For me, ang main problem ng pinas ay ang sistema mismo, kasama na TAYO.
Inirereklamo natin ang nepotismo at trapos pero paulitulit pa rin natin silang binoboto. Kahit sinong umupo dyan sa pwesto- makamasa, elitista o kahit aktibitista eh laging may oposisyon.Wala tayong sinisi kundi gobyerno pero kung titignan naman yung iba ni sedula hindi makapagbayad.
Ang pulitika parang lubluban ng kalabaw napakadumi puro opurtunismo, hindi ko ubod maisip na magkasamang nagmamartsa sina Ka Satur at Ka Crispin ng mga manggagawa kasama ang mga Cojuangco ng Hacienda Luisita at sina Gringo at Ping na mga dating mga berdugong Metrocom kasama pa ang anak ng mga ni Erap at Makoy.Incredible di ba, pero posibleng posible yan dito sa atin. Maaring isa ang layunin nila pero sanga sanga naman ang gusto nilang puntahan,at isa lang ang sigurado, laging mangingibabaw ang kanilang mga pansariling interes.
Siguro ang nangyayari ngayon na instability sa lipunan ay resulta na lang ng hindi natin pagkatuto sa mga aral ng kasaysayan. Ang ginagawa ngayon ni Gloria maaring martial law sa tingin ng iba , pero palagay ko higit siyang magiging maingat ngayon, allergic ang mga pinoy dito eh.
Hindi ko alam kung ano ang remedyo sa pinas, definitely wala ng kuwenta ang isang peoples power. Kahit na ilang ulit na baguhin ang lipunan gaya ng sinasabi ni Marx mahihirapan pa rin tayo.Siguro kung ilang daang taon ang kinailangan para mahubog ang lipunan natin gayong katagal din ang kailangan para mabago ito.
Sensya na kayo mga espiya medyo napasarap me magtype eh.