Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: "Istorya ng isang PUTA"  (Read 4151 times)

frost entangle

  • Espiya Old-Timer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1555
  • Karma 14
  • Gender: Male
"Istorya ng isang PUTA"
« on: March 15, 2006, 08:32:21 am »
I hope i dont offend those people by posting this, but still i want to post this because it had a great impact on my realization about what's going on in the philippines... please read this.. i dont know whos the writer. basta read nlng....

"ISTORYA NG ISANG PUTA"


Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako.
Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang
pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang
bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam
kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Halika at makinig ka muna sa kwento ko.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit.
Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap ko naman
silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit
alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga
rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na
foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw
ako?

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di
ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga
nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi
akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at
Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot
ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase
siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang
mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates,
yosi, at ano ka?may datung pa! Nakakabaliw siya, alam
kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako
nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-Ingles, di
lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa
tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan
ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung
kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na
sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya.
Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala
unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami
ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na
akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga
ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko,
napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa okay  ng buhay na
naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa
utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa
mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin.
Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak
ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa
akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa
piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang
kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na
namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko
para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating
ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng
buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at
okay .

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang
tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na
malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging
kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak
ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng
sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at
pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa
aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko.
Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta
maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May
nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang
isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso
ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng
palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak
ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako
balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak.
Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko,
madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman
nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa
rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag
usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa
salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang
ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga
ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta.
Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud
ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang
nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit
sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako
kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa.
Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko
ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung
sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital
ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa
okay  ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni
hindi ko na nga kilala ang sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng
mga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong taon na.
Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap
usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga
anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban
naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO!
MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko pala nasabi pangalan ko.

PILIPINAS nga pala pangalan ko!

Shadow_Brainiac

  • "Anino ng Mga Makukulit"
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2323
  • Karma 26
  • Gender: Male
  • Shadow_Brainiac
    • Easy Earn While Viewing 30 Seconds Ads!!
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #1 on: March 15, 2006, 08:42:46 am »
Oh aking Inang Bayan.........Pilipinas Kong Mahal.......

idle_wild

  • SpyGirl
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 215
  • Karma 3
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #2 on: March 15, 2006, 09:35:35 am »
yeah i've read this before pala.. :) nice but it's so miserable it sounds like there's no hope na. wala ni isang hint ng optimism.

SadClown

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1047
  • Karma 5
  • Gender: Male
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #3 on: March 15, 2006, 09:43:13 am »
isang napaka lungkot na istorya na mrng katotohanan

frost entangle

  • Espiya Old-Timer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1555
  • Karma 14
  • Gender: Male
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #4 on: March 15, 2006, 08:16:06 pm »
there really is no room for optimism here in the Philippines, lahat na ng tao gusto lumabas ng bansa at iwanan ang Pilipinas... At sana nmn kng mangibang bansa man, ay itaguyod parin ang ating bayan...... Mgpasalamat na rin tau kay Manny Pacquiao, Apl D ng BlakEydPc, at sa iba pang Pinoy na nagsikap na maibagbunyi ang ating Bansa......  :-\

devil

  • Pioneer
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 330
  • Karma 1
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #5 on: March 15, 2006, 10:03:20 pm »
mahal ko pa rin inang bayan ko...ilang beses na akong inoferan para mangibang bansa  pero pinili ko pa rin manatili dito.

jaguar-m23

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2353
  • Karma 24
  • Gender: Male
  • bakit ka tumatawa? looks familiar bah? :)
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #6 on: March 15, 2006, 10:18:56 pm »
ako rin....tiwala pa rin akong di kailangng mangibang bansa dahil marami na ang nsa labas at bumubuhay sa pinas....meron pa namang magandang mangyayari sito kung talagang maghahanap ng paraan at kahit isang buwan alisin sa isip na tayo'y naghihirap pra naman makausad ng paunti-unti...
When everything's coming your way, you're in the wrong lane.

NYAHAHAHA :)

mark walliceberg

  • Pioneer
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 46
  • Karma -3
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #7 on: March 15, 2006, 10:54:52 pm »
Medyo nakakadepress nga ang story :-[ 

 Im keeping my fingers though, I still believe the Philippines can still make it!

We have to keep the flames of hope burning for the sake of our future children :D


TigerClaw

  • "The Watcher"
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3742
  • Karma 103
  • Gender: Male
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #8 on: March 15, 2006, 11:54:29 pm »
Pero hindi nio ba naisip na kaya kami and2 sa ibang bansa is para na rin sa Pilipinas mga kaibigan ko...kaya nga lang nging palagatasan kami ng gobyerno...

Paano na lang ang mga remittances na pinpadala nmin? Hindi po ba isang malaking 2long na yun para sa inang Bayan? Hindi po ba isang mlaking sakripisyo ang ginagawa nmin?
Ang Tunay Na Matalino Ay Yung Hindi Lumalaki Ang Ulo At Ang Tunay Na Edukado Hindi Nanlalait Ng Ibang Tao.
Madaling Sabihin Pero Mahirap Gawin!

idle_wild

  • SpyGirl
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 215
  • Karma 3
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #9 on: March 16, 2006, 05:35:54 am »
there really is no room for optimism here in the Philippines, lahat na ng tao gusto lumabas ng bansa at iwanan ang Pilipinas... At sana nmn kng mangibang bansa man, ay itaguyod parin ang ating bayan...... Mgpasalamat na rin tau kay Manny Pacquiao, Apl D ng BlakEydPc, at sa iba pang Pinoy na nagsikap na maibagbunyi ang ating Bansa......  :-\

yes there is room for optimism in the Philippines, kaya nga di bumababa si GMA kasi she's positive everything will turn out right. :)

mark walliceberg

  • Pioneer
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 46
  • Karma -3
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #10 on: March 16, 2006, 06:52:28 am »

yes there is room for optimism in the Philippines, kaya nga di bumababa si GMA kasi she's positive everything will turn out right. :)

how i wish could i could say the same thing for PGMA ;D although im an optimist wen it comes to our country's future :'(

there's a lot of difference between pure and unadulterated optism and the garbage being thrown out by Malaca?ang's propaganda machine which PGMA parrots in her speeches :'(

ahay, let's give PGMA na lang the benefit of the doubt ah! after all, kung tama siya lahat nman tayo makikinabang din eh.

