Author Topic: More Pinoy Jokes  (Read 4641 times)

maturelover

More Pinoy Jokes
« on: December 04, 2017, 09:12:02 pm »
#1

BITOY: Bakit ang pandak mo?
DAGUL: Kasi bata pa lang ako, ulila nako.
BITOY: Anong koneksyon nun?
DAGUL: Hello? Wala ngang nagpalaki sa akin noh!

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #1 on: December 04, 2017, 09:16:12 pm »
MRS: Hello Operator, please send a MAINTENANCE personnel, ang mister ko tatalon sa bintana! Bilis!

OPERATOR: Mam bakit po maintenance?

MRS: Eh kasi hindi niya MABUKSAN ang bintana!...Papatulungan ko.

chrismcarino

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #2 on: December 04, 2017, 09:49:25 pm »
 ::crackup
Faps, okay yan ah!   

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #3 on: December 04, 2017, 11:24:45 pm »
#3

Sa party, nilapitan ng isang gwapong lalaki ang isang babaeng nakaupo

sa isang tabiā€¦
HANDSOME BOY: Sasayaw ka ba? (tuwang tuwa ang babae at agad na tumayo)

GIRL: Oo, sasayaw ako!

HANDSOME BOY: Hay salamat! Paupo ako ah?

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #4 on: December 05, 2017, 01:52:59 am »
#4

AMA: Hoy Brando! Huwag kang babakla-bakla ha!
ANAK: Di po itay. Punta nga ako sa basketball court ngayon.
AMA: Yan, astig!
ANAK: Mama, nakita mo pompoms ko?

#5

LASING 1: Pare,ang bilog ng buwan!
LASING 2: Di yan buwan, araw yan!Tanungin natin sa ale. Miss, araw ba yan araw o buwan?
GIRL: Naku sori po, Di po ako taga rito!!

chrismcarino

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #5 on: December 05, 2017, 05:31:59 am »
 ::crackup

shadowtim

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #6 on: December 05, 2017, 08:08:19 am »
eto lang ma share ko ko sa inyo

mag asawa
lalake nasa saudi arabia
babae nasa pinas

lalake: hun sakit nang ulo ko parang mabibiyak
babae: hun ako din sakit nang biyak ko parang may ulo


chrismcarino

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #7 on: December 05, 2017, 08:20:07 am »
 ::crackup
Faps, Green Joke yan ah.
Aba, pwedeng-pwede yan.   

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #8 on: December 05, 2017, 09:04:11 am »
#6

ALE: Andyan ba nanay mo?
JUAN: Bakit po?
ALE: Tungkol sa utang...
JUAN: Umalis po, kahapon pa!
ALE: na babayaran ko!
JUAN: Pero bumalik na kanina!

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #9 on: December 05, 2017, 04:27:24 pm »



maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #10 on: December 05, 2017, 04:30:15 pm »
#7

PEDRO: Pare, bakit kanina ka pa nakaharap dyan sa salamin
             nang nakapikit???

JUAN:Shhh! Wag ka maingay dyan.....
         Tinitingnan ko kung ano ang hitsura ko kapag natutulog!

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #11 on: December 06, 2017, 07:29:18 am »
#8

WIFE: Love, may taning na ang buhay ko.
          Pwede mo ba akong yakapin sa ating mga huling sandali.

JUAN: Tumigil ka nga riyan!Maaga pa gising ko bukas.
          Buti kapa hindi na!


chrismcarino

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #12 on: December 06, 2017, 07:54:56 am »
Bwahahahaaa. . . 
 ::lmao  ::lmao   ::lmao   ::lmao   ::lmao

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #13 on: December 06, 2017, 06:05:24 pm »
#9

TEKLA: Honey, ibili mo naman ako ng bagong bra.

JUAN: Huwag ka na magbra at maliit lang naman ang boobs mo eh.

TEKLA: Eh, bakit ikaw naka-brief?

chrismcarino

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #14 on: December 07, 2017, 09:11:38 am »
Ano ang tawag mo sa mga Bampira na magkakamaganak?
Sagot: Eh di, Magkakadugo

Saan naliligo si Batman?
Sagot: Eh di, sa Bat(h)room / Bat(h)tub

Ano ang sinasabi ni Batman kapag wala ng power yung fone niya?
Sagot: "Pare, na-low "bat" ako   

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #15 on: December 07, 2017, 06:30:52 pm »
#10

KILLER: Pangalan mo Mrs?
MRS: Inday po!
KILLER: Kapangalan mo nanay ko, sige hindi na kita papatayin!
            Ikaw Mr?
MR: Juan po, but my friends call me Inday!

naruto789544

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #16 on: December 08, 2017, 11:51:25 am »
hahaha... yan ang palusot to the max... :)

luvman

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #17 on: December 08, 2017, 10:24:50 pm »
favorite thread ko na po ito  ::laffman ::laffman

chrismcarino

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #18 on: December 08, 2017, 11:25:54 pm »
"ANG TULISAN & ANG PADRE"

TULISAN:       Padre, mangungumpisal po ako. . .
FR. DAMASO: Anak, ano ang ikukumpisal mo?
TULISAN:       Padre, marami na akong pinatay na tao.
FR. DAMASO: Anak, masama yan.
                       Bakit ka pumapatay ng tao.
TULISAN:       Padre, naniniwala kasi sila sa mga Anghel.
                       Kayo ba Padre, naniniwala ba kayo sa Anghel.
FR. DAMASO: Aaaay, naku anak, hinde, hindeee.   

 ::damitawa

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #19 on: December 11, 2017, 12:34:57 am »
#11

JUAN: Tuwing magdadala ako ng GF sa bahay,
         hindi nagugustuhan ni inay!

PEDRO:Subukan mo kaya magdala ng kamukha ng nanay mo!

JUAN: Nasubukan ko na eh, ayaw naman ni tatay!

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #20 on: December 12, 2017, 12:53:12 am »
#12

Sa Miss Gay Pageant...

JUDGE: What can you do to help uplift our nation from economic
crisis and climate change?

BAKLA: (namutla) Akala ko ba Ms Gay ito? Quiz Bee pala!

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #21 on: December 18, 2017, 09:29:54 pm »
#13

PEDRO: Pare, napansin ko na palagi mong kinakausap ang sarili mo!
            Hindi kaya nababaliw ka na?

JUAN: Hindi naman siguro, kasi hindi ko naman SINASAGOT eh!

chrismcarino

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #22 on: December 19, 2017, 12:05:21 am »
Bwahahahaaa. . .
 ::lmao  ::lmao  ::lmao   

maturelover

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #23 on: December 20, 2017, 06:22:20 pm »
#14

Umorder si Juan ng 1 buong pizza...

WAITER: Sir, ilang slice po ang gagawin namin sa pizza nyo, 6 po ba or 8?

JUAN: 6 na lang siguro, baka kasi hindi ko maubos ang 8!

chrismcarino

Re: More Pinoy Jokes
« Reply #24 on: December 21, 2017, 01:03:52 am »
Yahahahaaa. . .
 ::lmao  ::lmao  ::lmao