Last year habang andito pa ko sa saudi, nagbook ako sa cebpac because of piso sale. Total of 3K roundtrip. Soloista nga pala ko. Then tyinaga ko maghanap/stalk ng mga random people sa fb na nakapunta na sa EN. Nakahanap ako ng worth 8K na travel tour na ako mismo nagpackage ng gusto kong tour with hotel nadin yun. That 8K is composed of travel to Puerto Princesa ng 1st day (land tour) then rekta ng EN ng gabi para sa tour A and C the following days. Plus nacpan twin beach on 4th day. Pagbalik ng puerto on last day saka lang ako namili ng kung ano ano. For a solo sulit naman yung price para sakin, considering 5D4N ako sa palawan. So kung ikkwenta mo yung magagastos niyong dalawa, siguro yung 8k na yun eh may makukuha kang 6-7k pax depende kung pano ka makipagbargain. Bumababa price habang dumadami kayo. Isasali kayo sa ibang soloist/duo para maging isang group. Bawat tour kasi is 1200 pax talaga kahit san ka tumingin dun.
Para sakin walang kaso gumastos kasi sulit naman talaga. Kung may work ka naman/kayong dalawa e medyo taasan mo na allowance mo. Sarap sana kung may kacouple din ako kaso wala eh
Ako may nakalaan sa pagtravel. Next target ko paguwi yung magkakadikit na islands ng iloilo, guimaras, siquijor, bohol at cebu south. Pati CDO kung mahahabol ng oras hehe.