Author Topic: Viva Video City, no more?  (Read 3104 times)

kilyawan79

Viva Video City, no more?
« on: February 25, 2017, 03:25:57 pm »
Are all Viva Video City (video rental shop) in the Philippines still alive or closed down? May I ask if your local Video City shops are still open for business or already closed? Can't find anymore in my own locale. If Video City is indeed gone, is there a similar video rental franchise nationwide? Thanks in advance.

kikomaching1

Re: Viva Video City, no more?
« Reply #1 on: February 26, 2017, 12:40:30 am »
i think wala na.. nagsara na dahil sa mga pirated dvds and torrent downloads.

bigbanggoo

Re: Viva Video City, no more?
« Reply #2 on: February 26, 2017, 10:25:16 am »
I don't think meron pang nagvivideo rental ngayon. Lahat nang movies asa internet na eh.

naruto789544

Re: Viva Video City, no more?
« Reply #3 on: February 26, 2017, 11:24:42 am »
video sales na lang video city.... wala ng rentals...

kilyawan79

Re: Viva Video City, no more?
« Reply #4 on: March 16, 2017, 08:40:06 am »
Just got back now, thanks everyone for the reply and confirmation. Much appreciated. I felt sad about the demise of Viva Video City as a video rental shop, but at least I know it is closed for good and I am relieved now. Siguro magkuwento na lang din ako.

Noong late 90's, siguro 1999 iyon, nagbukas ang, I assume pinaka-unang Video City sa siyudad namin. Napakaraming mga taong naengganyong magpa-member noon lalo na't libre ang registration at first time nga. Doon sa avenida ang laki ng naging crowd, dahil naglabas sila ng mga lamesa for registration.

Naaalala ko meron pang post card na ipapadala yata sa iyo by mail or ipapadala mo sa sarili mo yata. Nasira na iyon noon pagkatapos ng mga higanteng baha na tumatama sa amin sa tuwina, nawala kagaya ng mga childhood Song Hits, Pinoy komiks at Marvel comics at teen/mature magazines ko noon. Sayang, in a sense parang collector's item na rin yung mga newspaper quality komiks na iyon - Funny Komiks, Bata-Batuta, Terminator, Kidlat (I got issue no.1 back then), Kick Fighter, Init (lalo na yung may mga cover with Gretchen Barretto), Aswang, Aliwan, etc. Nakakapanghinayang talaga, pero naisip ko, sa ibang lugar/lalawigan maraming namamatay dahil sa bagyo/baha, pero sa amin 1 or 2 or zero casualty lang sa tuwina.

I still have the ATM-like membership card. Never been used. Hindi ko na rin napirmahan. Nagpa-member ako noon kasama ang ilang mga kaklase pero hindi ko naman nagawa nang balikan pa iyon, super busy sa school. Inilagay ng Kuya ko yung card na iyon kasama ang ilan pang mga ATM-sized cards sa isang booklet, na nasa aking safekeeping na. O nga e, merong Smart Bill Crusher at Motorola Cell Card din doon.

After more than 10+ years, marami nang nangyari, pumanaw na ang tatay ko habang buhay pa siya noong nagpa-member ako, saka ko lang naramdaman sa sarili ko na gusto kong mag-rent ngayon sa stage ng buhay ko. Pero wala na pala. Crap!

Anyway, I'm thinking now na nag-die off na nga itong video rental sub-community, hindi lang ang Video City (siguro partikular sa lugar namin). Who knows baka mag-revive sa hinaharap. Yun ngang Anime bubble nag-burst noong 90's pero buhay na uli somewhat ngayon.

So, enjoy life my friends hehe. Thanks again for your confirmation, guys.

wildgang_10

Re: Viva Video City, no more?
« Reply #5 on: March 16, 2017, 11:21:05 am »
Patay na ang mga video rentals maski na sa ibang bansa!

unlike dati.. na get together sa mga bahay para manuod tapos yung ni rent mo na dvd bago isa uli hihiramin pa ng ibang tropa para sila naman ang makapanuod.

tapos na ang career nila sa dami ng mga pirated na mga cd's / dvd's tapos nang lumabas na ang youtube, internet TV, mga video torrent downloads,  netflix at the same time yung internet connection speed nag improved narin...

pumatay rin sa kanila nung nag labasan na ang mga smart phones, facebook and other social media kasi madami ng pag uukulan ng pansin ang mga tao ngayun.


nukturnuz

Re: Viva Video City, no more?
« Reply #6 on: March 16, 2017, 12:06:50 pm »
May isa pa na parang Video City sa Makati. https://fil.yelp.com.ph/biz/2020-video-makati