Peace Po Tayo :P

 

greenjoseph

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1195
  • Karma 46
  • Gender: Male
  • "do unto others what u want others do unto you."
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #11 on: March 16, 2006, 08:18:54 am »
back to the story, di naman siguro ganun ka miserable ang Pilipinas, if it was, theres always hope na bubuti pa ito at maging mas maginhawa pa ang buhay ng mga mamayan nito. hindi rin lahat ng tao nagsasamantala, marami paring tao na tunay na tumutulong sa ating bayan para itoy umunlad.

qpinion

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 28
  • Karma 0
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #12 on: April 13, 2006, 07:02:18 am »
This is one thing that our government don't take any actions regarding issues on OFW's. They're just looking forward after the pockets (remittances) and even tagged (OFW) as Modern Heroes. My question is, Who is the modern heroes? God I've not seen, heard or known any OFW who was buried in libingan ng mga Bayani or had a 21 gun salute so on and so forth. They even sell the dignities and rights of us Filipinos. Don't believe any of them (in government) many Filipinos who are working abroad are living in misery. Not all of them are living in bread and butter. They're LIARS! Using OFW's as there MEGA TRADE business. Now what can you say about the peso devaluation isn't it that it affects OFW's? Good because our economy is moving forward but look at the sky high prices of prime commodities. Well what can you say?

Gandalf the white

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1026
  • Karma -8
  • Gender: Male
  • Oooooooooh yeeeeeaaaaahhhhh!!!
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #13 on: April 15, 2006, 08:45:56 am »
Nakakalungkot naman.  Inihahambing na ang ating bansa sa isang puta.  Eto lang po ang aking hamak na opinyon, hindi pa naman po siguro.  Sa panahaon ngayon dapat optimistic pa rin tayo na giginhawa pa rin ang buhay dito kung tayo ay magtutulong tulong para sa kapakanan ng ating bayan. :)
Let's get it on!!!

Drow Ranger (Traxex)

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 950
  • Karma 2
  • Skilled Archer of the UNDERDARK
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #14 on: April 17, 2006, 09:30:42 pm »
Well said Fei Long....agree ako sa iyo.

Maraming talagang nag-hihirap na kababayan natin sa ibang bansa.....iniwan ang kanilang mga mahal sa buhay para umasenso at dahil dito nakaka2long pa cla sa bansa natin.
My wife is on her way to London by next month hopefully, maskit para sa amin na umalis sya pero wala kaming ibang choice dahil sa hirap ng buhay sa atin...in any way hindi malayong magkatotoo ang sinasabi ng story or it could be already. Oo, sa tingin ko magkakaroon prin tayo ng hope na sana umunlad ulit ang bansa natin pero sa tingin ko matatagalan pa. Kung sakali mang susunod kmi sa ibang bansa I hope sana pagbalik namin and I wish na di na ganito ang bansa natin at san maunlad na gaya ng dati.

bodieph

  • Gold Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7202
  • Karma 332
  • Gender: Male
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #15 on: April 23, 2006, 04:42:04 am »
the way this war written i'd, duda ko ang may pakana nito mga leftist groups

bilog

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 60
  • Karma 0
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #16 on: April 23, 2006, 05:08:51 am »
Lahat tayo nangangarap na maging maayos ang ating inang bayan...isa rin ako sa nag ta trabaho dito sa ibang bansa, hindi lang para sa sarili ko para sa ating bayan dahil kami dito sa ibang bansa (OFW) ang may pinaka malaking ambag sa ating bayan...sa totoo lang mahirap isipin na tayong mga pilipino mas gusto pa nating mag trabaho sa ibang bansa kesa sa sarili nating bayan....pero saaking palagay mas nakakatulong ako sa ating bayan kung dito nalang ako mag ta trabaho para sa bayan, pamilya at mga anak ko. PEACE!!!!!
Wag kang gagalaw, ako sa ibabaw, wag kang kikibo ako ang hihipo...

foreveryoung

  • Rev the Power Within You
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1196
  • Karma -13
  • Gender: Male
  • Cognitio Potentia Est : KNOWLEDGE IS POWER
Re: "Istorya ng isang PUTA"
« Reply #17 on: April 25, 2006, 01:31:11 am »

we all know that we have grievances towards our country because of the continous corruption in its higher degree of its leaders (not all).

But idle wild and others are correct and me too i agree with them, Dont we have any optimistic approach towards this, and can we not make any good story for our country and self.

There is always hope and behind the clouds the shine still shining, Like in the story, it us her sons and daughters who is at fault, lets help our mother now.
The nature of a breakthrough is for you to stand on what you have gotten.On what's been
important to you,
what's touched you,
what's inspired you,
what's turned you on.
To stand on that value you've already created for yourself and look out at the possibility
for being alive that opens up.