Espiya Technology Boards > Computer Help

Business Plan of PLDT Internet

(1/4) > >>

brandon_jom:
Ask ko lang mga ka-espiya especially sa mga my internet cafe kung anong magandang internet business plan sa PLDT ang maganda for 20 workstations. Anong speed ba ng internet ang required para sa mga gaming like DOTA, LOL at iba png online gamings na in ngayon. At specs ng mga pc's na pwede na para sa mga online games na nabanggit ko and how much kaya ang price ng isang pc.

Thanks in advance  ::moreinfo toast::

flushfire:
Depende sa available na klase ng connection sa area. Kung may fibr, kahit yung pinakamura pwede na. Kung wala, mas desirable yung multiple slower lines kesa sa isang mabilis. Yung upload kasi ang importante kesa sa download. Isang linya ng pldt dsl nasa 70kb/s ang average upload speed regardless ng download. Yung dota 2 kelangan mo at least bigyan ng 5kb/s upload so yung isang line ideally 14 lang ang kaya i accommodate ng sabay sabay bago mag-lag yung mga naglalaro. Pero kaya ng isa hanggang 20 as long as merong proper bandwidth management. Kahit yung lowest (10mb) pwede na.

Wag ka lang kukuha ng may data cap, sasakit ulo mo.

Isang disentent entry-level PC will cost around 11,000 kung diskless, +2k kung may hard disk. +2k ulit kung gusto ng high-ish settings sa games. Pang 1366x768 yan na reso, usually 18.5". Pag sa 1920x1080 dagdag pa ulit ng mga 1.5k.

호밀 크루즈:
Eto ang kung anong meron ako...

So Meron akong computer shop at may 20 units din ako (Not Diskless setup). Gamit kong internet is PLDT DSL 6MB (3,200 a month kasama na yung telephone bill). Dota 2 at LOL lang din ang nilalaro dito samin. Okay naman yung internet speed na 6MB, wala naman LAG, basta wala lang mag yo-youtube or download. All in all satisfied naman mga customer ko.



Eto naman suggestion ko sayo....

Internet - Kuha ka ng 10MB kung kaya naman ng budget mo at kung sa tingin mo eh malakas naman ang comshop jan sa inyo. Bili ka din ng maayos na Router, as much as possible yung may tinatawag na QOS para maconfigure mo ng mabuti yung distribution ng bandwidth. Para kahit may nag yo-youtube eh hindi mag la-lag yung mga naglalaro since pina-priority nun yung gaming (syempre may configuration yun). Sakin kasi puro gaming lang naman talaga mga customer kaya di nako kumuha ng ganyang router.

Computer Clients - Mag diskless setup ka nalang. Malaki ang tipid mo jan. Kasi yung 20 HDD na bibilin mo para sana sa client eh makakabuo ka na ng magandang Diskless Server PC sa ganyang amount (around 40K). Tapos yung mga client mo eh kahit celeron nalang ang CPU mo tapos GPU na GT730 at 2GB na RAM (yan ang specs ng mga client PC ko). Lalo ngayon, maraming update mga online games, kung minsan may 3x pa sa isang araw, so pag naka diskless ka eh isang update ka lang okay na lahat.

Hope this help ;)

boyzarimanok:
mikrotik lang katapat nyan..
pwede din pfsense...

naruto789544:
ung 10mb nasa 6k ung price.. but it's worth it... :)

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

Go to full version