Author Topic: Tungkol sa employment  (Read 1988 times)

cloaker

Tungkol sa employment
« on: June 25, 2017, 10:29:25 am »
Good day mga kaespiya, may katanungan lang ako. Ok lang ba na pumasok ako bilang factory worker sa ibang bansa pero college grad ako na may 1yr work experience? Gusto ko lang kasi buksan yung isipan ko sa mga opportunity na pwede kong  makuha. TIA

naruto789544

Re: Tungkol sa employment
« Reply #1 on: June 25, 2017, 10:58:37 am »
if you're not choosy with work, why not... chances are the salary of factory workers in other countries as an ofw is higher than mid level employees here...

cloaker

Re: Tungkol sa employment
« Reply #2 on: June 25, 2017, 11:00:45 am »
Salamat sa sagot kaespiya. Gusto ko lang naman kasing makatulong sa pamilya ko saka makapag-ipon na rin. ::thanksforhelp

eisenkorper

Re: Tungkol sa employment
« Reply #3 on: June 25, 2017, 11:24:02 am »
Start ka as factory worker, pero i-try mong mag-climb up sa company.

wildgang_10

Re: Tungkol sa employment
« Reply #4 on: June 25, 2017, 06:31:00 pm »
Wala namang masama duon and wala rin namang nagsasabing bawal, lahat naman tau may free will..

kung na meet mo naman yung requirements ng papasukan mo i don't see any problem.

TobleRONe

Re: Tungkol sa employment
« Reply #5 on: June 25, 2017, 08:55:00 pm »
kung kaya mo yung trabahao bakit hindi, Kaya mo ba? Saka magkano salary?

Ano pala natapos mo? At ano long term goal mo?
« Last Edit: June 25, 2017, 09:06:52 pm by TobleRONe »

cloaker

Re: Tungkol sa employment
« Reply #6 on: June 26, 2017, 03:45:41 am »
kung kaya mo yung trabahao bakit hindi, Kaya mo ba? Saka magkano salary?

Ano pala natapos mo? At ano long term goal mo?

Sa totoo lang nagbabasa-basa muna ako. Course ko HRM tapos may 1yr work experience ako.. sa sales nga lang. Long term goal ko? Maging financially stable ako para makapag-invest ako para sa future ko. Gusto ko rin syempreng masuklian yung naitulong sakin ng mahulang ko.

tigerwing

Re: Tungkol sa employment
« Reply #7 on: June 26, 2017, 04:15:29 am »
Bakit di ka humanap ng trabaho na in line sa cursong tinapos mo? HRM ka pala, you can work sa mga hotels abroad. Bakit factory worker? Wala ba ibang choice?

Wala naman masama kung sa factory, at di ko din naman sinasabi na maging pihikan ka sa trabaho, pero mas maganda lang kasi na magamit mo sa trabaho mo yung pinag aralan mo. I mean bat ka pa nag pakahirap mag tapos ng college kung in the end di mo naman papakinabangan?

Pero kung no choice at kailangan na talaga, then go.

cloaker

Re: Tungkol sa employment
« Reply #8 on: June 26, 2017, 04:24:20 am »

Nagkamali kasi ako ng course na pinili. Nung time na nag-iisip ako ng course na kukunin, hindi ako nakapag-isip ng mabuti tapos nung time din na yun in-demand ang HRM kaya eto ako ngayon, nagsisisi. More on mechanical skill talaga ako gaya ng pag-aasemble ng mga bagay-bagay.

TobleRONe

Re: Tungkol sa employment
« Reply #9 on: June 26, 2017, 06:23:37 am »
kaya ko rin tinanong long term goal mo, kasi may kakilala ako na OFW, factory worker din. Ilang beses lang sya nakabalik after mag-endo. Now, he's only 44 sa kamalasan palad, wala ng recruitment agency na in-applyan nya na tumanggap sa kanya kasi matanda na raw ang 40+.

Nakapagpundar naman para sa bahay, napag-aral ang mga anak hanggang HS. Ang problema nya ngayon, Walang makuhang trabaho dahil daw sa age, wala ng ipon, tapos college na dalawang anak.

Sa tingin mo ba in 20 years, may sapat ka ng ipon para sa bahay, magulang, magiging pamilya at negosyo. Baka mamaya nyan, kapag 40 ka na, hindi ka na makabalik sa abroad.

Maraming ganyan din sa call center, mga former OFW na hindi na makapag-abroad dahil sa age kaya call center din binagsakan.

cloaker

Re: Tungkol sa employment
« Reply #10 on: June 26, 2017, 08:59:48 am »

Hmmmm.... sa bandang huli ako pa rin siguro makakasagot sa katanungan ko pero manghihingi na rin ako ng advice. Tumitingin din ako ng mga posibilidad.

naruto789544

Re: Tungkol sa employment
« Reply #11 on: June 26, 2017, 09:43:22 am »
reality check ts... mas madali umalis pa abroad as a factory worker since easier requirements and more slots available... just make sure maganda ang mapapasukan mo na employer.. do a background check on the company... just my thought on what you're thinking... long term goal??? it's for you to decide....

cloaker

Re: Tungkol sa employment
« Reply #12 on: June 26, 2017, 11:05:09 am »
reality check ts... mas madali umalis pa abroad as a factory worker since easier requirements and more slots available... just make sure maganda ang mapapasukan mo na employer.. do a background check on the company... just my thought on what you're thinking... long term goal??? it's for you to decide....

