Author Topic: Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!  (Read 2707 times)

spanky_al

Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!
« on: February 18, 2017, 02:43:39 am »
Nabasa ko lang ang news na ito mga tol, dami kasi nagsasabi na planted daw umano ang DRUGS. Ano sa tingin nyo mga tol?

https://ito.ph/MotoristNabbedCaughtWithShabu



 ??? ??? ??? ???

jnrd25

Re: Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!
« Reply #1 on: February 18, 2017, 04:43:18 am »
Obviuosly planted yan. Wala nang tanim bala. Tanim shabu na.

spanky_al

Re: Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!
« Reply #2 on: February 18, 2017, 06:56:58 am »
hahaha baka nga....

naruto789544

Re: Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!
« Reply #3 on: February 18, 2017, 07:47:40 am »
hard to tell... paulit ulit ko pinanood ung video.... ingat na lang talaga....

bigbanggoo

Re: Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!
« Reply #4 on: February 18, 2017, 12:00:53 pm »
Ang unang violation lang nya e pinara sya nang mga pulis kasi walang sidemirror kaso tinakasan nya. Tapos nung nahuli sya ayaw nya ibigay yung susi nung box nya tapos fake din yung mga ID's nya. Tapos meron pa pala yang active warrant nang pagnanakaw ata yun.

maniac2999

Re: Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!
« Reply #5 on: February 19, 2017, 07:30:55 am »
Ang unang violation lang nya e pinara sya nang mga pulis kasi walang sidemirror kaso tinakasan nya. Tapos nung nahuli sya ayaw nya ibigay yung susi nung box nya tapos fake din yung mga ID's nya. Tapos meron pa pala yang active warrant nang pagnanakaw ata yun.


Just too much suspicious activities in a row lol, I'd say hindi planted. Kung planted man, well, dapat di nya na tinakbuhan yung unang offense haha

bigbanggoo

Re: Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!
« Reply #6 on: February 19, 2017, 01:24:16 pm »
Oo nga e, kung talagang inosente sya bakit sya tumakbo? Siguro akala nya nung pinara sya e inspection instead na violation nang sidemirror. Tapos bakit hindi pa nya binigay yung susi. Dun sa video nung tinanong sya kung bat di nya binigay susi hindi sya makasagot nang maayos. Tsaka dun sa bandang huli nung video merong nakita dun sa bandang gitna nung mga gamit nya na natatakpan. so hindi naman ata kayang isingit yun dun kung talagang planted.

Anyway kung planted man to it's a good thing pa rin kasi nahuli sya dahil meron nga daw tong active warrant.

etong

Re: Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!
« Reply #7 on: February 19, 2017, 10:04:59 pm »
Not sure pano maplant kung nakalock pa nun habang vinivideo. Tska sa harapan nya binubuksan dapat nagreact na sya kung may naglalagay na. Evading inspection and fake IDs palang suspicious na. He is up to no good even before he got caught.

rbatungbakal

Re: Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!
« Reply #8 on: February 22, 2017, 03:31:47 am »
...sure na planted yan, yung bangko kasi ng motor, naangat yan kc plastic yang base nyan, at ang shabu di yan ilalagay sa ibabaw lang na pagbukas mo ay makikita agad kung may katabi ka. habang sinusungkit  nila, ung daliri ay nakapasok n sa ilalalim ng bangko, un nakapula ang naglagay. alang pakinabang sa pagbukas ng bangko ung kunwariy pagdiin nya dun.

yonipspy

Re: Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!
« Reply #9 on: February 22, 2017, 07:34:49 am »
parang planted yata review nyu ang video sa 01:06 or 07 naka point agad yung manong sa ubox ng mc sabi nya oh ano ha?
tapos pinagtawanan kasisimula palang ng pag check.

OT: tsk tsk dilikado nga talaga dapat meron ka spy cam dala dala para panlaban sa mga ganyan hahaha


online 24/7

maniac2999

Re: Planted kaya ang DRUGS nito mga tol? Ano sa tingin nyo?!!!
« Reply #10 on: February 22, 2017, 11:49:29 pm »
parang planted yata review nyu ang video sa 01:06 or 07 naka point agad yung manong sa ubox ng mc sabi nya oh ano ha?
tapos pinagtawanan kasisimula palang ng pag check.

OT: tsk tsk dilikado nga talaga dapat meron ka spy cam dala dala para panlaban sa mga ganyan hahaha

Tapos na usapan dun sa pagtakbo nya in the first place hehe madidiin na yan

too bad

wala bang way para subaybayan mangyari dito?