Author Topic: abandon credit card  (Read 2469 times)

insane0822

abandon credit card
« on: December 03, 2016, 08:39:59 pm »
mga co-spies, ano ang mga consequences pag tinaguan ko utang ko sa credit card..posible din ba na pumasyal sila sa office? salamat more power

dong_neo

Re: abandon credit card
« Reply #1 on: December 03, 2016, 09:24:46 pm »
i dont recommend it bro , tatawagan ka ng mga credit card company ng walang humpay sa lahat ng mga contact numbers na ibinigay mo cel , landline at ipahihiya ka sa mga ibang tao n makakasagot ng phone lalo sa mga  co employees mo , family members , papadalhan ka nila ng sulat sa address na nilagay ma  galing sa mga law office na magbabanta na sasampahan ka ng kaso. and the worst of them all ma rered flag ka s lahat ng mga bangko kasi shared ang mga database nila . kaya if i were you bayaran m n lang kahit paunti unti.

maniac2999

Re: abandon credit card
« Reply #2 on: December 03, 2016, 10:09:31 pm »
mga co-spies, ano ang mga consequences pag tinaguan ko utang ko sa credit card..posible din ba na pumasyal sila sa office? salamat more power

Bad idea, kung di kayang bayaran e bat ka naman nangutang?

Di ka makakapagloan sa KAHIT SAAN, pagkatapos nyan

rodeo

Re: abandon credit card
« Reply #3 on: December 04, 2016, 12:27:31 am »
Mag request ka nalang kung pwede babaan nila yun tubo... i dont know the right term pero meron silang parang amnesyt para mapababa or maliit lang ang babayaran mo monthly...

naruto789544

Re: abandon credit card
« Reply #4 on: December 04, 2016, 08:08:14 am »
agree with them ts... bad idea... you'll be jeopardizing your credit rating to all banking institutions...

junex29

Re: abandon credit card
« Reply #5 on: December 04, 2016, 08:17:19 am »
Di ka nila hahanapin, di ka nila pupuntahan, di kanila pag aaksayahan ng oras, tatawagan ka lang nila tapos padadalhan ka ng love letter galing sa kung sinong abugado nila.

Pero naka alarma sa lahat ng banko pangalan mo. Lahat ng future loan transaction mo sa banko sa pag finance ng bahay, kotse, lupa at iba pa kalimutan mo na pati sa mga lending company na member ng bagong credit management association na itinatag ng gobyerno nakalista pangalan mo.

insane0822

Re: abandon credit card
« Reply #6 on: December 04, 2016, 09:54:25 am »
babayaran ko naman pero di muna ngayon, nagka financial problem lang kaya diko afford muna maghulog monthly. buti na lang ako sumsagot sa calls sa office..nagaalala lang ako baka kasi pimasyal sila sa office..maraming salamt co spies more power..

bigbanggoo

Re: abandon credit card
« Reply #7 on: December 04, 2016, 10:35:24 am »
FIrst of all, magpapatong interest nyan. Sa first few months mo na hindi nagbayad they will threaten to sue you pero after a few more months kapag masyado nang malaki yung interest at di na realistic na mababayaran mo e aalukin ka nila na isettle yung original balance mo. After a year or 2 ibebenta nila yung utang mo dun sa mga corporate na nagsspecialize sa paniningil ng utang.  Anyway, at worst e bad credit ka sa lahat nang banko so di ka makakautang or makakakuha nang credit card kahit saan. Although pwede ka pa namang mag open nang accounts.

wildgang_10

Re: abandon credit card
« Reply #8 on: December 04, 2016, 04:08:26 pm »
Mas maganda i settle mo ng maaga... yung boss manager namin dati ganyan din yung kaso hinde nya pinansin hangang binayaran naman nya ng paunti unti hinde nya alam na interest lang yun naibabayad nya hinde pa yung pinaka principal..

ayun hangang sa lumobo yung babayaran nya! everyweek may tumatawag na kung sinu sinu mag papakilala na law firm office ni atty. tapos papadalhan ka pa nung subpoena  may halong pananakot...

pinsan kong babae naman hinde nakaalis kaagad papunta ng US dahil yung utang sa credit card nya umabot na ng around 80k (ewan ko ba kung anung pinag bibili nun!) need muna nya i settle yung utang nya.

sa abroad naman may mga nakasama kami sa work na galing ng dubai and abu dhabi ayun ang ganda na ng work nila pero lumayas sila kasi sa laki ng utang nila sa credit card hinde na nila mabayaran tinakasan nila!

kung maliit na amount lang thousand lang ma isettle mo pa yan, huwag lang aabot ng 1 million yung amount kasi ang magiging kaso mo na nyan is ESTAFA sure na kulong ka dyan!

ruthless

Re: abandon credit card
« Reply #9 on: December 04, 2016, 06:01:34 pm »
Request ka sa credit card company kung pwedeng babaan ang interest mo monthly.

Or kung may iba kang credit card, apply ka ng balance transfer na mas mababa ang interest rate.

Wag mo iwan kasi papatak ang interes mo at hindi mawawala ang record mo ng utang. Tama ang sabi nila na masisira ang credit rating mo. Hindi ka makakautang sa kahit sinong legitimate na financer na may access sa database.

O kaya, magbenta ka na ng mga hindi mo kailangan para ma-resolve mo agad yang utang mo.

Or unti-untiin mo. Kahit mag-minimum at interes ka lang muna tapos kapag nakabawi-bawi ka na, saka mo piliting bayaran ang principal.

Last resort, mag-personal loan ka sa kamag-anak para mabayaran mo lang. Mas forgiving ang kamag-anak kesa sa credit card.