hi spies meron po bang financial.advisors here...
gsto ko kasi.maintindihan ung life insurance plan at educational plans
ung balik ng binayad mo...
may nakausap.kasi ako sabi invest daw.ako sa life insurance then after 5 years kikita daw mga binayad ko mawiwithraw ko daw un ibinayad ko tama po ba? then nakainsured pa daw ako...
naguhuluhan kasi ako...
educational.plan nmn sana gsto ko para sa baby ko... medyo long term ata to kasi 2 yrs old pa lang si baby...
so 18years to college matagala na bayaran pero malaki daw mapapayout.ko...
mukahang di ko nmn mababayaran pagsobra tagal... mas okei pa ata magipon na lang...
intindi ko kasi sa life insurance na sinasabi nya is... babayad ako 14k quarterly daw
pinakamababa na term ata 5 years...
so 14k times 20 kasi quarterly = 280k
so after 5 years ko na nagbabayad ung 280k ko pwede ko na kunin plus nakainsured padin ako tama ba?
thank you sa.makakatulong po...
Hello sir! Financial advisor ako from another company. Allow me to answer your question to help you be enlightened sa problem mo.
Tama ang sabi ni sir bodieph, ang mga plans ng insurance companies iba-iba kasi iba-iba din ang purpose. Para sa akin pag kausap ko mga client ako, sinasabi ko palagi iba ang "goals" or "purpose" ng plans.
Hindi talaga kasi plan specific ang mga products ng insurance companies. More of FUND specific ang binibigay. So pag sinabi na "educational plan", pwedeng pag dating ng time na nag-set ka para dun, hindi mo na sya kailangan kasi may ibang source ka na. Pero since fund specific sya, pwede mo pa din sya magamit sa na-set mo na taon para gamitin.
Sa case mo, ganito ang paraan para malaman mo talaga ang kailangan mo para sa educational funding ng baby mo. Since 2 years old pa naman sya, may 18 years pa para mag-aral ng college (assume nalang natin 20 years old ang college). Pag dating ba ng 20 years old ni baby, magkano ba sa tingin mo ang kakailanganin nya para magcollege? Based sa past experiences ko sa mga clients ko and sa existing tuition fees ng TOP 3 schools today (except UP), around PHP1.6M - PHP2.0M. So dapat pag kumuha ka ng life insurance product, dapat nakalagay sa terms na pag dating ng 18 years, may PHP1.6M - PHP2.0M ka na. Ngayon, doon mo titignan magkano ba ang magiging premium pag nagbayad ako ng 10years or 5years or even 1year. Kung baga ang goal mo ay pupunta ka ng Baguio, anong sasakyan kaya ang pwede mo gamitin na makakapunta dun na kaya mo bilhin at hindi mabigat sa bulsa.
Pero sabi ko naman kanina, funding ang purpose ng life insurance products. So pag dating ng 18years posible na hindi mo na sya kailangan kasi baka may ibang source ka na ng funds nun tulad ng business or tumaas na ang income mo. So yung pera na nakalaan dun pwede mo kunin pero para sa ibang purpose na, example ay for travel or additional funds for business. At kapag kinuha mo lahat yung pera sa account mo, magsasara yung account at mawawala na ang life insurance at investments mo. Kung baga sa bangko, nagclose ka na ng account.
About sa life insurance naman, lahat ng mga new products ng life insurance ngayon laging combination ng life insurance + investment. Hindi matatanggal ang life insurance kasi foundation product yun. Kung gusto mo lang talaga ng lahat ng pera mo mapupunta sa investments at walang life insurance, ang suggestion ko ay kuha ka ng Mutual Funds, UITF, or even time deposit (TD).
Hopefully nakatulong. Tanong ka lang kung medyo naguguluhan ka pa. Peace brother!