> Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay.
>> Nakatakip sa Nike na
>> wristband. Kunin mo agad, Itay.
>>
>> May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na
>> naglalaman ng $759
>> dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na
>> siguro sa libing iyon.
>>
>> Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya
>> para pag namatay si
>> Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at
>> kuwintas (na may
>> nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto
>> mo, ditse, ay suot-
>> suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse.
>> Ibigay mo ang isang
>> nailcutter kay Jay bakla sa kanto.
>>
>>
>> Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may
>> isiniksik ako 3 diyamante
>> sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak
>> na malalaglag na ang
>> mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.
>>
>>
>> Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka
>> mag-excess at si
>> nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay,
>> kuya, ate, dikong,
>> ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay
>> nanay. Pamimisahan ko
>> na lang siya rito.
>>
>> Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.
>> Alam ni ate ang email
>> ko.
>> Paki-double check ang lista kung walang nawala sa
>> mga ipinadala ko.
>>
>>
>> Nagmamahal,
>> Bebeng
_________________