Salamat sa mga kasagutan mga kaespiya. Gagamitin ko tong thread bilang reference pero open pa rin ako sa mga sagot. Hangga't maaari gusto kong buksan yung isipan ko sa mga pwedeng mangyari.

TobleRONe

Re: Tungkol sa employment
« Reply #13 on: June 26, 2017, 11:29:41 pm »
pwede ka rin naman mag-abroad as factory worker. Prioritize mo nga lang siguro, ipon para sa negosyo muna.

yung sa kakilala ko kasi, inuna ang bahay. Then gastos para sa studies ng anak. Tapos pasyal pasyal para sa magulang. Hindi nya naisip na baka hindi na ulit sya makabalik sa abroad. Sa kasamaang palad 5 years na sya kung saan saan nag-apply pero di matanggap dahil sa reason na matanda na.

Kaya tanong ko rin, magkano ba sahod? May chance ba na umakyat sa ladder from factory worker to supervisor then manager? Baka in the long run mapako ka na lang as factory worker tapos wala na.

or while working as factory worker, maghanap ka pa rin ng related sa course mo. Kahit mag-umpisa ka sa mababa. For example, porter or valet parking sa hotel. At least nasa hotel ka na, para kapag may opening sa mas mataas na posisyon, pwede ka na sumubok magpapromote. May classmate ako na 5 years ng porter sa hotel sa Australia, nakabili na ng Ford Mustang.
« Last Edit: June 26, 2017, 11:48:55 pm by TobleRONe »

blackbirdmagpie

Re: Tungkol sa employment
« Reply #14 on: July 08, 2017, 01:52:32 pm »

"Nagkamali kasi ako ng course na pinili. Nung time na nag-iisip ako ng course na kukunin, hindi ako nakapag-isip ng mabuti tapos nung time din na yun in-demand ang HRM kaya eto ako ngayon, nagsisisi. More on mechanical skill talaga ako gaya ng pag-aasemble ng mga bagay-bagay."
 
  Search mo yung EPS sa POEA website .  ::secret

cloaker

Re: Tungkol sa employment
« Reply #15 on: July 09, 2017, 03:49:45 am »
"Nagkamali kasi ako ng course na pinili. Nung time na nag-iisip ako ng course na kukunin, hindi ako nakapag-isip ng mabuti tapos nung time din na yun in-demand ang HRM kaya eto ako ngayon, nagsisisi. More on mechanical skill talaga ako gaya ng pag-aasemble ng mga bagay-bagay."
 
  Search mo yung EPS sa POEA website .  ::secret

EPS?

maniac2999

Re: Tungkol sa employment
« Reply #16 on: July 09, 2017, 07:20:23 am »

EPS?

Electronic Procurement System , dyan nilalagay yung hiring for consultants for contractual works (outsourced)

blackbirdmagpie

Re: Tungkol sa employment
« Reply #17 on: July 09, 2017, 11:15:44 am »
Employment Permit System>>Go to Korea

jusjus21

Re: Tungkol sa employment
« Reply #18 on: July 09, 2017, 10:15:18 pm »
I suggest before going there try to enhance your skill dito sa pinas. Marami ng mga training courses na mageenhance ng skill mo in cases of mechanical or manual labor like sa factory setting. Para sa akin kasi if you go there without the necessary trainings na kailangan magiginng stagnant ka sa work mo and matatagalan or mahihirapan ang chances mo na umangat.

cloaker

Re: Tungkol sa employment
« Reply #19 on: July 10, 2017, 08:48:52 am »
I suggest before going there try to enhance your skill dito sa pinas. Marami ng mga training courses na mageenhance ng skill mo in cases of mechanical or manual labor like sa factory setting. Para sa akin kasi if you go there without the necessary trainings na kailangan magiginng stagnant ka sa work mo and matatagalan or mahihirapan ang chances mo na umangat.

Tutal namention mo na rin yan, san ba nakakahanap ng training courses? Kung merong link, pakishare na lang din. Thanks. Any suggestions are welcome.

naruto789544

Re: Tungkol sa employment
« Reply #20 on: July 10, 2017, 01:19:08 pm »
check tesda's site... they offer a lot of technical courses there.... and one advantage is that tesda certificates are now recognized abroad...

Good Spy

Re: Tungkol sa employment
« Reply #21 on: July 10, 2017, 04:32:00 pm »
aplly ka sa magsaysay// urgent hiring sila sa crew ship nila// malaki sahod// times sa factory worker baka times 3 pa nga/// in that way you can help ur fam better ::laffman